Sunday, November 28, 2004

Nay...Tay..Nasan kayo?

Sunday, nagpunta kami sa asusacion de damas Filipinas sa may paco, manila para sa activity ng MSM, 1st time kong pumunta sa outreach program. Tahanan yun ng mga bata na walang magulang, sa madaling salita orphanage.

Wala akong energy nung time na yun kasi naman 2 hrs lang tulog ko,dun kasi ako natulog sa bahay ng bespren ko, anong oras na kami naka dating sa kanila, may prob kasi si bespren kaya eto ako, “shoulders to cry on” hehe.

Goto lang ang inalmusal ko before pumunta sa skul.Naghahanap nga ako ng botika para bumili ng Enervon with zinc,effective daw yun pam pagana…

Pagdating ko sa skul, akala ko maraming sasama…mga 20+ lang ata kami.pagdating namin sa paco. Mga 40+ children lang ata yun nandun, sabi ko sa sarili ko”bakit parang ang konti nila?” expected daw 65 sila.

Mahilig ako sa mga bata kaya kahit wala akong energy,pinilit pa rin ang sarili para ma enjoy ko naman yung moment na yun. Nung pumasok na kami sa Orphanage, may biglang yumakap sa akin na bata, nagulat ako, nagkatinginan pa nga kami nung isang member…di ko alam I rereact ko kaya nginitian ko nalang yung bata.

Umangal pa ko kung bakit 40+ lang….ng nagsimula na ang program. Patay, nahirapan kami I handle ang mga bata sobrang kukulit, naisip ko uli “buti pala hindi sila 65.”

Umupo ako sa mga upuan ng mga bata habang naglalaro sila, dun ko nakilala sila Emman (parang half Chinese,5 yrs old), si Peter (parang half American 5 yrs old), at syempre dib a naman mawawala ang pangalang Mark(4 yrs old,),Omar(hindi nakikipag participate,4 yrs old), at si Girlie (na crush ni Emman).

Nakipag kulitan nalang ako sa kanila, si emman at peter laging nag duduraan at syempre nakisali ako sa duraan nila (joke lang). tinatanong ko ang Bday nila kung kalian…di nila ako masagot sinasabi lang nila yung age nila, Naawa naman ako sa kanila kung bakit may mga magulang na ganun…iiwanan nalang yung anak nila. On the other hand, ayos na siguro na nandun sila, doon napapakain at napapagaral pa sila.

“Ano gusto mo pag laki mo?” tanong ko sa kanila…si emman, Gusto daw nya maging pulis. Nag aaral nga daw siya ng mabuti, at yung iba naman hindi alam kung ano gusto nila maging.Sabi sa akin ni emman, maaalala daw nya ako pag bumalik ako sa kanila kasi daw kapareho ko ng pangalan yung isang bata dun na katabi nya.Ang tanong, kung babalik nga ba kami dun para sa next outreach?at kung nadun pa ba sila pag balik namin?

Natapos ang 2.5 hrs na stay namin dun, Napasaya nila ako, sana napasaya din namin sila kahit papano.Gusto ko uling mag outreach dun next time…

Kahit pagod at gutom….At the end of the day sarap ng feeling dahil lam mong nakatulong at nakpagpasaya kahit panadalian lang.


Saturday, November 27, 2004

Bumaba ka na!

Saturday night after ng class, pumunta kami sa myx mo to’ sa may morayta..at dahil bouncer ang kuya ni jen dun, may pagasa na magkakaroon kami ng easy access at baka nga pati sa back stage pwede.

Hinanap namin si kuya, sa paghahanap namin kung ano ano ang nagyari sa amin…naipit pa nga kami sa crowd nagtutulukan kasi…sobrang init at amoy pawis na lahat ng tao.

Hindi namin nakita si kuya at napad pad nalng kami sa gilid ng stage. Ayos na rin yun kahit likod lang ng mga artist ang Makita namin. Ayos din pala yung pwesto namin…nakikita namin ng malapitan yung mga kakanta before umakyat ng stage.

Hindi naman ako fan…yung tipong isisigaw ang pangalan ng artist para mapansin at para makawayan…yung mga katabi ko ganun…hinihingi nga nila yung drum stick ng mga banda at syempre hindi nila binibigay . Ayos na sa akin ang matitigan sila at mag imagine ng ”pano kaya kung ako naman yung sinisigawan at pinapalakpakan ng mga tao”hehe

Ang pinaka magandang babae sa gabing yun ay si halller (iya, myx vj).grabe…sobrang nagandahan ako dun..lahat kami na patingin sa kanya.

Di na namin tinapos ang libreng concert hanggang kay Kayla lang ako ….si jen nga umuwi na kasi ang hinihintay nyang sandwich at bamboo sa huli pa daw kakanta. Ng si Mark Bautista na ang kumanta…nagkagulo ang mga tao sa gilid ng stage kung saan dun kami naka pwesto..hindi dahil sa na excite sila makita siya kundi dahil ayaw nila kay mark. Sinisigaw nila “bumaba ka na, bumaba ka na ,bumaba ka na…….jologs…jologs…jologs.” nung narinig ko yun napatingin ako sa mga sumigaw nun. Naiisip ko, Haaaallllllerrr????????tumingin ba kayo sa salamin????mas mukha nga kayong jologs!!!!

Wag nyong gaganyanin si Mark,kapangalan ko yan hehe although ayoko din naman sa boses nun hehe, mas pinili kong wag mag react.

Umiral nanaman ang ugali kong (tinatawag kong exchange position)pano kaya kung ako si Mark Bautista at si Mark Bautista ay ako…habang kumakanta ako sa myx mo to. Naririnig ko sa gilid ng stage na may sumisigaw sa akin na bumaba ka na..ang Sakit naman marinig yun…hindi naman kasi puro rock artist ang nandun..bakit sila Kayla at ogie at sarah hindi nyo sinigawan ng ganun nung kumakanta sila?Oo alam kong you cannot please everybody!!!(ganyan ang naramdaman ni Mark Bautista hehe)


sila sila,may bday ata. Posted by Hello

MSM-pinaka una kong org sa mapua Posted by Hello

Friday, November 26, 2004

Walking is Good for the Heart

Walking is Good for the HeartContributed by Gmajor7 (Edited by mananalaysay) Friday, November 12, 2004 @ 12:01:46 AM (read 4785 times)Print Send

"Maglalakad lang ba ulit tayo?" Tanong ko sa 'yo nung pauwi na tayo galing class.
"Oo naman," Naglalakad ka na bago ka magbigay ng sagot, kasunod ang walang kamatayan mong linya, "Walking is good for the heart."
Nagreklamo ako, "Nakakatamad!" Pero sumunod din naman ako sa paglakad mo.
"Alam mo, mas masaya maglakad."
"Sabi mo e."
"Hindi nga!" Ang tawa mo, "Una--"
Unahan na kita, "Walking is good for the heart?"
"O, yon."
"Ano pa?"
"Marami kang nakikita."
"At walang nakikita sa jeep?"
"Meron. Pero mabilis! Maraming bagay na hindi mo mapapansin."
"Halimbawa?"
"Halimbawa..." Tumingin ka sa paligid, sabay pulot ng isang tuyong dahon, "Dahon."
Inabot mo sakin ang dahon, tinanggap ko at tinapat ko sa mga mata mo, "Dahon?"
"Dahon," Tumango ka na parang napaka-obvious ng point mo, "Ang ganda diba?"
Tiningnan ko ang dahon, "Hinde."
"Ang KJ nito. Maganda siya, in its own way."
"ANG GANDAAAAAAAAAAAAH!!!"
"Exag."
"Ang ganda!"
"Ayaaaaaaaaan..."
"O, dahon. Maganda. Tapos?"
"Walang dahon sa jeep."
"Meron!"
"Pupulot ka ba ng dahon sa jeep?"
"Hinde. Eh Ikaw lang naman ang kilala kong namumulot ng dahon e."
"Kaya nga."
"Ang labo mo."
"Malalaman mo bang namumulot ako ng dahon kung hindi tayo naglakad?"
"Hinde."
"Malalaman ko bang tumatanggap ka ng mga pinulot na dahon kung hindi tayo naglakad?"
"Hindi ren."
"Malalaman mo bang tumatanggap ka ng mga pinulot na dahon kung hindi tayo naglakad?"
"Lalong hinde."
"Kita mo na? Kaya mas masaya maglakad."
"Para makapamulot ng dahon?"
"Oo," Tumawa ka ng bahagya sabay ngiti sa'kin.
Bahay ko na, "Dito na 'ko."
"Next meeting ulit?"
"Mamumulot tayo ng dahon?"
"Hanggang sa makagawa tayo ng foliage."
Pinanood kita maglakad palayo saka tiningnan ang dahon na hawak ko pa rin hanggang doon.
Walking is good for the heart.

wish

95% daw ng jip nationwide ang mag s-strike pero di lahat naki cooperate...

nagmadali nanaman ako para makahabol sa 130 class ko 2pm na kasi,may nakasalubong akong classmeyt sa subject na yun at sabi wala daw si sir.NANAMAN?lagi nalng walang pasok dun.

second class ko 430 at dahil gumawa na ako ng assignment di ako nagmadaling pumasok para mangopya.pagdating ko sa rum yung mga nakaupo sa harapan wala pang assignment,tanong ni che:

"may assignment ka na?"

"oo naman"

"pakopya(sabay abot ng aking assignment)"

"kaw sumagot?"

"nagtanong kapa sabi ng katabi ni che,syempre pinasagutan nya yan sa org nya"

"oo,ako sumagot nyan"

at pagdating ni ma'am, ok class pass your assgn. pagkuha ko sa papel ko napansin ko may mali sa gawa ko,what?bakit ngayon ko lang napansin?pitong tao ang pinakopya ko ng assgnment ko,syempre lahat ng pinakopya ko mali na din.Confident ako sa assignment ko kasi napalabas ko yung tamang sagot nagkamali lang ako sa process. ayus na yun!di naman pala ni check ni ma'am pinirmahan lang.pero na disappoint ako sa aking sarili hehe

at dahil ayoko pang umuwi sa ilang kadahilanan,sumama ako sa pagpunta nila jen at mj sa St. Jude Church kahit hindi ako catholic..na curious ako kasi every thu.nagsisimba yung dalawa dun . pag naka nine na simba ka daw matutupad yung wish mo at syempre ano pa ba ang wish nung dalawa edi ang pumasa sa lahat ng subjects.

Pag 1st time daw mag simba dun kailangan mong mag wish.ano ni -wish ko?sa akin nalang yun,syempre kasama na sa wish ko ang pumasa sa lahat ng subjects. Effective daw ang pag simba sa st. jude si jen 3 terms ng walng bagsak pag 1 yr na nya nyaong december kung ala syang sinko.

Sana matupad yung wishessss ko.

Thursday, November 25, 2004

bEnChPoinT

The Armchair Quarterback

expectation

nakapag exam na ako kanina sa socio at 28/40 ang nakuha ko...lintik mas mataas pa yung clasmeyt ko na ni review ko before mag exam..may na dag-dag kasi akong additional info sa kanya.pero ayos lang yun pasado naman ako.

Na bwisit si ma'am sa amin may sumigaw kasi habang nag r-roll calling.sino yung sumigaw???walang umamin kaya ayun nxt miting, pag may nagsalita daw ng hindi tinatanong magkakaroon kami ng pasok sa tues. eh mwf ang sked namin sa kanya.napansin ko may umiikot na papel sa rum, nung dumating sa akin, cell no. at email pala ang pinapasulat...uhmm sino kayang clasmeyt yun at maaga siyang nangunguha ng nos.

after mag exam tambay na ako sa MSM,vacant ko kaya ayun ginawa ko na yung assignment para bukas.kya pala walang masyadong tao sa west lobby eh nasa gym lahat at nanonood ng championship,inter-skul basketball...at syempre hindi nakasali ang org namin, di daw kasi pumayag ang kasalukuyang president ng org last term.So nanood ako sa gym at ako lang mag isa wala kasi akong makitang kakilala.punong puno ng excitement ang mga tao,halos lahat nakatayo pati yung mga nasa bleachers...sigawan dito sigawan doon...wagayway ng banners...pasahan ng ballon na condom...ang saya nila.

di ko natapos ang game,may class pa kasi ako ng 6. Ang nanalo SOLID.kampi ako sa team na yun kasi yung sa LIGHTS, dont be offended pero may naririnig akong di masyadong magandang comments bout sa org.

pagbalik ko sa MSM may nakita kong may naka post sa tambayan ng LIGHTS na "tuloy pa rin ang VICTORY PARTY" nyak..eh natalo nga sila eh. wag kasi masyadong mag expect baka ma disappoint.eh yung sa tambayan ng nanalo walang naka post sa kanila na ganun...

Wednesday, November 24, 2004

salamat

salamat sa mababit at hindi madamot na seatmate,dahil sa kanya nasagutan ko ang first part ng exam,definition of terms 10 items. di ko nadala ang notes ko sa discrete math may kutob akong exam ngayon,absent kasi ako last miting.akyat ako sa rum namin,may exam nga yung 1st class ni sir,kaya nagsimula akong mag hunting ng classmeyt, may time pa naman mag aral.

dumating ang 130 at hindi ako handa para sa isang pagsusulit.buti naman madali lang ang exam ni sir. except sa definition of terms...buti nalang yung sa harap ko natatakpan ako sa view ni sir kaya di nya ako nakikita na habang kumokopya ako.pero sa part 1 lang naman ako kumopya...nag thank you naman ako dun sa kinopyahan ko.i forgot her name pero salamat talaga....

After kong mag exam ng 20 mins.gutom na gutom na ako kaya ayun.bumili ako sa canteen 1 1/2 rice at beef steak ata yung ulam...habang akoy kumakain...may dumating na 4 boxes of greenwich pizza,3 1.5 bottles of softdrinks at 2 boxes of cake(ube and mango).wrong timing ang pagkain ko...nawalan na ako ng gana ubusin yung pagkain...makita mo ba namang takam na takam sa pagkain ang orgmates mo ng pizza at ikaw ang nag iisang kumakain ng rice gaganahan kapa kaya?hay...kung naghintay lang sana ako ng ilang minuto nakatipid pa sana ako.at dahil busok na ako isang slice lang kinain ko...salamat sa nag blowout.

hay exam ko sa sociology bukas,may possibility na kaya naming ma perfect ang exam kasi nagbibigay si ma'am ng assign na siyang reviewer namin..kaya lang tinatamad akong i memorize...bukas nalang ako mag aaral.

Sunday, November 21, 2004

'Di Ako Papa Material


Ang malas-malas naman ng kapalarang aking kinagisnan dito sa lupa; hindi ako isinilang na isang Papa material na nilalang.
O napakahapding tunay tuwing kasama mo ang mga kaibigan mong babae at kapag nakakita sila ng mga kakaibang nilalang, nagkakagulo sila kahit patago. Kung sabagay, paano mo nga naman sila masisisi? Ang nakita nila ay gawa sa iba’t-ibang espesyal na material na kapag pinaghalu-halo, ang produkto ay iyong tinatawag na mga Papa.

Madalas kayumanggi o mestiso ang mga taong ito. Siguro ang balat nila ay gawa sa porselana at mamahaling kahoy na galing pa sa ibayong karagatan. Hindi ko mapagtanto kung ano ang dahilan ng epekto ng flawless nilang mga balat sa behavior ng babae. Posible kayang nag-e-emit ng psychological radiation ang material na nagko-compose sa kanila?

Nag-e-emanate din ang extraordinaryong kapangyarihan sa mga Papa. Malas mo kapag hindi ka Papa at may nakaenkuwentro kayo ng isa ng mga kaibigan mong babae.

Katulad na lang sa mumunting gym ng UP Pampanga (actually, public gym yata iyon kasi tuwing 5 pm may mga outsiders na naglalaro). Kasa-kasama mo ang mga friends mo sa tambayan ng org niyo, ngunit kapag naispatan ng radar nila ang isang semikalbong guwapo na magaling mag-basketbol, buburahin ka ng mahiwagang kapangyarihan ng Papa at mawawala ka sa paningin ng mga kasama mo.
Paano niyan? Hindi ako Papa material. Gawa lang ako sa dumi (ayon sa Bibliya). Wala akong baby cheeks na kayang gawing panandaliang baliw ang mga babae. Hindi ako magaling mag-shoot ng bola. Hindi pang-model ang aking tindig at lakad. Talong-talo ako. Wala akong powers na pangontra sa mahika nila. Ang tanging option ko na lang ay manliit at manahimik tuwing may Papa na kikitil sa aking presensiya.

Eh kung hiritan ko kaya ng, “Alam niyo, nadiskubre ko, drug addict iyan. Atsaka nagpapatira daw iyan kapag nangangailangan ng pera.”
Oh no no no no no! Never do that! Huwag sisiraan ang mga ginintuang Papa, dahil aalingasaw ang iyong pagiging insecure.
Eh kung makisawsaw ka sa pag-praise sa kanila? “Uy, magaling din iyan sa soccer. Noong high school, crush ng bayan iyan. At mayaman pamilya niyan ah. May sarili pa ngang kotse eh. Iyang pagka-moreno daw niya, ang alam ko, mana sa kanyang Daddy.”

Waaah! Parang ang sagwang tignan. Baka pag-isipan ka pa na pati ikaw ay interesado sa taong iyon.
So wala na talagang puwedeng gawin kundi dukutin ang cellphone at magpakasasa sa Snake II ng mag-isa hanggang makaalis ang kalaban o hanggang humupa ang paglalarit ng iyong mga kasamang babae.
Kung purgang-purga ka na sa Snake II, i-clear mo ang harapan mo, kabugin ng apat na beses ang table at banggitin ito with actions: "heto ang beat sabay-sabay, heto ang beat bawal sablay; pabilis ng pabilis huwag magmi-miss huwag magmi-miss; gets mo na? gets ko na ang aaahh... Coca-Cola!"
Subukan mo namang ilihis ang topic, magmumukha ka lang kawawa.

Ngunit sa huli, kami pa ring mga kasa-kasama nila ang kanilang mga kapuso o kapamilya sa araw-araw, kahit hindi kami Papable. Sa amin pa rin daw sila tatakbo kapag may kailangan sila o kung may gusto silang i-share na kuwento. Kaming mga hindi Papa pa rin daw ang tunay na action star ng kanilang mga buhay tuwing meron silang personal na suliranin o kung anu-ano pa na hindi mabibigyang lunas ng mga Papa na gumagala sa lupa.
Sabi nga ng isang kaibigan ko, ang mga Papa ay para tignan lamang. Kumbaga sa isang jewelry shop, hands off! Bawal hawakan, bawal kausapin ng masinsinan; hanggang malagkit na tingin ka lamang.
written by Lagsh
UP student

Saturday, November 20, 2004

Bago Mag Umaga

nagmula ito sa isang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas


Personal Thoughts : Bago Mag-umaga
Contributed by
slayswift (Edited by blue_kuko) Monday, October 11, 2004 @ 06:21:41 PM (read 1955 times)Print Send


Alas-tres ng umaga, gumagawa ako ng sandamakmak na papers para sa aking mga majors. Mahinang tumutugtog ang mga MP3 ng musika mula sa speakers ng aking computer. Random ang setting ng player ko. Mula sa selection ng magkakahalong kantang rock at alternative, nagsimula ang mga linya ng Thinking About You ng Radiohead. Natigilan ako sa aking pagta-type. Masakit na rin naman ang leeg at mga daliri sa mahigit anim na oras na trabaho. Tumayo ako mula sa upuan, nag-inat-inat, minasahe ang leeg na kumikirot at uminom ng maligamgam nang orange juice sa ibabaw ng computer table.

Umupo akong muli, at napatitig sa monitor. Mahaba-haba na rin ang nai-type ko sa isang paper. Ibinalik ko sa pinaka-unang pahina. Title page. Nakasulat doon and pangalan ko at ng aking partner. Partner sa ilang gawaing pang-akademiko, pinakamatalik na kaibigan sa totoong buhay. Napaisip ako. Marahil ito na ang huling paper na makikita kong magkasama ang aming mga pangalan. Pumasok siya sa isipan ko. Pinagmuni-munian ko, inisip kung mahimbing na ang tulog o marahil nasa labas pa at abala sa pagpa-party o date. Kahit ano man sa mga posibilidad, gising ako at iniisip ko siya.
Tila isang haraya. Parang isang music video ang lumantad sa aking kamalayang inaantok na rin sa kawalan ng tulog. Ako, gising sa madaling araw, iniisip ang ilang mga bagay. Siya, mahimbing ang tulog o dili kaya'y nagsasaya. Kung iisipin ko sa pinaka-obhektibong paraan, tila lugi ako sa mga nangyayari. Ngunit 'di ko mailagay sa ganoong paraan. Ayoko. Ako naman ang mas masayang nag-iisip na 'di siya nahihirapan, na siya ang walang iniisip, na siya ang nagpapakasaya, kahit katumbas noon ay ako ang mahirapan sa kahit anong isyu sa buhay.
Naisip ko ang panahong nagdaan, lahat ng mga panahong pinagsamahan - ang tamis at pait, ang ngiti at lungkot, ang halakhak at ang ilang 'di maiwasang bangayan. Maluwag ang loob kong iniisip na ginawa ko naman ang lahat ng makakayanan, lalo na kung para sa kanya.
Sa lamig ng umaga, boses lang ni Thom Yorke and karamay ko. "What do you care?" tanong ni Thom sa huling linya ng berso.
Parang ang sarap kantahin. Kung minsan napapa-isip na din ako. Tama nga kayang ako ang palaging magbibigay sa aming samahan? Oras na kaya para isipin ko naman ang halaga ko? Para man lang sana sa akin. Ano nga naman kaya ang pakialam niya sa akin? Nitong mga nakaraang araw, tila wala. Naalala ko ang kanyang sinabi nang huli kaming nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan, "''Di ko naman sinabing gawin mo ang lahat ng iyon." Hindi nga niya sinabi. Ang pagmalasakitan siya ay desisyon ko. At kahit kailan, hindi ko pinanghinayangan at pinagdudahan ang mga kilos ko. Ngunit ang mga salitang kanyang binitawan ay tila mga palasong bumaon sa aking dibdib. Tama pa kaya? Tama pa rin bang pagmalasakitan siya ng buong puso? O oras na kaya upang isipin ko man lang na tao din ako, nahihirapan, at minsan dapat alalahanin ang sarili?
Alas-tres pasado ng umaga. Masakit pa rin ang leeg, nangangatal na ang mga daliring pagod at uhaw pa rin ang lalamunan. Matatapos din ang papers, mare-revise, maipapasa at magkaka-grade. Ganoon din ba ang pagkakaibigan?
Sa ilang mga minutong lumipas, 'di ko napigilan ang ilang pagpatak ng luha. Ayokong dumaing, ngunit masakit.

Friday, November 19, 2004

Absent!!!

nagmamadali ako papasok sa skul.2PM na 130 ang class ko.lakad..... lakad..... lakad,napansin kong malapit na pala matapos yung park sa tabi ng manila city hall...napansin ko ding may parang tower dun...ilaw pala yun...ayos sa design parang UFO.nag iimprove na ang manila.

ang init init,uhaw na uhaw na ako at pagod na pagod sa mahabang paglalakad patungong skul...210 na ako dumating sa skul at patakbong inakyat hanggang 4th floor.at pagdating ko sa room...akoy nagulat sa aking nakita...huuuuuwwwwwwwaaaattttt!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!classmeyts nasan kayo???walang tao sa room...absent nanaman si sir caminos.nakaka bwisit laging absent yung prof na yun.lagi nalng holiday sa kanya.

ayos naman sa akin na walang pasok hehe,wala din naman kasi akong assignment.kaso lang 430 pa class ko ang haba nanaman ng vacant ko.

no choice edi bumaba na ako sa canteen at bumili ng mocha java.at dahil palagi akong bumibili kay ate nakakapag pa refill na ako...syempre tambay uli sa msm.hindi pa nagagawa yung electric fan namin kaya ang init sa tambayan.buti pa yung katabi naming org dalawa ang fan nila..at syempre ang walang kamatayang sungka...at may nagaaya na sa aking mag laro ng chess....ka org pero di ko alam ang pangalan hehe..kaya ang next goal ko..ang matuto mag laro ng chess.alam ko naman yung mga moves pero wala akong practice...di tulad ng mga nasa org mga master na sa chess...
at pumasok na ko sa DE class...gusto ko ng makita yung result ng exam...pero di dala ni ma'am...mga ilang years pa bagoo maibalik yun...maagang natapos ang class...umangal si vanni tungkol sa exam ang hirap daw kasi...at syempre dahil nasa harap kami ginatungan ko na rin hahaha.

vanni:ma'am ang hirap naman ng exam!!

ma'am:mahirap ba?

ako: opo ma'am ang hirap hirap!!

ma'am:ganun ba?!?dadalian natin nxt time(ang bait talaga ni ma'am)

at napunta ang usapan sa:

vanni:ma'am ipasa nyo na kami(nagmamakaawa)...christmas naman eh

buong class:christmas naman po...

vanni:yung mga ka batch ko graduate na ,ako nandito parin sa DE at yung iba may anak na nandito parin ako!!!

ako:ma'am pasa nyo na kami tutorial na ang DE next term

and so on...

at yun nagbigay ng project si ma'am para sa additional points...kailangan naming magsagot ng 2 problems per topic.ayos! kasi hindi ako masyado mahihirapan madami akong resources hahaha...at syempre sila vanni uli ang groupmates ko no choice naman ako sila lang ang kilala ko sa class.

01001110101

kung mahilig kang mag net at may sariling computer....

ako, sawa na ako sa pag gamit ng Internet Explorer sa pag net...madami palang uri ng so called "Browser." gamit ko ngayon ay ang Maxthon...para din syang internet explorer pero mas ok.Sa isang window pede ka mag open ng ibat ibang sites...galing diba?ako, nagustuhan ko yung ganung browser...4 browser ata ang nandito sa computer ko...firefox,mathon,internet explorer,netscape. san ko nakuha tong mga to? punta ka nalng sa site na
www.download.com at hanapin mo nalng dun sa category na browser.

at kung nagbabagal ang pc mo at laging may mga pop up na lumalabas pag nag nnet ka...malamang my spyware/malware na ang pc mo...muntik na akong madale nito...kala ko di ko na maayos pc ko. so nag download ako ng anti spyware dun uli sa download.com. na detect nya lahat ng spyware.kaya ayun naayos na pc ko.gamit ko palang anti spyware ay: spybot,Ad-aware and spyware doctor.

Wednesday, November 17, 2004

Sana

i had an exam in DE this afternoon. sobra kong pinaghandaan yung exam,kasi kailangan kong makabawi bagsak ako nung unang exam 33/100.

tagal kong nagaral...nag practice mag solve kasi yun ang sabi nila sa akin...wag daw basahin ang problem..kailangan itong i solve...lam ko naman yun kaya lang minsan nakakatamad lang talaga hehe.pero ngayon ang daming scratch papers ng org ang nagamit ko sa pagsagot ng problems.

buti nalng may mga napagtatanungan ako pag di ko na alam ang gagawin..tulad ni jen at iba pang nasa MSM.Pansin ko nag iimprove na ang org ko...which is good syempre.

4 pm kumain na ako sa canteen...nakakagutom mag aral.eto na 430 exam na. 7 problems ang binigay ni ma'am. yung isa bonus.Fuck na mental block ako,kabado?medyo...walang pumapasok sa utak ko.mga 10 minutes akong nakatitig sa mga problems....di ko alam kung ano ang gagamitin ko sa pag ssolve...patay tayo dyan.

buti naman may nasagutan ako,yun nag tuloy tuloy na...6 out of 7 problems ang nasagutan ko.tama naman ba?SANA. pero may isa dun na confident akong tama...yung iba, kung mali man may points parin para sa effort.kahit bagsak tong exam ko ayos lang basta lam ko sa sarili ko na di ako nangopya.
pero nagpa kopya ako sa katabi ko...wawa naman kasi wala pang nasasagutan..syempre yung pinakopya ko yung siguradong tama....pati nga yung sa likod ko naghihintay ng sagot...pasensyahan nalang di nya makita yung sulat ko haha!ang matindi dito yung mga babaeng katabi ko...nasa harapan na nga kami at nasa harap pa namin si ma'am at yun garapalang nagkokopyahan.pag nakatingin si ma'am ang gagaling umarte kunwari nag ssolve haha..pero nakita ko na napansin ni ma'am na nag kokoyahan sila...si ma'am na bahala dun...

pero sana pasado ako kahit malapit lang sa passing...naghirap din naman ako kahit papaano.

hay...exam nanaman sa mechanics tom. dun wala akong alam...bukas nalang ako sa skul mag aaral.

Good luck sa akin....pati sa yong nagbabasa nito..kung meron man

Monday, November 15, 2004


spongebob Posted by Hello

Urban Jungle

While surfing the net ,nanonood ako ng tv…gastos ba?minsan lang naman ganun…sabi ni sarah sa fans nya na I vote nila yung site nya…nominated sa 7th Philippine web awards.

Kaya punta ako sa site nayun …daming category…pag tingin ko sa category na school
Guest what?kasali ang site ng mapua, together with, st. paul university,Xavier School, don bosco technical college and arellano university at eto ang ranking ko:

Mapua (syempre!!!)
Aurello University(ayos ang design)
St. Paul (simple pero maganda)
Don Bosco (ayos lang)
Xavier School (masyadong simple)

Syempre I voted for mapua…pero nagustuhan ko rin ang web design ng Arellano University…

At nakita ko din na merong 1st blog awards …para sa best blog site at best blogger of the year….Sali ako?wala akong balak hehe,nag uumpisa palang ako….baka nxt year nalang haha..syempre tinignan ko rin yung ibang blog site…ayos naman yung iba,pero napansin ko puro English ang ginagamit nila…ano naman kung English?ala lang!!!!

Ngayon nagugutom na ko punta na ko sa bahay ng pinsan ko, mga 7 houses away from here…ako lang kasi tao dito sa bahay,tinatamad ako mag luto!

Eto yung site:

http://philippinewebawards.com
www.philippineblogawards.com

Thursday, November 11, 2004

ang libro

nawala ko ang libro kong reviewer in eng'g mechanics.........

ginagamit pa naman namin yun ng palihim pag may seat work sa mechanics para magkaroon ng points ang group...

pano nawala?

may assingment sa D.E. pumasok ako ng maaga so i can copy the assignment to my classmeyts...ginamit kong pam patong ang libro...sa labas kami nag kokopyahan kasi may tao pa sa loob ng rum...ng wala ng tao sa rum...pasok na kami syempre...sa likod ako pansamantalang umupo kasi nandun ang sagot sa assgn. kopya.....kopya......kopya.dumating sa si ma'am,naistorbo ang aming pa ngongopya...kaya yung iba hindi natapos ang assignment...

pag uwi ko sa bahay...wala ang libro ko...patay tayo dyan...pano na namin masasagutan ang seatworks pati ang assignments sa mecahnics????wala man lang nagmagandang loob na magsabi sa rum ng "anybody lost this?"

nawala ang librong hinanap hanap ko pa sa recto....dalawang version ang nakita ko...isang 40 php at isang 180+php...parehong sagot sa mga problema sa blue na book ng mechanics....syempre yung 40 ang binili ko....sabi nga ni danica, na ka groupmate ko..ang cheap ko daw hehe...

lesson learned:

wag mangopya???hell no hehe....wag dapat gamitin na pamatong ang importanteng libro tulad nung reviewer.kung gagamitin man ito...siguraduhing hindi ito kalimutang isama pag balik sa proper seat...

ang swerte naman nung nakakuha nun.....hay.......

Tuesday, November 09, 2004

di ko alam ang title dito!

kakabukas ko palng ng pc,brownout nanaman...naghintay ako ng halos isang oras kung magkaka kuryente pa...natapos akong kumanta ng kung ano ano habang nakatingin sa mga bituin sa langit sa labas ng aming bahay at yun wala pa ring kuryente...di na kaya ni mata kaya natulog na ako.
ng akoy natutulog na naramdaman kong may hanging dumaan sa aking katawan...di lang isang beses....hanging pabalik balik sa aking katawan....mumu ba yun???pag dilat ko..nakita ko ang aking ina na nakatayo at akoy pinapay payan...
wow naman ang swit hehe.
sa kasalukuyang ito nag l-labor ang aking paboritong pinsan....excited na ko makita yung baby...si baby joshua daniel.

Monday, November 08, 2004

bye...

after 3 month of vacation here in the philippines...aalis na uli ang aking tatay patungong europa....para mag trabaho...seaman ang tatay ko...

nung nalaman kong aalis na uli ang aking tatay,80% akong natuwa at 20% na nalungkot,nagalala at kung ano pa....ang sama ko ba kung bakit 80% akong natuwa?maiintindihan nyo din ako basta magbasa muna kayo hehe...syempre pag vacation na ng aking ama....walang income na pumapasok....so sa 3 months, san kami kukuha ng pang gastos?natuon pa na nung time frame na yun...enrollment ko, kaya na late ako mag enroll.malapit na mag retire ang father ko.....pag naiisip ko yun!!!!!ano sa tingin nyo mararamdaman ko?????patay na ako na ang magiging bread winner ng pamilya.mabigat na responsibilidad na ayoko munang isipin sa ngayon.

kaya kailangang maka graduate sa lalong mabilis na panahon....pano yan???nahihirapan ako....baka 2 yrs pa ako sa mapua.GOD HELP me!!!!!hehe

kanina hinatid na namin ang aking ama sa airport.....ang sama talaga ng kapatid ko(kaaway ko yun hehe)hindi siya sumama sa paghatid,ni wala man lang final words sa tatay namin.oo sumama siya sa paghatid....sa paghatid hanggang gate ng bahay.(hoy!!!!!9 months mong di makikita ang ama mo.).nung nasa sasakyan na kami ang buong akala ng aking ama na sasama yung kapatid ko...iba ang pagkakasabi ng tatay ko....parang malungkot.hay,pasaway talaga....

ako ang tipo ng tao na lagi kong nilalagay ang aking sarili sa sitwasyon ng ibang tao para maintindihan ko kung ano ang nararamdaman nila.gets?ginawa ko yun kanina nung magpapaalam na ako sa aking ama.kung ako ang nasa kalagayan nya,ano naramdaman ko?nakita ko ang isang malaking responsibilidad.responsibilidad kung paano mapapabuti ang kanyang pamilya.Sa kanya nakaasa ang buong pamilya...mahirap pero kailangan mo talagang gawin ang mga responsibilidad na yun..hay buhay............

woooooooowwwwwww ang drama, hahaha


napansin nyo ba na kasa sort na alphabetically ang friends list natin sa friendster?kaya madali mo ng mahahanap ang kaibigan mo.buti naman at naisipan nila yun.nice!!!

Sunday, November 07, 2004

spongebob squarepants

isa lang ang class ko ngayon. DE,sinabi ng prof na wala kaming class para sa discrete math.....ang daming absent sa 430 class ko pati yung mga katabi ko wala pa....si che lang ang dumating classmeyt ko siya ng 3 terms..kaya sa kanya na ko tumabi.eto na dumating na si ma'am nilabas ko na ang aking notebook....nagulat ako may kumuha ng notebook ko nung pagkalabas ko nito....kinuha ni che si spongebob ko.spongebob na nasa cover ng notebook ko...fave nya daw yun...eh gusto ko din yun eh...wala na akong magawa at syempre hiningi na nya...tinitigan....tumatawa ....ayun na daw ang pinaka masayang araw nya hehe.

kinunan nya din ito ng picture,nakita ko si spongebob ang wallpaper ng phone nya...isa lang siya sa mga adik adik kay spongebob,buti nlang hindi ko inilabas ang spongebob na panyo ko kung inilabas ko yun wala ng balikan yun....

dahil sa ni print kong spongebob nakapag pasaya na ako ng tao hehe...ayos lang yun pede pa naman uli mag print at hindi naman ako madamot...

tapos na ang class...punta ako sa MSM at yun niyaya ako sa miting....punta naman ako nandun din kasi si jen na isa pang adik adik kay spongebob...gusto nya hingin yun panyo ko nung pinakita ko ito sa kanya...hindi ko binigay wala pa akong pang replace dun...sa miting pinagusapan ang problema ng org. habang nag mimiting naisipan na naman ni jen na pumunta ng wow, nag aya ako ....at walang gusto pumunta..yung isa parang interesado pero mabigat daw ang dala nya isang pouch na coins na tag php 10.00 na 1000 pesos...dahil dun di sya sumama.

natapos ang miting at kala ko hindi na kami tutuloy kasi kami lang dalawa ni jen.pero tumuloy pa rin kami...walang masyadong interesting sa wow nung time na yun kaya umuwi na kami agad. ako?bumili ng neclace. php 25.00.si jen walang binili sa wed nalang daw.napunta ang usapan sa exchange gift....kailangan daw mag eexchange gift kami sa december.ano gusto nyang gift?ano pa ba edi spongebob na t-shirt.parang no choice na nga ako kundi yun talaga ang dapat kong ibigay...kung hindi ?ma didisappoint yun!!!!

bakit kaya ang daming may gusto kay spongebob?ako kaya ko siya gusto kasi natutuwa ako sa show nya...pati na rin kay patrick(yung pink na star fish)

Saturday, November 06, 2004

shutdown....

nakaka bwisit gumagawa ako ng blog para sa araw na ito at ayun biglang nawalan ng kuryenteeeeeee...........patapos na yun eh.....tinamad na tuloy akong ulitin nxt time nalng uli.......

Friday, November 05, 2004

Mark......MarC.....at mark

ilan ang Mark sa buhay mo?????????imposibleng wala kang kilalang mark ang pangalan.start counting....

bakit ang daming Mark???di ko alam kung maiinis ako o ewan hehe....sa skul hindi ko masyado nagagamit ang pangalan ko kasi sa sobrang common na....since elementary hindi ako nilubayan ng Mark na classmeyt...hindi ko na nasolo ang name ko kahit isang school year.kaya surname ang tawag sa(ducs,duczz,ducki at kung ano pa)akin, baka nga yung iba hindi nila alam na mark ang pangalan ko.ano problema ko sa pangalang mark?wala naman.....ang dami na kasing mark sa mundo,pag may tumawag sayong mark...pag lingon mo...ay iba palng mark yun... pati yung pamangkin ng bespren ko surname ang tawag sa akin....kuya Ducay...hindi kasi nya ma pronounce ng maayos ang mark dahil sa "R".


ano pa ba?sa totoo lang hindi lang ako maka tulog 4:15 na ng umaga.....
ayos lang kasi 3pm pa naman ang class ko...

2nd term.......

ang bilis ng panahon...parang last week lang kaka umpisa pa lang ng term.ngayong term ako pinaka nahirapang kasi late enrolee ako,malamang na late yung pag dating ng pera....sobrang ng worrie ako nun kasi ayokong mag stop(sino ba gusto), late na ako compare sa mga ka batch ko...

subjects ko ngayon:

Discrete Math-di ko lam ang pangalan ng prof ko dito,pati mga classmeyt ko di alam.uhmm...tatanong ko nxt miting

Differential Equation-prof ko si Mrs. Fainsan ba yun?or Faisan...ewan nalilito ako

Eng'g Mechanics- prof ko si Mrs. Mateo

Sociology-Ms. Trajano

i have 3 math subjects....hay...kaya kaya?sana makaya at pilit na kakayanin
sa totoo lang ayoko talaga ng math...pero gusto ko kasi yung kurso(Computer Engineering) ko kaya pipilitin ko itong tapusin

nung elementary pa ako ang gusto ko talaga ay maging scientist at Astronaut.
nung nag high skul na ako nagising ako sa katotohanan na "Astronaut " sa pilipinas?walang skul na nag ooffer ng ganung course dito.kung meron lang talaga dun ako papasok.ay!sandali alam nyo ba na yung nag design ng lunar rover na ginamit sa moon ng NASA ay isang Noypi?at siya ay isang mapuan....galing diba?yan may nalaman kayong info.....teka lumalayo na ako sa title ng blog na to hehe

basta sana makapasa ako sa lahat ng subjects ko....sinasama nga ako ni jen(blockmate ko) sa St. Jude kasi pag naka nine na thursday na punta mo dun matutupad yung wish mo.....di naman kasi ako catholic.....

1st post ko

bakit ako may ganito?nag ssurf lang ako sa net at napadpad ako sa site na to si benchpoint ata yun...kaya naisipan ko ding gumawa,ayos to pag wala akong ginagawa at para ma shre ko naman ang mga walang kwenta kong naiisip pag walang magawa.

nainis ako nung unang kong post dito,gumawa kasi ako tas hindi na post....di pa kasi sko marunong,para sure i ccopy ko muna to....kasama ko yung bespren ko nung una akong gumawa nito hating gabi nun sa likod kami ng sm sa mga internet cafe,ayaw pa kasi umuwi, nagpapalipas ng oras....masama daw ang loob kaya ayun sinamahan ko baka kung saang lupalop pa to magpunta.

eto na una sa ngayon....