Monday, December 27, 2004

Break-up line #5


Love Stories : Break-up line #5Contributed by ribonux (Edited by amplifier) Monday, June 14, 2004 @ 05:29:59 PMPrint Send

“Ha?! Bumili ka ng dress?” “Oo, eto o, plain na light-blue.” “Talaga? Ang sweet mo naman, honey. Thank you, ha!”

Lumunok muna ako bago nabubulol na sinabing, “Ah, eh, hindi para sa iyo ‘tong dress.” “At para naman kanino?!?”

Lumunok uli ako; mas malalim, bago sinabing, “Para sa akin itong dress… natuklasan ko na ang tunay kong pagkatao.” “Ano?!?” Bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkabigla. “Pakiulit mo nga ng buo at malinaw ang sinabi mo.”

Wala akong magawa kundi diretsahin na lang siya: “Binili ko itong dress para sa akin dahil natuklasan ko na bakla pala ako. Look! Cute naman, ‘di ba?” habang hawak-hawak ko ang dress against my body at pakendeng-kendeng na lumapit sa kanya.

Bumunghalit siya ng tawa, “You are kidding, right?!” “No, I’m really serious. Ako ay isang papa-hunter.” Tawa siya uli. Mas malakas at malutong. “Well, goodbye sa iyo. I’m dumping you, right here, right now. Goodluck sa iyong papa-hunting!”

Yesss! Thank you, Lord! She dumped me! Better than I expected. ‘Kala ko bubuntalin pa n’ya muna ako bago siya umalilis. Buti na lang gumana ang aking bagong break-up line #5: “Ako ay isang papa-hunter.”

Oo, ika-lima na iyon sa mga linyang nagamit ko para makipag-break sa mga naging girlfriends ko. Hangga’t maari kasi ayokong masaktan gaano yung girl kapag gusto ko ng bumitaw sa relasyon namin. Gusto ko na magalit na lang siya sa akin. Gusto ko na lahat ng sisi ay sa akin mabunton. Iyon bang lalabas na hindi ako karapat-dapat sa kanya.

Naalaala ko pa yung break-up line ko sa una kong girlfriend, na itago na lang natin sa pangalang Shakira.

“It’s not you, it’s me…”

Sobrang cliché. Nabasa na nya pala iyon sa Cosmo na isa sa pinaka-gasgas na linya para makipag-break, isang linggo bago ko sinabi iyon sa kanya. Eh, ‘di siyempre buking ako na ayoko na lang talaga sa kanya. Nag-iiyak siya na parang batang paslit.

Hindi siya tumigil sa pag-iyak at talaga namang ayaw bumitiw sa pagkakayakap sa akin. Hanggang sa sinabi ko na lang na, “O, sige, tahan na, Shakira. Susubukan ko na mahalin kita uli.”

Hinalikan ko siya sa noo at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi. Tumahan naman siya at mabilis akong nakapag-paalam at lumabas ng kanyang flat. Hindi na ako bumalik uli doon.

Hindi ko makalimutan yung tagpo na iyon at sobra akong nakonsensya. Mula noon, ipinangako ko na hindi na ako muling magpapaiyak pa ng babae. Tsaka hindi rin nakakatuwa ang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Pero minsan, hindi talaga maiiwasan. Tutal, the truth hurts naman daw, ‘ika nga.

Tulad nung gusto ko nang kumalas mula sa babaeng tawagin na lang nating Britney. [Pareho kasi sila ng linya na, “Do it to me baby, one more time!”, pagkatapos naming mag… alam mo na.]
Mabait sana si Britney. Pang-baranggayan ang beauty, super-sexy at mahilig. Ang problema lang ay kapag wala na kami sa kama. Medyo parang nahihirapan kasi siyang i-konekta ang mga bagay-bagay kapag nag-uusap kami. Suspetsa ko eh hindi pinakain ito ng nanay nya ng iodine noong bata pa siya. Nito na lang naman kasi nauso iyang iodized salt na iyan, eh.

Hindi ko na ikukwento yung pangatlo at pang-apat kong break-up lines na matapos kong sabihin ay tinadyakan ako pareho nila Beyonce at Pink sa aking yagbadoodles. Maganda sana yung break-up lines ko sa kanila dahil mukhang hindi sila nahirapang kalimutan agad ako. Mukhang hindi sila gaanong nasaktan. Kaso ako naman ang namilipit sa sakit.

Ngayon, libre na naman ako. Pero siguro, hinay-hinay lang muna. Wala pa talaga ako sa commitment mode, eh, habang yung mga naging gf ko, lahat sila nag-iisip na agad ng tungkol sa sakalan, este, kasalan pala pagkatapos ng tatlong buwan.

Pagkakamali ko rin kasi kung tutuusin. Nahihirapan akong mag-open up ng maaga at sabihin agad sa babae na hindi na gagana ang relasyon namin. Kumbaga, hinahayaan ko bang magkaroon ng false sense of security si girl tungkol sa aming relationship; dahil nga pinapatagal ko pa ang pakikisama ng mabuti sa kanya, kahit sa loob-loob ko ay ayoko na.

Siguro sa susunod, mas magiging matapat na lang kaagad ako. Ayoko na uling gamitin itong break-up line #5 kahit pa mukhang epektibo siya. At ayoko na ring madagdagan pa itong listahan ko ng break-up lines.