Bago Mag Umaga
nagmula ito sa isang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas
Personal Thoughts : Bago Mag-umaga
Contributed by slayswift (Edited by blue_kuko) Monday, October 11, 2004 @ 06:21:41 PM (read 1955 times)Print Send
Alas-tres ng umaga, gumagawa ako ng sandamakmak na papers para sa aking mga majors. Mahinang tumutugtog ang mga MP3 ng musika mula sa speakers ng aking computer. Random ang setting ng player ko. Mula sa selection ng magkakahalong kantang rock at alternative, nagsimula ang mga linya ng Thinking About You ng Radiohead. Natigilan ako sa aking pagta-type. Masakit na rin naman ang leeg at mga daliri sa mahigit anim na oras na trabaho. Tumayo ako mula sa upuan, nag-inat-inat, minasahe ang leeg na kumikirot at uminom ng maligamgam nang orange juice sa ibabaw ng computer table.
Umupo akong muli, at napatitig sa monitor. Mahaba-haba na rin ang nai-type ko sa isang paper. Ibinalik ko sa pinaka-unang pahina. Title page. Nakasulat doon and pangalan ko at ng aking partner. Partner sa ilang gawaing pang-akademiko, pinakamatalik na kaibigan sa totoong buhay. Napaisip ako. Marahil ito na ang huling paper na makikita kong magkasama ang aming mga pangalan. Pumasok siya sa isipan ko. Pinagmuni-munian ko, inisip kung mahimbing na ang tulog o marahil nasa labas pa at abala sa pagpa-party o date. Kahit ano man sa mga posibilidad, gising ako at iniisip ko siya.
Tila isang haraya. Parang isang music video ang lumantad sa aking kamalayang inaantok na rin sa kawalan ng tulog. Ako, gising sa madaling araw, iniisip ang ilang mga bagay. Siya, mahimbing ang tulog o dili kaya'y nagsasaya. Kung iisipin ko sa pinaka-obhektibong paraan, tila lugi ako sa mga nangyayari. Ngunit 'di ko mailagay sa ganoong paraan. Ayoko. Ako naman ang mas masayang nag-iisip na 'di siya nahihirapan, na siya ang walang iniisip, na siya ang nagpapakasaya, kahit katumbas noon ay ako ang mahirapan sa kahit anong isyu sa buhay.
Naisip ko ang panahong nagdaan, lahat ng mga panahong pinagsamahan - ang tamis at pait, ang ngiti at lungkot, ang halakhak at ang ilang 'di maiwasang bangayan. Maluwag ang loob kong iniisip na ginawa ko naman ang lahat ng makakayanan, lalo na kung para sa kanya.
Sa lamig ng umaga, boses lang ni Thom Yorke and karamay ko. "What do you care?" tanong ni Thom sa huling linya ng berso.
Parang ang sarap kantahin. Kung minsan napapa-isip na din ako. Tama nga kayang ako ang palaging magbibigay sa aming samahan? Oras na kaya para isipin ko naman ang halaga ko? Para man lang sana sa akin. Ano nga naman kaya ang pakialam niya sa akin? Nitong mga nakaraang araw, tila wala. Naalala ko ang kanyang sinabi nang huli kaming nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan, "''Di ko naman sinabing gawin mo ang lahat ng iyon." Hindi nga niya sinabi. Ang pagmalasakitan siya ay desisyon ko. At kahit kailan, hindi ko pinanghinayangan at pinagdudahan ang mga kilos ko. Ngunit ang mga salitang kanyang binitawan ay tila mga palasong bumaon sa aking dibdib. Tama pa kaya? Tama pa rin bang pagmalasakitan siya ng buong puso? O oras na kaya upang isipin ko man lang na tao din ako, nahihirapan, at minsan dapat alalahanin ang sarili?
Alas-tres pasado ng umaga. Masakit pa rin ang leeg, nangangatal na ang mga daliring pagod at uhaw pa rin ang lalamunan. Matatapos din ang papers, mare-revise, maipapasa at magkaka-grade. Ganoon din ba ang pagkakaibigan?
Sa ilang mga minutong lumipas, 'di ko napigilan ang ilang pagpatak ng luha. Ayokong dumaing, ngunit masakit.

<< Home