Friday, December 31, 2004

fresh start

exactly 1 hour nalang new year na.

2005, ang bilis ng panahon...new start to para sa ating lahat.

itama na dapat ang mga mali

Happy New Year sa inyong lahat!!!!!!
Good Luck para sa 2005

be good
be safe and
be happy : )

Wednesday, December 29, 2004

mga pasaway na pinsan at ang PC

Ang gulo dito sa bahay, nandito yung mga pasaway kong mga pinsan, ako ang pinaka matanda kanilang lahat.

At pag ka gising ko kahapon:

Pinsan: kuya, sira yung computer
Ako:…………(deadma, kala ko nag jjoke lang)
Pinsan2: sira yung computer ayaw mag start…tignan mo
Ako: (wala akong sagot)

At lahat na ng pinsan ko sinabi na sira yung computer pati yung kapatid ko. Kaya tinignan ko na din. Sira nga, ayaw mag open ng XP, at ayaw ding mag safe mode. Wala na akong alam na paraan kung pano yun ayusin.

Kaya ni re format ko yung pc, masakit man sa loob ko ginawa ko parin…tagal kong pinagisipan kung rereformat ko nga o hindi. Siguro mga 30 mins ko ng ni t-try ayusin, pero wala talaga eh, ayaw.

Saying yung mga files dun, mahahalagang pictures… na tinitignan ko paminsan minsan, pag nag re- reminisce. May mga importanteng files ba dun???hmmm…yung mga experiments ko simula nung 1st yr college, paper works namin sa school, at kung ano ano pa. before mang yari yun, diko pa pala na print yung mga ni search kong lyrics.

After ko ni install yung XP, ayos na diba?medyo bumilis nga itong PC, pero may prob, di ko alam kung sa modem ba ito o kung ano.

Mabagal kasi mag open yung site sa friendster at sa iba pang site

sa internet connection?eh bakit sa ibang site mabilis mag upload ng page.
Sa modem?

Alam mo ba kung bakit?alam mo ba kung pano maayos to?help naman.

Monday, December 27, 2004

Break-up line #5


Love Stories : Break-up line #5Contributed by ribonux (Edited by amplifier) Monday, June 14, 2004 @ 05:29:59 PMPrint Send

“Ha?! Bumili ka ng dress?” “Oo, eto o, plain na light-blue.” “Talaga? Ang sweet mo naman, honey. Thank you, ha!”

Lumunok muna ako bago nabubulol na sinabing, “Ah, eh, hindi para sa iyo ‘tong dress.” “At para naman kanino?!?”

Lumunok uli ako; mas malalim, bago sinabing, “Para sa akin itong dress… natuklasan ko na ang tunay kong pagkatao.” “Ano?!?” Bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkabigla. “Pakiulit mo nga ng buo at malinaw ang sinabi mo.”

Wala akong magawa kundi diretsahin na lang siya: “Binili ko itong dress para sa akin dahil natuklasan ko na bakla pala ako. Look! Cute naman, ‘di ba?” habang hawak-hawak ko ang dress against my body at pakendeng-kendeng na lumapit sa kanya.

Bumunghalit siya ng tawa, “You are kidding, right?!” “No, I’m really serious. Ako ay isang papa-hunter.” Tawa siya uli. Mas malakas at malutong. “Well, goodbye sa iyo. I’m dumping you, right here, right now. Goodluck sa iyong papa-hunting!”

Yesss! Thank you, Lord! She dumped me! Better than I expected. ‘Kala ko bubuntalin pa n’ya muna ako bago siya umalilis. Buti na lang gumana ang aking bagong break-up line #5: “Ako ay isang papa-hunter.”

Oo, ika-lima na iyon sa mga linyang nagamit ko para makipag-break sa mga naging girlfriends ko. Hangga’t maari kasi ayokong masaktan gaano yung girl kapag gusto ko ng bumitaw sa relasyon namin. Gusto ko na magalit na lang siya sa akin. Gusto ko na lahat ng sisi ay sa akin mabunton. Iyon bang lalabas na hindi ako karapat-dapat sa kanya.

Naalaala ko pa yung break-up line ko sa una kong girlfriend, na itago na lang natin sa pangalang Shakira.

“It’s not you, it’s me…”

Sobrang cliché. Nabasa na nya pala iyon sa Cosmo na isa sa pinaka-gasgas na linya para makipag-break, isang linggo bago ko sinabi iyon sa kanya. Eh, ‘di siyempre buking ako na ayoko na lang talaga sa kanya. Nag-iiyak siya na parang batang paslit.

Hindi siya tumigil sa pag-iyak at talaga namang ayaw bumitiw sa pagkakayakap sa akin. Hanggang sa sinabi ko na lang na, “O, sige, tahan na, Shakira. Susubukan ko na mahalin kita uli.”

Hinalikan ko siya sa noo at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi. Tumahan naman siya at mabilis akong nakapag-paalam at lumabas ng kanyang flat. Hindi na ako bumalik uli doon.

Hindi ko makalimutan yung tagpo na iyon at sobra akong nakonsensya. Mula noon, ipinangako ko na hindi na ako muling magpapaiyak pa ng babae. Tsaka hindi rin nakakatuwa ang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Pero minsan, hindi talaga maiiwasan. Tutal, the truth hurts naman daw, ‘ika nga.

Tulad nung gusto ko nang kumalas mula sa babaeng tawagin na lang nating Britney. [Pareho kasi sila ng linya na, “Do it to me baby, one more time!”, pagkatapos naming mag… alam mo na.]
Mabait sana si Britney. Pang-baranggayan ang beauty, super-sexy at mahilig. Ang problema lang ay kapag wala na kami sa kama. Medyo parang nahihirapan kasi siyang i-konekta ang mga bagay-bagay kapag nag-uusap kami. Suspetsa ko eh hindi pinakain ito ng nanay nya ng iodine noong bata pa siya. Nito na lang naman kasi nauso iyang iodized salt na iyan, eh.

Hindi ko na ikukwento yung pangatlo at pang-apat kong break-up lines na matapos kong sabihin ay tinadyakan ako pareho nila Beyonce at Pink sa aking yagbadoodles. Maganda sana yung break-up lines ko sa kanila dahil mukhang hindi sila nahirapang kalimutan agad ako. Mukhang hindi sila gaanong nasaktan. Kaso ako naman ang namilipit sa sakit.

Ngayon, libre na naman ako. Pero siguro, hinay-hinay lang muna. Wala pa talaga ako sa commitment mode, eh, habang yung mga naging gf ko, lahat sila nag-iisip na agad ng tungkol sa sakalan, este, kasalan pala pagkatapos ng tatlong buwan.

Pagkakamali ko rin kasi kung tutuusin. Nahihirapan akong mag-open up ng maaga at sabihin agad sa babae na hindi na gagana ang relasyon namin. Kumbaga, hinahayaan ko bang magkaroon ng false sense of security si girl tungkol sa aming relationship; dahil nga pinapatagal ko pa ang pakikisama ng mabuti sa kanya, kahit sa loob-loob ko ay ayoko na.

Siguro sa susunod, mas magiging matapat na lang kaagad ako. Ayoko na uling gamitin itong break-up line #5 kahit pa mukhang epektibo siya. At ayoko na ring madagdagan pa itong listahan ko ng break-up lines.

Sunday, December 26, 2004

Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet


Personal Thoughts : Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At PwetContributed by tabachoi (Edited by alteredbeast) Sunday, August 08, 2004 @ 10:26:07 PMPrint Send

MRT. Bus. Jeep. Mall. Classroom. Office. Bar. Kahit saan ka yata pumunta, makakakita ka ng isa o grupo ng mga lalake na matitigilan at mamamangha sa presence ng isang babae (minsan ex-lalake) na may malaking boobs o magandang hugis ng pwet. May mambabastos, may mapapangiti, may mapapatitig, at ang karamihan ay gagamit ng kanilang "pornographic memory" para magamit pag-uwi sa bahay.

May isa akong nakilalang babae na malaki yung boobs, 36C. Naiinis siya kasi lahat ng kausap niyang lalaki hindi maka-maintain ng eye-to-eye contact. Isa na ako dun sa mga lalaking yon. Dati naman kasama ko yung girlfriend ko. Nag-away kami dahil hindi ko namalayan na nasundan ko pala ng tingin yung isang babaeng mala-Jennifer Lopez ang likod. At nang minsang nakasakay ako sa bus at walang maupuan, hindi ko mapigil lingunin nang lingunin ang cleavage nung isang nakaupo.

Dito ako napatigil at napaisip. Manyak ba ako?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit mahilig tumingin ang lalaki sa boobs at pwet ng babae? Tsaka bakit halos lahat ng lalaki, hindi lang ako? Bakit madaming nagpapalaki ng boobs para mapansin lang? Bakit prerequisite ang hugis ng katawan para masabi mong maganda talaga ang isang babae?

Sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na ito, sinubukan kong mag-search sa Google. Maniwala kayo sa akin, mahirap maghanap ng kasagutan sa tanong na "Why men love looking at big breasts" sa internet. Hindi kasagutan ang ibibigay sa yo kundi mga links sa porn sites. Buti na lang may kakilala ako na nagsabi sa kin na tumingin sa "evolutionary psychology". Evolution as in Darwin, Psychology as in Freud.

Ayon sa mga sites at forums na nagdi-discuss ng evolutionary psychology, iisa lang ang direction ng evolution. Ito ay ang pag-maximize ng chances sa survival. Ang lalaki ay pipili ng babae na makakapag-ensure ng survival ng kanyang offspring, at ang babae naman ay pipili ng lalake na makakapagbigay ng magandang genes.

Hindi na ako nagtataka kung bakit ang mga babae ngayon ay tumitingin agad sa CAR-acter at sa PESO-nality ng lalaki. Ito ay rooted sa mga ninuno natin na ang pinakamagaling na lalaki sa isang tribe ay ang pinakamaraming maiuuwing game mula sa hunting nila. Natural na sa babae ang maghanap ng isang "provider".

Gayun din na ang fixation ng lalaki sa malalaking boobs ay rooted daw sa idea na ang mga ito ay makakapagbigay ng "nourishment and sustenance". Kapag malaki ang boobs, mas malaki ang chances ng survival ng offspring. Ang pagtingin naman sa pwet ay natatagpuan din sa ating mga kapatid na primates, specifically ang mga chimpanzees, na kung saan pag "available for sex" ang isang babaeng chimp, inilalapit nya ang kanyang pwet sa head monkey para lamas-lamasin, kurut-kurutin, at amuy-amuyin. Pag nagustuhan ito ng alpha male monkey, doon sila magse-sex. Nakakatawa kung iisipin, pero ang pagtingin ko pala sa boobs at pwet ay bahagi lang ng aking nature as a male. Ika nga ng tatay ni Jim sa American Pie, "it's a perfectly natural thing". Kung totoo ito, bakit masama ang tumingin? Tingin lang naman e. Walang hawak, walang hipo. Tingin lang.

Siguro nga, kultura lang ang nagpabago ng perspective natin sa natural urge na ito. Dahil sa relihiyon, ang pagtingin sa katawan ng babae ay nilagyan ng label na "pagnanasa". Dahil sa media, ang mga artistang babae na maganda ang boobs at pwet ay tinatakan na "sex symbol" o "pantasya ng bayan". At dahil sa marketing, ang liposuction, breast enhancement, at kung anu-ano pang retoke sa katawan ay ginagawa "to enhance the self confidence of a woman". Ang mga revealing na bra, ang mga push-up bra, ang mga binebenta sa TV na breast creams, yung cycling shorts na nage-enhance ng butt cheeks, ay tinatatakan na "personality enhancement apparel/tools".

At shempre, ang mga lalaking katulad ko na tumitingin lang ay tinatatakan na "manyak".

Kuwento


Personal Thoughts : KuwentoContributed by vintage (Edited by mananalaysay) Tuesday, February 24, 2004 @ 01:37:03 PMPrint Send

Para sa mga gustong makaalam,

Isang malaking kasayangan ang pagkawala ni Lisa. Kung alam niyo lang ang lahat ng pinagdaanan niya, maiintindihan niyo ang ibig kong iparating. Ang alam ko lang ay itong pangyayaring ito ay isang malaking kawalan para sa ating lahat.

Matagal ko nang kilala si Lisa, grade 4 pa lang yata ay kinukwentuhan na niya ako. Noon nga lang mabababaw lang ang mga kinukuwento niya, tungkol sa crush, sa napanood na sine kasama ang kanyang ina at iba pang kalokohan niya. At dahil mahiyain at tahimik na bata si Lisa, ako lang ang nagpagbubuhusan niya ng sama ng loob. Lahat ng pinagdaanan niya sa kanyang kamusmusan ay makulay at detalyado niyang inilalarawan sa akin.

Pero isang gabi noong lumapit siya sa akin para makausap, isang tingin lang sa kanyang mga mata ay nararamdaman ko na ang sakit ng kanyang nadarama. Ninais kong pagaanin ang kanyang bigat na dinadala sa damdamin kung kaya't binuksan ko ang aking sarili para kanyang makuwentuhan.

Pagkatapos ay sinabihan na niya ako kung ano ang nangyari, at ito ang mga katagang hindi ko malilimutan... "Pumasok si Tatay sa kuwarto, tapos." Matagal bago ko matanggap sa sarili ko ang kasamaan ng pangyayari, kalunos-lunos, ngunit wala akong magawa kung hindi tanggapin ang kanyang pighati.

Simula noon ay lalong naging tahimik at mahiyain si Lisa, at ngayon ay wala na talagang kaibigan sa eskuwela. Ako na lang talaga ang kinakausap niya. Kadalasan pa nga ay inaasar siya dahil sa palagian niyang pag-iisa lalo na sa paglalakad niya sa pag-uwi. Ang mga linggong iyon ay puno ng iyakan sa kanyang pagsalaysay sa pang araw-araw niyang buhay. Ngunit hindi pa natapos doon ang kanyang suliranin. Noong ika-13 niyang kaarawan ay biglang isinugod ang kanyang ina sa ospital. Dahil may sakit ang kanyang ina na anemia ay bigla na lang inatake ito dahil sa kakulangan sa dugo. Nasaktan ako nang lubusan habang kinukuwentuhan ako ni Lisa nitong nakalulungkot na pangyayari.

Matapos ng dalawang araw ay hindi na kami nagkikita ni Lisa at lumipas na ang dalawang buwan bago kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap muli. At hindi pa maganda ang muli naming pagkikita.

Hindi ko akalaing ang ika-22 ng Pebrero ang pinakahuling araw na maririnig ko ang lambing ng kanyang mga salita. At ito ang kanyang mga sinabi sa akin, "Maaga ako umuwi, wala naman akong gagawing sa Prom namin eh," pangiti niyang sinimulan ang kuwento. "Kaya lang naman ako sumama kasi decorating comittee ako," biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Pero hindi yun ang hindi ko makayanan ngayong araw na 'to. Kaya kita kinausap muli kasi ang sakit... masakit talaga."

Inaasahan ko nang marinig ang hindi ko gustong marinig, "Matapos kong umuwi, dumating si tatay mula sa istasyon, lasing na naman tapos inutusan niya akong hilutin siya. Tapos..." Tahimik na pumatak ang luha ni Lisa, “...ayaw ko na talaga. Buti nga’t nandito ka, ang nag-iisa kong kaibigan para damayan ako. Salamat.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palayo.

Ang mga sumusunod na pangyayari ay kakilakilabot. Narinig ko ang isang kakaibang pitik, ‘click.’ Daliang sumunod ang nakabibinging putok, isang pagsabog na magiging dahilan ng permanenteng paghinto ng usapan naming ni Lisa.

Sa lahat ng pangyayari, ang pinakahihinayangan ko kay Lisa ay ang kanyang walang limitasyong pagmamahal. Paano ko nasabi iyon? Dahil narinig ko ang bulong niya bago kalabitin ang bakal na kumitil sa kanyang buhay. Ang sabi niya, “sana po, alagaan niyo si Tatay…”

Kaya nga’t isang malaking kawalan si Lisa. Isang malinis na puso na dinungisan ng kasamaan ng mundo at tao. Hiling ko lang na mabasa niyo itong sulat ko.

Nagmamahal at Nagdadalamhati,
Diary
####################
isa pa to nakakalungkot, huhuhu

Best Friend


Personal Thoughts : Best FriendContributed by seminarista (Edited by mananalaysay) Friday, July 23, 2004 @ 02:11:25 AMPrint Send

Pasado alas-nueve na ng gabi. Inihiga ko ang pagod kong katawan sa kama at niyakap ko ang paborito kong unan. Ngunit lumipas ang humigit-kumulang sa isang oras , nananatili pa ring gising ang aking diwa. Nakailang biling-baligtad na ako sa aking kama ngunit hindi man lang ako nakaramdam kahit kaunting antok.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Nag-isip ako ng maaaring gawin para antukin ako hanggang sa dumako ang paningin ko sa mga librong nakasalansan malapit sa shoe rack. Napabuntong-hininga ako sa nakita ko. Hindi ko na nahaharap ang pag-aayos ng kwarto dahil sobrang abala ako sa trabaho ko. Kinuha ko ang librong Thunder ni James Grady. Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas mula ng ipahiram sa akin ng kaibigan ko 'yun pero kahit isang pahina ay wala pa akong nababasa.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagsimulang magbasa. Nasa ika-sampung pahina na ako ngunit wala akong naintindihan kahit konti. Tila ayaw gumana ng utak ko. Binitiwan ko ang libro at niyakap kong muli ang aking unan. Nanatili ako sa ganong posisyon hanggang sa mapabalikwas ako sa biglang pagkakaalala sa best friend ko. Tiningnan ko ang kalendaryo. March 15.
"Syet! Birthday pala ngayon ni best friend! Bad trip nawala sa isip ko. Sana lang 'wag siyang magtampo. Kaya siguro ako di makatulog."

Napangiti ako sa pagkakaalala ko sa matalik kong kaibigan at sa napakaraming pinagdaanan namin. Lagi kaming magkasama sa oras at saya, sa kabiguan at tagumpay. Mas matanda ako sa kanya nang ilang buwan pero mas matured siyang mag-isip kaysa sa akin. Siya ang bukod tanging takbuhan ko kapag may problema. Siya ang taong hindi ako nagdadalawang-salita kung may hihingin akong pabor kahit dis-oras na ng gabi o kaya nama'y nagising ko siya sa gitna ng kanyang pagkakahimbing. Siya ang aking crying shoulder kapag di ko na kayang pigilin ang luhang dulot ng malupit na trato sa akin ng mundo. Siya ang taong kung ituring ako'y parang tunay na kadugo. Siya ang best friend ko, ang nag-iisang kakampi ko.

Alam ko kung gaano ako kamahal ng kaibigan ko. Lagi niya akong ina-assure na hanggang buhay siya lagi niya akong ipagtatanggol sa mga umaapi sa akin. Alam niya ang pinagdaanan ko simula pa lang noong mga bata pa ako. Sa napakamura kong edad, naranasan ko ang matinding kalupitan mula sa isang taong inakala kong kakampi ko. Batid niyang 'yun ang dahilan kung bakit ako dumaranas ng matinding inferiority complex at kung bakit lumaki akong mahina at takot sa mundo. Walang ibang nakakaalam ng pangyayaring 'yun kundi siya.

High School na kami noon pero siya pa rin lang ang kaibigan ko. Hindi kami magkaklase noon kaya nag-aantayan na lang kami sa tabi ng rebulto ni Rizal kapag recess at sabay na kakain. Doon din ang aming meeting place kapag uwian na. Ilang beses na niya akong sinabihan na huwag akong matakot makipagkaibigan sa iba. Hindi raw kasi sa lahat ng oras ay magkasama kami. Alam ko 'yun pero para sa akin hindi ko na kailangan pa ng ibang kaibigan dahil kuntento na ako sa kanya. Gano'n ako ka-emotionally attached at dependent sa kanya.

Dumating ang panahong kinailangan niyang magbakasyon sa probinsiya nila dahil namatay ang lola niya. 'Yun ang unang pagkakataon na wala akong kasamang pumapasok at umuuwi. Pagbalik na pagbalik nya kinuwento ko 'yung ginawang pang-iinis ng kaklase kong ipinanganak lang yata para magpahirap sa mga taong nasa paligid niya. Tinanong niya ako kung ano ang ginawa ko, sinabi ko na tumahimik na lang ako. Inakbayan niya ako at muli, sinabi niyang lawakan ko ang mundo ko at makipagkaibigan sa iba para raw may iba akong makakasama at may magtatanggol sa akin kung wala siya. Umoo ako at sinabi kong susubukan kong gawin ang sinabi nya. Sinabi ko rin sa kanya na kahit magkaroon pa ako ng maraming kaibigan, siya pa rin ang nag-iisang best friend ko. Ngumiti siya at nagyayang kumain sa tapsihang malapit sa amin.

Naputol ang paglalakbay ng isip ko nang tumunog ang aking celfone. Isang forwarded message galing sa isang kaibigan ko noong college. Alas-onse pasado na pala. Kailangan ko nang matulog kasi pupuntahan ko pa ang best friend ko bukas nang maaga bago ako tumuloy sa trabaho ko.
Kinabukasan, alas-singko pa lang ay gising na ako. Inayos ko nang mabuti ang sarili para magmukha akong presentable pagharap ko sa kanya. Dumaan muna ako sa isang grocery store malapit sa amin para bumili ng konting pasalubong para sa kanya.
Nathan M. Reyes Born: March 15, 1979
Died: July 02, 1997

Nilapag ko ang dala kong paborito nyang tsokolate at bulaklak sa puntod nya. Umupo ako at sinindihan ang asul na kandilang binili ko sa labas ng sementeryo.

"Best friend, sana nandito ka pa para makita mo na hindi na ako ang kaibigan mong weakling at takot sa mundo. Nakikipag-away na nga ako eh pero hindi ako war freak."

Halos pitong taon na ang nakalilipas nang bawian ng buhay ang matalik kong kaibigan dahil sa isang car accident. Nabangga ang sinasakyan niyang dyip habang pauwi siya mula sa pagdalo ng kaarawan ng kaibigan niya. Dead on the spot.

Sobrang lungkot, pangungulila at depresyon ang naramdaman ko noon. Hindi ko alam kung paano ang mabuhay nang wala sa tabi ko ang isang taong nagparamdam sa akin kung ano ang unconditional friendship. Hindi ko alam nun kung paano ko sisimulang muli ang buhay ko nang wala ang pinakamamahal kong kaibigan.

"Kung andito ka lang, I'm sure you'd be proud of me. Marami na akong kaibigan ngayon pero siyempre ikaw pa rin ang nag-iisang best friend ko. Salamat ulit sa pagtitiyaga mo sa akin dati. I wouldn't be what I am today if not for you."

Pinunasan ko ang nangingilid sa luha kong mga mata at bumulong ng isang maikling panalangin. Pagkatapos nun ay tumayo na ako at naghanda para umalis.

"Happy Birthday, best friend. Sana magkita tayong muli."
################################
kakalunkot naman to huhuhuhu

Saturday, December 25, 2004

crazy for you

crazy for you
spongecola
Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one
I see you through the smoky air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What I'm dying to say, you bet
CHORUS
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my kiss
I'm crazy for you
Trying hard to control my heart
I walk over to where you are
Eye to eye we meet, no word at all
Slowly now we begin to move
Every breath I'm deeper into you
Send me to a standing still in time
If you read my mind, you'll see
CHORUS
I'm crazy for youTouch me once
and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my kiss
You'll feel it in my kiss because
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new,
you'll feel it in my kissI'm crazy for you
CODA
And you know it's true,
you know I'm crazy for you
And it's all brand new,
you know I'm crazy for you
And you know it's true,
I'm crazy, crazy for youI'm crazy for you

the cross


Bakit nga ba may chirstmas? Baka kasi hindi mo alam. Hindi lang ito yung araw na kung saan nag sasalo-salo ang buong pamilya..nagbibigayan ng mga regalo, kainan pag dating ng alas dose..inuman..kantahan.

Special tong araw na ito, birthday kasi nino???sige nga hulaan mo…birthday ni JC. Kilala mo ba yun?kung di mo kilala sige sasabihin ko sayo. Si Jesus Christ. Siya yung nag sacrifice ng sarili nyang buhay para sayo. Oo para sayo. Kasi mahal ka nya. Siya yung nakikita mo sa simbahan na nakapako sa cross, nakikita mo sa pendant at kung san san pa. sige, imagine yourself na nasa cross…nakasabit, na ang tanging suporta ng buong katawan mo ay yung mga pako…MALALAKING PAKO, diba ang sakit nun??iniisip mo plang masakit na... pano pa kaya kung totohanan na, diko kakayanin yun pati na rin ikaw. Madalas natin tong binabaliwala…kasi lagi natin yun nakikita diba?ganun ka nya mahal, ganun nya tayo kamahal.

Kaya tuwing makakskita ka nun, isipin mo na “mahal ako ng taong nadun sa cross”

Merry Christmas sa inyong lahat

Tuesday, December 21, 2004

wish list

Wish list

Para sa akin:

  1. 1. nokia 6670 – Php 34,500
  2. 2. digi cam – sony cybershot DSC-V3 –php 39,500
  3. 3. PS2 – tagal ko ng di nakakpaglaro nito…..teka nasan na nga ba yung PS1 namin???hmmm
  4. 4. new pc – lcd monitor,scanner,optical mouse. At gusto ko ng may Bluetooth
  5. 5. ipod

para sa inyo ang wish ko ay:

1.peace of mind para sa mama ko
2.good health para sa papa ko
3.obedience and respect para sa kapatid ko….bad kasi to.
4.na bumalik na ang asawa ng kuya ko sa kanila(nagaway kasi)
5.matuloy na ang pag abroad ng isa ko pang kuya.
6.na makilala na ng bespren ko si JC, lam ko kailangan nya yun,good health din…tsaka madami pa…
7.para sayo na nagbabasa nito…sana maging masaya ka…tsaka sana matupad din ang mga wish list mo!!!
8. na makabangon na ang ating bansa sa mga problems
9.Sana mamatay na lahat ng mga corrupt sa politics…para magkaroon na ng new bread ng politicians.
10.sana tumubo na uli yung mga puna sa mga kabundukan.
11.and finally WORLD PEACE!!!!!!!


santa kahit di ako naniniwala sa iyo, sana matupad lahat to.

PS

Yung car nxt yr nalang masyado ka ng na pressure sa mga hiniling ko whahehehe

bwisit

Blog, 4 am na antok na ako,mamaya enrollment na.

Gusto kong sumigaw ng malakas na malakas para mailabas ko tong nararamdaman ko. Kaso tulog na sila…di pede.

Kasi ba naman ang pangit ng sked ko ngayong term naubusan ako ng mga sections.nanaman.bwisit din yung data structure ko na subject…9am lang ang available, kinuha ko na rin imporatante kasi yun…di ako makakpag programming hanggang di ko napapasa yun.

Im not a morning person, kaya pahirapan to sa pagbangon..ewan ko ba kahit nung elementary pa ko. Hirap sila sa pag gising sa akin… edi gumamit ka ng alarm clock!!!!alarm clock?wa epek yun sa akin…hindi ako na aalarm…hindi ko nga naririnig yun eh. Kahit na sa celphone nakaka ilang reminder na ako di pa rin ako nagigising…minsan lang yun umiipekto. 6:30,6:45,7:00,7:15 ganyan ako mag alarm minsan sa phone, pag important talaga every 5 minutes.

Bwisit, ang hirap kasi mag connect sa mymapua….years. haller!!!!madaling araw na bat ang bagal pa rin!!!!

Bwisit, yung mga binalak kong kunin na subject hindi ko ma kuha..ano ba to???gusto ko na kunin yung network analysis. Kung anong ganda ng sked ko last term, ganun naman kagulo ngayon.

Salamat sa diyos at may pang enroll ako ngayong term….sana maging maayos ang pag enroll ko ngayon.

Monday, December 20, 2004


superman Posted by Hello

alien in a jar Posted by Hello

Sunday, December 19, 2004

singko part II

Nag rent ako kanina ng vcd(comedy) sa rob bago tignan ang grades. Para matuwa man lang ako kahit may bagsak kung sakali.

Tuwing tinitignan ko ang grade ko online. Sobrang kinakabahan ako ,pinagpapawisan ako ng malamig.pinapatay ko yung monitor pag maguupload na yung page para dun sa grades.nakakatakot kasi tignan. Pag singko kasi nakakapanghinayang…yung effort,pagod at pera lahat nasasayang.

Eto yung mga grades ko.

Differential equations - 3.00
Engg’ mechanics - singko
Discrete math - 1.5
Sociology - 2.25

Average - 2.94

Tanggap ko naman yun…mabababa yung exams ko. Tsaka ang hirap ng finals dun. Yung mga katabi ko kaya pasado?eh halos magkakapareho lang kami ng scores at halos lahat din kami nahirapan sa finals.

Wednesday, December 15, 2004

Singko

Tapos na ang paghihirap natin..salamat at mahaba haba ang vacation. Tanging pinagdadasal ko sa ngayon, sana wala akong singko at sana ikaw din…kung meron man,wala na akong magagawa kundi tanggapin nalng at harapin uli ang subject.

Nakakasawa na mag ulit ng subject,hindi biro sasabak ka uli sa parehong lecture..uulitin mo uli yun simula sa umpisa.nakakasawa at lalong nakakatamad. Iniisip ko nlang na dapat ko tong pagtsagaan at kunwari 1st take ko uli ito.

Hindi naman purkit nag ka singko ka sa mapua, bobo ka(walang bobo). Hindi ganun yun. Madaming factors kung bakit bumabagsak ang student.

depende sa prof.-
- may mga prof na ilang percent lang ng class ang pinapasa
-yung iba magaling magturo pero pag exam na, patay parang out of this world ang mga problem, malayo sa mga tinuro nya.
-Meron namang puro powerpoint ang gamit,ayon sa friend ko ayaw nya yun kasi ang gulo
-Meron namang galit sa section na tinuturuan nya…..biktima ako nito, hindi naman mabababa ang exam ko pero bagsak ako kasi hindi sya nagbigay ng consideration…nagalit daw sa section namin kaya hindi nya binaba yung passing rate…yung iba kong clasmeyt na halos magkakapareho lang kami result sa exams, pasado sila….bwisit

2.dahil na rin sa student
- may mga student na sadyang tamad
-palaging late at absent
-tamad mag pasa ng requirements
-mga bad influence na kaibigan
-mga personal na problema
-mga temptation ng technology(mga pc games at kung ano ano pa)

3.at kung minamalas ka talaga….


Para sa akin kahit maka take 2,3,4,5 and so on ka,laban parin ng laban hanggang makapasa pero sa bawat take na yun dapat gawin mo ang lahat ng makakaya para makapasa.


Hay… sana pasado ako sa lahat ng subjects….JC (jesus christ) my friend…kaw na po bahala……..


Tuesday, December 14, 2004


spidey and mj Posted by Hello

kristin kreuk Posted by Hello

spidey-wallpaper Posted by Hello

fave animated movie Posted by Hello

Thursday, December 09, 2004

sayang

Dami kong gagawin…resolved quizzes para sa mechanics, assignment and take home exam para sa mechanics uli. tas may exam kami sa DE sa sat. ang lupit talaga ni ma’am ilang beses na kaming nakiusap na I take home nalang yun, ayaw pa din. Mas ok daw kung dalian na lang nya yung exam basta hindi daw pede ang take home.

Binalik na yung exam sa DE at 55/100 nakuha ko, ayos nay un sa akin 5 points nalng passing na.

Nag pre-final kami sa socio kanina at 35/40 nakuha ko. Sayang konti nalng perfect na…dami kasing naka perfect sa amin. Yung nasa harap ko nga naka perfect, kaya pinag mumura sya ng katabi nya kasi naman 1 point nalng perfect na sana sya.

Nanganganib ako ngayon sa dalawa kong subject DE and mechanics. kailangan pag butihin ko sa finals. God help me!!!!!di ko kaya ng mag isa to.

Christmas party ng isa ko pang org, YOUTH ON FIRE (YOF) last term lang ako member dito. Aatend ba ako? Hindi ko alam…bahala na bukas.

Sunday, December 05, 2004

Winners

I visited the sites of the winners in the blog awards, they were all good… (winners nga eh) http://www.philippineblogawards.com/

Na curios tuloy ako pano ba nila nagagawa yung mga designs nila?….one day matututunan ko rin yun.. basic palang kasi ang alam ko.

Napanood ko din ang Ms. World sa star world. Nakasama ang pinas sa top 5

Top 5

Miss Philippines
Miss Peru
Miss USA
Miss Dominican Republic
Miss Poland (ata?)

At syempre hindi nanalo ang pinas, lagi naming ganun…pero ayos na din kasi nasa top 5 tayo. Nanalo ang Miss Peru. 1st runner up ang Dominican republic, 2nd runner up ang USA.


###########
: (

Saturday, December 04, 2004

munting paglalakbay

Hindi na nagluto si mama ng dinner…which means, kanya kanyang diskarte na kami kung pano magkakaroon ng laman an gaming stomach…ayoko ng mga pagkain sa ref.

Kaya naisipan kong sa labas nalang bumili ng pagkain…ginamit ko ang aming bike para maiba naman...dahil ayokong mag stay sa bahay naisipan kong libutin ang buong subdivision… sa totoo lang hindi ko pa ito nalibot simula nung lumipat kami ng 2003 sa Cavite.umalis ako sa bahay ng 10pm

Pedal,pedal pedal… medyo madilim sa ibang streets, natakot akong pumunta doon.may phobia kasi ako.

Isang araw niyaya ako ng pinsan ng pinsan ko na mag bike sa village nila, elementary ako nun, siguro mga 10 years old. Huuuuuuu sarap mag bike lalo na pag mabilis, medyo madilim din yung ibang streets sa kanila…adventure to!!!

Nung napunta kami sa madilim na street, may biglang humabol sa amin….mga monsters at hindi lang isa tatlo sila…sa takot namin nagmadali kaming nag bike…sa pinaka mabilis na kaya namin, kasi malapit na kaming maabutan… ang tagal nila kaming hinabol ang layo na din ng narating namin. At buti nalng napagod din ang mga monsters na aso. Sobrang takot namin nun at sobrang hingal na hingal kami, nasira pa nga yung chain ng bike sa sobrang force na ginamit.

Back to present: hindi ko nalibot ang subdivision dahil ang dami kong monsters na nakita ayoko na uling maramdaman yung naramdaman namin nung time na yun. Napunta ako sa isang bakery sa labas na ng subd. Dun nalng ako nag bike. Bumili ako ng anim na pirasong monay(na 75% hangin),isang chokolait, isang san mig strong ice at isang blue bay tuna para sa ulam ako.nakabalik na ako ng bahay ng 11Pm


#################
Sa mga asong nanghahabol ng bike lang ako takot….yung ibang dogs na cute at friendly ayos ako dun.

Friday, December 03, 2004

Mga Pasaway

Totoo nga ang sabi nila, na ang high school ang pinakamasayang parte sa pag-aaral mo. Dito ko nakilala mga pinaka:

<>Pinaka makukulit na tao
Pinaka madadaldal

Pinaka pasaway

Pinaka magaling sa pangnaasar

Pinaka brutal

Pinaka masayahing tao

Pinaka ma-flirt

Pinaka mayabang

Pinaka maliit na classmeyt(below 4 feet ata yun)

Eto ang mga taong nakasama ko sa apat na taon ko sa H.S.

Bawat isa sa amin may kanya kanyang bantag/nickname/asar

Ang tawag nila sa akin ay chekwa, di naman ako naasar at never akong naasar sa kanila, sila ang sumusuko sa pang aasar sa akin. Here are some of the pang asarsss

Deceane: Siopao (ang laki ng pisngi)

Jaz: chekwa din (twin daw kami)

Eds: Lasing (lakas uminom)

Ivan: Pinocchio,Bata(haba ng ilong tsaka nag b-baby talk)

Alfie: Ogag

JR: mukha at ogag (madami kasing pimples)

Nario: puwet (laki kasi ng pwet)

Ryan: tae

Mike: callboy(lapitiin…)

Cely: Alligator(eto ang hindi k alam kung bakit)

PJ: sipon(tumulo ang sipon nung nag swimming kami)

Baril: Badjao(maitim kasi at kulot ang buhok)

At kung ano ano pang kabastusan na pag aasar…

1st yr ako nasa 2nd section ako matatawa na star section

2nd yr, star section uli ako pero dahil may mga late enrollees ako yung isa sa mga naurong, nilipat ako sa ibang section. 1 week lang ako tumagal sa star section.

Bwisit na bwisit ako nung ako yung isa sa napiling lumipat ng section, ililipat ako sa third section.ayoko kasi dun…hindi na ako star section huhuhu

Buti nalang may plano si God, Plano nyang mas pasayahin ang HS life ko. hindi ko pinagsisisihan na ako yung napiling ilipat. Mas msaya kasi dun dahil madaming kalokohang nagaganap compare sa mga star section….mas malala ang asaran sa nilipatan kong section. Ang hindi ok yung iba hindi sinisiryoso ang pag- aaral nila….ayos lang yun kaya nga kami nag t-top sa class.

Miss ko na yung mga taong yun…sana magkikita kita uli kami lahat.

Newsflash

<>Newsflash: walang klase sa lahat ng antas ng paaralan

Nagising ako ng 1045am at kung hindi ko napanood yung newsflash, papasok talaga ako; di naman kasi malakas ang ulan dito sa amin.

Nag txt nalang ako sa mga blockmates ko para i- confirm, EE-COE-ECE night din kasi nung araw na yun. I a-announce nalang daw kung kailan matutuloy.

Salamat kay bagyong yoyoy dahil sa kanya nagkaroon pa ako ng isang araw na pahinga at para magawa ko na rin ang mga dapat gawin.

Sorry nalang sa mga naapektuhan ng bagyo.wag nating kalimutan na habang comfortable tayo sa ating mga bahay at nag re-relax, may mga taong opposite sa ating situation.

At pagkatapos ng bagyo may araw ring sisikat hehe

Thursday, December 02, 2004

hintayan

May bagyo nanamang parating si yoyoy, at sabi sa news ito ay super typhoon. Sana ito na ang last para sa taong ito. Sana wala ng pang Z.

2 meeting nalang kami sa sociology class ko. ang bilis talaga, at enrollment nanaman, balita ko before and after Christmas ang enrollment para sa 3rd term, ang lupit naman…di pa nga ako nakakabayad ng balance ko. Hind naman lahat nag-aaral sa mapua mayayaman. Pano nalang yung iba ,Christmas at new year pa naman.

Inabangan ako nila jen sa rum ko, sabay sabay kasi kami mag babayad para sa EE-CoE-ECE night, 1st time naming a-attend dun.After naming magbayad pa easy-easy lang ako…kain…tambay sa org hanggang mag 6pm para sa mechanics class ko.

6pm, pagpasok ko sa room nagtaka ako bakit may mga booklet sila, may exam pala…ang akala ko sa Friday pa. at akala din ng katabi ko. kaya ayun, nag scan nalng ako ng notes for 5 mins. At syempre wala akong natandaan.

3rd exam nayun at sabi ko sa sarili ko mag aaral na ako ng mabuti. Unexpected naman tong nangyari.. nasagutan ko naman yung 3 problems at lhat yun hindi ko sigurado. 7pm na at kanina pa ako tapos…wala parin nagpapasa ng papel,hindi ko na makayanan, yung, mga classmeyt ko abalang abala sa pag ssolve.ako?nagsusulat nalang ng kung ano ano sa likod ng papel ko.ako unang ng pasa…ako lang pala ang hinihintay ng clasmeyts ko at ang dami ng nag sunuran sa akin.

Dahil nainis ako sa nagnyari….binigyan ko nalng ng leakage yung babae sa labas kasi ganun din ang exam nila.

Wednesday, December 01, 2004

kalbaryo nanaman

this is the start of my second month here in blogger.com

december na,malapit na ang christmas...pero hindi ko pa rin ramdam dahil siguro masyadong busy sa skul....sana tumagal ako dito....

magiging busy ako ngayong wik...susunod sunod ang magiging exams ko...gud luck sa akin pati narin sayo.

after ilang weeks ng paghihintay binalik na ni ma'am last thursday yung 2nd exam namin sa Differential equations. 26/100 nakuha kong grade, nagaral talaga ako para sa exam na yun...tsk..tsk..tsk... kaya nakakatamad mag aral pag may exam...pag lam mong nagaral ka tas makikita mo yung result na bagsak nakaka walang gana.

napag isip isip ko ayos lang naman na ganun yung grade ko halos lahat naman kasi kami bagsak...siguro 5 lang ang nakapasa out of 40 students.yung promise ni ma'am na dadalian nya yung exam tutuparin nya daw yun sa next test. Mas ok daw kasi na dalian yung exam kaysa ipa take home nya. Sana makapsa na ako dun...

tuwing umuulan

Dahil kay bagyong whinie nakadanas tayo ng ilang araw na pag-ulan,at buti nalang holiday at walang pasok nung mga panahong yun, marami sa atin ang nanatili nalang sa kani-kanilan bahay. Madami sa ating kababayan ang nasalanta ng mapanirang bagyo,maraming pamilya ang nawalan ng tahanan.May mga nalunod dahil hindi nakahawak sa kawayan(huh?!?),may tulay na naputol..nasawing mahal sa buhay..At dahil sa bagyo napauwi ng maaga mula sa ibang bansa ang ating pangulo, na si Gloria Macapagal Arroyo.

Buti nalng ako,hindi affected sa mga nangyari, nasa bahay lang ako at nagpapahinga. Sinamantala ko na ang pagkakataon…Monday to Saturday kasi ang pasok ko.

Pag umuulan, may kakaiba akong nararamdaman,hindi ko alam kung bakit…kahit nung bata pa ako ganun na ang feeling ko, para akong nalulungkot na ewan…parang ang buong paligid ay nagiging senti…parang bumabagal ang oras...at kaya ayoko ng rain….lagi akong nababasa at madaming obstacle ang dinadaanan ko pag pumapasok ako sa skul. At inaabot ako ng kamalasan, pag nagdadala ako ng payong hindi umuulan at pag wala akong dala dun naman umuulan. Kung everyday ako magdala ng payong edi hindi na uulan?kaso di kasya sa pouch bag ko.

Oo alam ko kailangan natin ng rain,para madiligan ang mga puno’t halaman…para magkaroon tayo ng time para tumigil at mag isip sa busy nating mga buhay..para magkaroon ng tubig ang mga gulong at iba pang container para mabuo ang life cycle ng mosquito…para magkaroon ng malalanguyan ang mga butete sa kung saan at maging ganap na palaka…at para makabuo ang kalangitan ng ibat ibang kulay na tinatawag nating rainbow.

Speaking of rainbow,kailan ka huling nakakita nito?