Saturday, April 23, 2005

1st time

1st time kong pumunta sa job interview kahapon sa makati, ako lang magisa ang pumunta buti naman hindi ako nawala. 10 am ang sched ko sa interview, at syempre 7 am ako umalis dito ayokong malate baka maulit ang nangyari sa akin sa jollibee.

Madali ko namang nahanap yung building(PIlar BLdg.). 9 am ako dumating dun, hindi muna ako pumasok, masyado akong kabado kasi hindi ko naman alam kung ano ang mga mangyayari,biglaan yung interview. Kaya nag mcdo muna ako para I relax ko ang sarili. Kumain ng apple pie at bumili ng mineral water. Hay.. lumabas ako ng mcdo 9:20. at pumasok na ako sa building.

Pag pasok ko sa building. Akalain mo nga naman. May mga mapuan akong nakita. Lima sila,isang babae at syempre 4 na lalake. Alam kong ka batch ko sila kasi yung babae naging ka group ko sa reporting para sa psychology na subject. Hindi ko alam yung mga pangalan nila at hindi din naman nila alam ang pangalan ko. Nagpansinan naman kami pero di kami nag usap. Nauna na sila sa elevator paakyat sa 5th floor kasi tapos na sila mag fill up nung form.

Bakit sila naka formal???bakit sila naka long sleeves???patay, pede kaya tong suot ko???ang sabi sa akin ni ms karina nung nagkausap kami “smart casual” naka polo kasi ako naka khaki at black shoes. Bahala na

Matapos kong mag fill up ng form, pumasok na ako sa elevator. Grabe ang kaba ko kasi ako lang magisa parang gusto ko mag back out. Pero sayang eh. Pagpasok ko sa 5th floor. May golay ang daming tao. Na surprise ako dun. Estimate ko 80+ ang mga nag aapply. Hala!!ano to??mas lalo akong kinabahan…binigyan na ako ng form ni ms. at naghanap na ako ng mauupuan. Nasa pinaka likod ako at yung limang mapuan medyo nasa harap.

Itutuloy….


1st time - part II

Sana pala nung dumating ako ng 9 pumasok na ako. Mali ako dun. Sa uulitin nalang…1st time eh.

Ayan na, unti unti na nila tinatawag yung mga applicants. Kinakabahan ako. Iniisip ko, ano kaya ang itatanong sa akin???ano isasagot ko???pano pag di ako nakapag English ng maayos???

Tinawag na ni ms karina ang pangalan ko,Patay ako na!!. Anim kaming tinawag para pumasok dun sa room na may clear glass kaya nakikita kami ng mga applicants sa labas, nakaupo at naghihintay na matawag ang pangalan nila.

Ang gara ng interview anim kaming nandun. Dalawa ang major question ni ms. karina, ang ganda pala nya hehe, 1st tell me something about yourself, 2nd, how can you convince us why we should hire you??

Hala nakatinign sya sa katabi ko!!ibig sabihin ako ang sunod. Naasar ako sa sarili ko bakit ba sobra akong kinakabahan???

Yung katabi ko ay isang prof sa TUP, Gradute ng EE. Wow big time. Matapos siyang pag tatanungin. Pinalabas na siya ng room.

Waahh ako na,

ako: im mark ______ im taking up computer engineering in Mapua Institute of Technology yadadadada yadadahadhdahdahdahdah.

Ako: for the second question…yadadadadaydadadadadadadadada.

Matapos nya akong pagtatanungin pinalabas na din nya ako ng room. Meron pang apat na natira sa loob ng room.

Itutuloy…

1st time - part III

Matapos ang maraming minutong paghihintay tinawag muli ang pangalan ko at pinapasok ako sa examination room. Binigyan ako ng 3 sets of exams 50 minutes lang ang binigay sa aking time.

Nasa loob din ang limang mapuan. Mukhang madaming sets ang binigay yung ilan sa kanila.

yung katabi ko sa examination room. Nakasabay ko din sa interview, dati din daw siyang mapuan. Nagtaka naman ako kung bakit isang set lang ang binigay sa kanya. grammar lang.

3 sets ang exam ko.

Grammar (3 pages, multiple choice)

IQ (3 pages)

Essay (1 page)

Medyo madali lang yung grammar.

Sa IQ naman sa umpisa nadalian lang ako ,nung patapos na dun na ako medyo nahirapan. Nagpahirap pa sa akin yung tyan ko. Nagugutom ako. Bakit ba kasi apple pie lang kinain ko??? Hindi ko na pinilit sagutan yung mga mahihirap. May essay pa kasi

Essay, 3 questions.

  1. what do you think is your greatest achievement, why?
  2. do u have any regrets in your life? elaborate.
  3. di ko na matandaan.

Inabot ako ng 65 minutes, wala na kasi yung nagbabantay nag lunch na at dalawa nalng kaming naiwan sa examination room. Gusto ko nga sanang kumopya sa kayang. Sabi nya, nahirapan din siya sa IQ meron din siyang mga blanko. Gusto ko pa sanang sagutan yun, kaso nagugutom na ako. Pinasa ko na ang papel ko at pinabalik ako ng 2pm.

Itutuloy…

1st time - part IV

11:45, lumabas na ako ng building buti nalang may dalawang malapit na mall dun. Bumalik ako ng 1:30 at naghintay nanaman ako ng matagal para daw makuha ko na yung result at ang recommendation.

Medyo konti nalang ang tao. Dumating ang limang mapuan at dun ko na sila nakausap,umupo sila malapit sa akin. Tinanong ko kung nag Loa sila. Sabi, hindi daw. Sabi naman nung naka yellow, 6 unit lang ang kinuha nya. Hmm. Pede nga siya mag work. Madami din akong natutunan dun sa dalawa yung babae at yung naka yellow. At syempre nag tanong tanong na din ako madami din akonghindi naiintindihan sa call center. Wala naman kasi akong kilala na nag ttrabaho sa ganun.

Natutunan ko yung out bound at inbound, yung in bound daw, yun yung mga tinatawagan ng mga customer, yung outbound sila yung tumatawag sa mga client.

Kung ako papipiliin mas gusto ko ang inbound. Part time lang ang kinuha ko kasi nga babalik ako next term.

After ng paguusap.

Tinawag na ako at binigay na ang recommendation. Inilagay nila ako sa parlance system Inc. (ePLDT) dun daw nila ako nilagay kasi yun palang ang company na tumatanggap ng part time. May second interview pa ako sa katapusan pa ng May, kaya daw matagal kasi dalawa lang ang tinatanggap nilang applicant kada araw. Mag practice daw ako ng tongue twister at pronunciation kasi daw may oral exam pa dun, payo sa akin nung nag bigay ng recommendation.

Medyo bulol pa naman ako minsan, hay natapos din ang nakakakabang araw…kailangan talaga ng pasensya at dapat handa ka hindi tulad ko .

50% na akong pasado sabi ni ms., another 50% malalaman natin sa katapusan ng May kung makakapasa ako. Hindi naman ako nag eexpect na matatanggap, mahirap daw makapasok dun sabi ng pinsan ko. Hindi daw nakapasa yung isa pa naming pinsan dun.

Friday, April 15, 2005

call me


warning: basahin mo muna yung "PEDE PA BA HUMABOL???"

matapos kong ma dis appoint, naisipan kong mag rent sa video city.

pag pasok ko sa rob, dinala ako ng aking mga paa sa jollibee uli, sa hindi malamang kadahilanan nagkasalubong kami ng tingin nung assistant manager ata yun. edi lumapit na ako at nag tanong.

ako: may hiring po ba kayo??
sir: magpasa ka lang ng bio data.
ako: pede na po ngayon magpasa??
sir: oo
ako: hanggang kailan po ba ako maghihintay para malaman....
iniabot ko ang resume, mga 5seconds nya itong binasa at..
sir: tatanong ko lang sa manager.
pag balik nya..
ako: hanggang kailan po ba ako maghihintay??
sir: kasi iniipon pa ito..tatawagan nalang pag meron nang opening.
ako: kailan po kaya magkakaroon?
sir: baka this week or next week meron..tatawagan nalang
ako: ah ok...thank you po.

ayan nanaman yang tatawagan na yan, 1 week ng nakaraan nung una akong nagpasa sa mcdo at bk wala akong tawag na natanggap.

matapos nun nag punta na ako sa video city, sa kasamaang palad wala akong na rent, dahil wala paring bago.

ang hirap pala mag hanap ng trabaho. tiyaga at pasensya ang kailangan, kailangan dito ng diskarte at luck. no wonder kaya ang daming walang trabaho sa pilipinas, kaya madaming nagpupunta sa ibang bansa para makapag trabaho.

pede pa ba humabol??

matapos kong mag post kanina, naligo na ako. san ako pupunta???

sa jollibee imus.

may hiring kasi , nabasa ko nung kumain kami dun nung nakaraang araw.

this is it, matapos ko yun basahin inilagay ko ito agad sa calendar ng phone ko para di ko malimutan. jollibee imus, at exactly 2:30PM

nakasakay ako ng 1:55PM, ayos hindi ako malalate nito kasi kaya ito ng 20 minutes na biyahe.mabilis naman si manong driver. makulimlim na at medyo umaambon. nasa harap pa ako ng jeep nakaupo kaya medyo nababasa na ako. "please lord mamaya nyo na ibuhos yan hintayin nyo muna akong makadating dun please,summer ngayon". paulit ulit ko itong sinasabi sa isip ko.

unti unting bumabagal ang jeep, at tuluyan na itong huminto. TRAPIK, bakit ngayon pa??

dumating ako sa jollibee at exactly 2:31.

ako: san po dito yung mag aapply
guard: ay, wala na naka akyat na sila nag eexam na.
ako: ..........
ako: hindi na ba pede humabol??

at may dumating na babae, mag aaply din

ako: mag aapply ka din?
babae: oo
ako: manong baka pede pang humabol
babae: (wala siyang sinasabi)
guard: teka, tatanong ko lang.

at iniwan nya ang entrance ng jollibee na kaming dalawa ng babae ang bantay.

after 2 minutes...

bumababa na si manong guard at sinabi na hindi na pwede..

hay buhay, asar na asar ako ng minutong iyon. sa isang minutong late, nasayang lang ang effort ko. lumabas na ako ng store at iniisip kung ano ang gagawin ko.

pumasok uli ako sa store para magmakaawa sa manager hehe, pumasok uli ako sa store para kumain.

sa counter.

ako: no. 13
Ms: ano drinks?
ako: iced tea
ako: ms, hindi na ba pede humabol dun??(kulit-desperado??hehe)
ms: nakapasa kaba?
ako: hindi, na late ako ng 1 minute.
ms: ma'am pede pa po daw ba humabol??..........................hindi na daw pwede.

ok fine i give up, everything happens for a reason. hindi siguro ako para dun.

habang kumakain, bumaba na yung mga nag examsssssss. ang dami pala nila more than 20. kung pinayagan kami makapag exam. aabutin siguro ng 40 yun.

ang haba na pala ng post ko....habaan pa natin.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

sunod sunod ang fast food sa imus kaya sinulit ko na ang pag punta ko dun. nag tanong ako sa chowking. sabi ni manong guard na masungit wala daw hiring. pumunta naman ako sa lotus mall. sa jollibee uli, sabi naman baka sa May pa daw....



oist!!!

sa nakalipas na buwan, salamat sa dalawa o tatlong tao sa direktang pumapasok sa blog ko. yung direktang www.ducss.blogspot.com ang tinatype sa address bar hehe, paramdam naman kayo kaya mga may talk box hehe

salamat din sa mga napapadaan...

godbless sa inyong lahat.

sa uulitin.

STOP

I started blogging last November of 2004, influenced by the writings of benchpoint.ang pinaka unang blog na nabasa ko, mapuan din..pero di kami magkakilala.Isang buwan makapilas ng pagbabasa ng kanyang blog at blog din ng ibang student sa site nya. Naisipan ko na gumawa ng sarili kong blog. Hindi ko alam kung pano maglagay ng links sa gilid, mag lagay ng tag board at ng kung ano ano pang pedeng mailagay sa site.

Oo tinuruan kami ng html nung 1st yr, pero sobrang basic lang nun at konting oras lang ang ginugol namin sa pag aaral ng html. At bago ako gumawa ng sarili kong blog. Limot ko na ang mga tinuro sa amin.

Isang mahabang trial and error din ang ginawa ko sa pag gawa nito. Tinuruan ko ang sarili ko kung pano gumawa nito at pano maglagay nun. lately medyo na discourage ako by someone..about sa blog

“ang dapat na gumagawa nun, yung mga taong walang ginagawa, mga adik sa computer, mga computer wizard at freaks”

Ang aking opinion:

Mga taong walang ginagawa, para sa akin, time management ang sagot, hindi ka naman aabutin ng mahabang oras para makabuo ng isang post. 10 minutes lang pwede na. tsaka kung may internet access ka naman sa bahay malamang mas madalas kang makakapag post kaysa sa mga nag rerent.

Mga adik sa computer, mga computer wizard, napag aaralan ang pag gawa ng blog. Tulad ng ginawa ko. may mga nag bblog na mga nursing student, journalist, teacher at kung ano ano pa. na hindi naman related ang course sa computer pero nakakagawa sila ng matinong blog, na alam ko pinag tyagaaan din nila yung pag buo nito.

Freaks, blogging para sa akin ay pwedeng outlet ng stress, opinion, kaartehan, kagaguhan, kalokohan, mga angal at hinanakit sa buhay, heartbreak at mga problema….Its just a matter of respect sa mga nababasa natin.

Ako, hindi ako magaling mag sulat, hindi ako writer.pansin naman sa mga post ko, “magulo.” Sa blog ko lang nailalabas minsan ang mga naiisip ko, mga kwento. Mga nararamdaman na hindi ko naman nasasabi sa pamilya ko o maski man sa mga kaibigan o kahit na sa matalik kong kaibigan.

Sunday, April 10, 2005

pirasong papel

nung isang araw nakapag pasa na ako ng resume sa mcdo at BK sa rob imus, kakaibang experience yung nangyari..kahit magpapass lang ako ng isang pirasong papel nakaka kaba pala.

burger king, walang nakapila sa counter, lumapit na ako sa manager para magpasa ng resume, pag abot ko ng resume ko, nagtinginan lahat ng employee sa akin..bigla akong nahiya at nang liit. hindi ko alam ang i rereact ko ni hindi na nga ako nakapag thank you sa manager. tatawagan nalang daw ako...

mcdo, parang ang sungit nung manager... pagpasa ko ng resume, tatawagan nalng daw ako.

conclusion, hindi nila ako tatawagan. parang hindi naman nila kailangan ng bagong employee...

ang jollibee at greenwich sa rob iisa lang, masyado silang bc kaya di na kao nag pass.

analog devices, sinabi ng insan ko na puro mga Engineer lang ang opening sa kanila. "graduate"

Wednesday, April 06, 2005

ice cream


i did not expect na LOA ako ngayong term. Sinabi lang ng nanay ko na nagsabay sabay ang babayaran nila. i pprioritize na muna nila yun. may mauutangan naman para sa tuition ko. kaso ayaw na nilang mangutang madadagdagan nanaman ang babayaran nila.

hindi ko din nagamit ang LOA form, hindi na ako nag apply kasi kailangan pa ng clearance, clearance na kung saan makikita ang malaking back account ko, sabi naman ni jen nung nag LOA siya dati, di din siya nag apply for LOA diretso enroll na daw siya, kaya ganun na din ang gagawin ko.

disappointed, naka plano na nga ang mga subjects na kukunin ko this term, di naman pala ako mag eenroll. iniisip ko yang data structure and algorithm na subject ko.ASAR!!!!!!sa 2007 ako ggraduate waaaaaaaaaahhhh.

ang plano ko ngayon, mag trabaho... sinubukan ko sa jobstreet mag apply..may mga nagrespond naman, kahapon dapat may interview ako di ko alam ang position ang dami ko kasing inaplayan. ENCODER ata yun. kaso ang layo,sa Makati.. sabi ng pinsan ko wag nalang lugi ako sa pamasahe at sa haba ng biyahe.


:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::


kahapon pumunta ako ng rob imus, at napadaan ako sa Mcdo para bumili ng ice cream. nagtanong na din ako kung nag hhire sila, sabi ni maam "oo, pasa ka lang ng BIO data, 2*2 id picture (whole body)" sabi ko naman, "di pede Resume??". "pwede" banggit ni maam. at dun na natapos ang maikling usapan namin dahil naibigay na nya sa akin ang ice cream ko.

Resume, nakagawa na kasi ako ng nito, ayoko ng sayangin ang tinta ng Gtech ko para sa BIO data hehe. nung nasa jeep na ako napaisip naman ako. mag aaply pa ako o hindi???mag aaply ba ako o hindi????mag aapply ba ako o hindi?? ang sagot ko, hindi ko alam.

baka isang araw topakin nalang ako at mag punta sa mall para mag pasa ng resume....