Tuesday, September 06, 2005

sarsi

habang kumakain sa burger king sa may FEU, natapon ang iniinom kong sarsi. hindi sa lamesa, sa sahig o sa tray; kundi sa shorts ko. my goodness wala pa naman akong kasama. kaya nakakahiya talaga.

::::::::::::::::::::::::::

tumawag na ang smart wi fi at sinabing sa september 16 na kami kakabitan. humingi din siya ng paumanhin dahil natagal ang kanilang response. ayos na yun basta sana pag dating uli sa bahay hindi na sila magkaprobema tungkol sa portal na sinasabi nila.

:::::::::::::::::::::::::

ang tatay ko sobrang perfectionist. lahat nalang napapansin. pati ang dami ng kanin ko pinapakialaman, pag lipat ng channel sa tv at iba pa. madali ding magalit ang tatay ko kaya nakakainis talaga. mahulog mo lang ang remote o kaya isang pirasong tinidor. asahan mong mag rereact siya dun.

::::::::::::::::::::::

at ngayon sumasakit ang tyan ko. dahil siguro sa kinain ko kanina. bumli pala ako ng bag na matatagpuan sa bangketa ng españa sa halagang 130.