Thursday, March 31, 2005

ANNOUNCEMENT FOR TRUE-BLOODED MAPUANS

Image hosted by Photobucket.com


March 19, 2005

For the past months the United Mapuans never took its rest in leading the fight for preservation of the legacy of our beloved founder Don Tomas Mapua. In this fight, though we never really had a concrete victory at hand, we owe everything to you students for reaching this far.

We held a lot of rallies and demonstrations for this cause and the remarkable "Black Valentines" was one event that all of us Mapuans must be proud of. It not only put us in HISTORY by having the biggest population of mass rally participated in by students, next to EDSA II, and the largest population of mass walkout made by students from an educational institution in the Philippines but also it kindled the flame for student empowerment. Students from different universities and colleges were inspired by what we have done in fighting for a cause that we believe was being stepped upon by the school administration. We are now being regarded highly by students.

In line with this, we encourage you again ,our beloved Mapuan, to join us in spearheading another MASSIVE and COLOSSAL RALLY that will happen on April 20, 2005 at Intramuros . Let this leave a bigger mark in history! Let us all join hands and take a stand in this fight! We would never stumble and fall if we all unite.

Remember, EVERY MAPUAN IS WORTH FIGHTING FOR!!!!!

pero at sana

enrollment na sa april 5 pero....

gusto ko na pumasok para makahabol pero....

resume???

burger king???

analog devices....sana!!

informatics....sana!!

malungkot, pero walang magagawa....

ang 4th term ang pinaka gusto kong term sa lahat, dahil hindi masyadong trapik dito sa cavite pero...

to be continued...antok na ko.

Wednesday, March 30, 2005

Mozilla vs IE

ngayon ko lang na view ang blog ko sa internet explorer, at ang pangit pala ng mga fonts parang nag dodoble, nakakahilo basahin pag ganun at yung iba hindi mabasa. bukas ko nalang aayusin kung, maayos ko. mozilla kasi ang gamit kong browser. minsan hindi nagtutugma sa pag view ng website ang IE at mozilla.

sana maayos ko...

mas ok ang mozilla browser kaysa internet explorer(yung blue na e). freeware ang mozilla firefox kaya click mo lang yung [firefox tab] sa gilid ng blog. kaya download na!!!

globe all you want

may unlimited na ang globe.

unlimited call and text for globe to globe subscribers only. (syempre)

kailangan ang kasalukuyang load ay 301+ dahil ibabawas nila agad ang 300 pag na activate na ito.
300= 30 days of unlimited call and txt

type 300 then send to 2870

until april 22 lang yung registration dahil parang test lang ito ng globe pero may possibility na ma extend.

Tuesday, March 29, 2005

American Idol

pede pala bumoto ang pilipinas sa american idol...

type IDOL space [name of contestant]
then send to 2366 (for globe subscribers only)

for example:

IDOL Mark


pero ako, wala akong balak bumoto...sinabi ko lang
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

TOP 3
(personal choice)

1. Vonzell Solomon


Image hosted by Photobucket.com

2. Carrie Underwood


Image hosted by Photobucket.com

3. Nikko Smith


Image hosted by Photobucket.com

year book

nabasa ko kanina sa friendster:

hei mga peepz
pede na po makuha ung refund nten for the
yearbook
300 nga lang po.....
bad3p noh!!
nweiz,
magdala lang po keo ng
id nio
papa xerox po un..
ung bagong id ha
ngayong college na keo..
yeah
punta nlng po keo ng skul
thanks po

asar naman to, walang yearbook yung batch namin. kung hindi ako nagkakamali 500 yung binayad namin nun. nakakalungkot naman, pag tanda namin, wala kaming mabubuklat na aklat tungkol sa high school life. hindi namin mapagtatawan ang mga pictures habang naaalala ang mga kalokohang nangyari at mga ginawa namin.

nakakaamoy ako ng reunion...malamang sabay sabaw kaming kukuha ng 300 pesos.

Saturday, March 26, 2005

bomdtech

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Friday, March 25, 2005

IPIs

SABI NI IPIS SA LIBRONG ALAMAT NG GUBAT, SIYA RIN DAW AY ISANG PARU PARO, BROWN LANG ANG COLOR.

buti pa ang nanay ko nasa tagaytay ngayon kasama ang kanyang mga friends from church, kaya kaming dalawa lang ng kapatid ko ang nandito. ang masama pa eh walang iniwan na pera at pag kain. kung ano yung nasa ref yun na yun. eh puro tubig ang laman ng ref namin.

dumating din kanina ang half bro ko. para humiram ng polo....at kasalukuyang natutulog na din dito sa bahay. siguro sinabihan ng tatay namin na dito nlang siya matulog.

nagugutom na ako. gusto ko ng chicharon.

splish splash

http://www.hahahumor.com/funny-songs/funny-songs-view.php?id=97

The Chihuahua

Once there three male dogs who set eyes on a beautiful female poodle. They all rushed over to her. Aware of her charms, she said, "I will go out with the first one of you who can use the words 'liver' and 'cheese' together in an intelligent sentence."

Immediately the Lab said, "I like liver and cheese."

"No imagination at all," said the poodle.

Next was the muscular Rottweiler, who blurted, "I hate liver and cheese."

"That's worse than the Lab," she replied.

Finally a tiny chihuahua smiled at his opponents, gave the poodle a knowing wink, and said, "Liver alone, cheese mine."

talking dog

In Mississippi, a guy sees a sign in front of a house:

"Talking Dog for Sale."

He rings the bell and the owner tells him the dog is in the backyard. The guy goes into the backyard and sees a black mutt just sitting there.

"You talk?" he asks.

"Yep," the mutt replies.

"So, what's your story?"

The mutt looks up and says, "Well, I discovered my gift of talking pretty young and I wanted to help the government, so I told the CIA about my gift, and in no time they had me jetting from country to country, sitting in rooms with spies and world leaders, because no one figured a dog would be eavesdropping. I was one of their most valuable spies eight years running. The jetting around really tired me out, and I knew I wasn't getting any younger and I wanted to settle down. So I signed up for a job at the airport to do some undercover security work, mostly wandering near suspicious characters and listening in. I uncovered some incredible dealings there and was awarded a batch of medals. Had a wife, a mess of puppies, and now I'm just retired."

The guy is amazed. He goes back in and asks the owner what he wants for the dog.

The owner says, "Ten dollars."

The guy says, "This dog is amazing. Why on earth are you selling him, so cheap?"

The owner replies, "He's just a big liar. He didn't do any of that stuff."

Tuesday, March 22, 2005

Alamat ng Gubat

Nakabili na ako ng libro ni bob ong na “Alamat ng Gubat” buti naman binigyan ako ng nanay ko ng 100 pesos ng sinabi kong may bibilhin akong libro. Na curious siguro ang nanay ko ng sinabi kong “libro” ang bibilhin ko., kaya binigyan na ako nito.

Eto ang nakalagay sa ikod ng libro:

Image hosted by Photobucket.com

WELCOME TO THE JUNGLE!

Samahan si tong at ang kanyang mga

Kaibigan sa napakasayang alamat ng

Kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa

Kuwentong garantisadong hindi kapupulutan

Ng aral. At salubungin ang napakagandang

Bukas na naghihintay sa ating lahat!

Alamat mo

Alamat ko

Alamat ng Gubat

ANG LIBRONG PAMBATA

PARA SA MATATANDA!

Maikli lang ang kwento matatapos mo ito ng dalawang oras, Si tong ang main character, isa siyang T _ _ _ NG_ A. (hulaan mo)………di ko na ikkwento bumili ka nalang di naman masasayang ang 100 pesos mo.

Sinabi ng author na “garantisadong hindi kapupulutan ng aral” pero hindi totoo yun hehe…may matututunan ka naman kahit papaano. Kailangan mo lang mag isip kung saan mo ito mairerelate sa ating lipunan, sa kapligiran at pati na rin sa personal na buhay.

Mairerelate ko yung kwento kay, Yuchengco at Vea. Si Yuchengco ang Leon si Vea naman ang Buwaya….

Saturday, March 19, 2005

singko

nag txt sa akin si jen , na kung pede daw tignan ko yung grades nya, dahil kasalukuyang nasa induction siya sa may Laguna. di nman ako makapag reply dahil wala akong load.

di ko pa pede makita yung grades ko dahil may back account pa ako pero tinignan ko sa my curicculum kung taken na ang nakalagay.

data structures and algorithms - NOT TAKEN
modern physics - NOT TAKEN
humanities 1 - TAKEN
economics - TAKEN
advance math - TAKEN

tanggap ko na bagsak ako sa mod phy, pero dis appointed ako sa data struc, wala naman akong ibang magagawa kundi ulitin . kasalanan ko to. tatlong exams sa data struc ang hindi ko natapos dahil na late ako at eto ang resulta.. sana next term may pang hapon na sked para sa nabanggit na subject. sana din hindi na si sir baon ang prof ko sa mod phy.

maraming maraming salamat kay mrs. bergado dahil pinasa nya ako kahit hindi ako nakakuha ng departmental exam.

tatlong VCD at ang bagong libro ni bob ong

wala na akong pasok ngayon pero humingi pa rin ako ng baon. pumunta nalang ako ng rob imus,para mag palamig, sale sila ngayon tsaka till midnight ang store hours.

nag rent nalng din ako sa video city

taxi
just married
1st daugther

swertihan lang kung makakuha ng mga new releases...dami kasing ng rerent tsaka. lahat ng mga gusto kong i rent kanina, naka out... medyo sad ako ngayon kaya mga comedy yung ni rent ko hehe.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

sa wakas nakita ko na rin yung bagong book ni Mr. Bob Ong kanina sa national bookstore, ang may pakana ng ABNKKBSNLAKO!?!, ang paboritong libro ni hudas at bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino,lahat yan nabasa ko na dahil na rin sa impluwensya ng bespren ko. nakita ko sa room nya yung book(bakit baliktad.......pinoy) kaya kinuha ko este hiniram pala. naaliw naman ako at ng nalaman ko na may isa pa siyang libro(ABNKK...?!?) hiniram ko uli, at mas naaliw,nasiyahan at natuwa ako. at ng napadpad kami sa national bookstore matagal ng nakakaraan mga late 2003 ata yun basta matagal na... naituro ni bespren ang libro uli si bob ong(paborit.....hudas). ako na ang bumili para naman may sarili akong kopya ng book ni bob ong na sa kasalukuyan hindi ko alam kung nasaan. nawala ata...winala...o di pa naisoli.

balik na sa bagong libro ni Mr. Ong, dahil siguro sa aking pagkasabik hindi ko na matandaan yung title. basta ang istorya ay tungkol sa mga hayop. 100 pesos yung book. gusto ko na sana bumili kanina dahil dalawang kopya nalang yung nandun, yung isa nakabukas na at yung isa naka plastic pa. nagastos ko na kasi yung pera ko. bumili pa ako ng T3 magazine on sale yun sa dating halagang 120 php ngayon naging 60php. pero september issue yun. hindi kasi ako nakabili ng september to november issue. hay sayang...

kailan pa kaya ako magkakaroon ng 100 pesos??bakasyon na at wala akong naipon.

Friday, March 18, 2005

horror


Image hosted by Photobucket.com


di na kailangan pang i explain.....wawa naman...

Thursday, March 17, 2005

Next Victim Please...


Naglalakad ang isang lalaki ng mapadaan siya sa isang lugar na may mataas na pader...

maingay sa loob...

nai-intriga siya...

naririnig n'ya ang malakas na sigawan sa loob...

"THIRTEEN! THIRTEEN! THIRTEEN!" sigaw ng mga tao sa loob

naghanap siya ng butas para masilip kung ano ang nangyayari sa loob...

suwerte naman at may butas siyang nakita...

pagsilip niya ay may biglang sumundot sa kanyang mata

...

...

...

...

...

...

"FOURTEEN! FOURTEEN! FOURTEEN!" sigaw ng mga tao sa loob

Wednesday, March 16, 2005

palusot

hinatid namin ang aking ama sa airport kaya hindi ako nakapag finals sa humanities, ayan ang dapat na palusot ko pag dating ko sa school...

ni alarm ko ang phone ko ng 6AM para hindi ako ma late sa 10AM na exam ko para sa humanities. nagising ako, hindi dahil sa alarm ng phone ko kundi sa sobrang init, nakapatay ang electric fan..nakiramdam ako sa aking pagkakahiga..at biglang bangon sabay tingin sa orasan. waaaaahhhhhhhhhhh 12:00 naaaaaaaaa.??????? parang hindi ako makapaniwala sa nakitang kong oras. gustuhin ko mang mag teleport, hindi parin ako makakaabot dahil 10-11 lang yung exam. natulala ako ng ilang minuto para pag planuhan ang aking gagawin.

at dumating si nanay pagkatapos kong maligo. at syempre naasar ako dahil walang gumising sa akin. hindi man lang ako ginising bago umalis. nagpasulat nalang ako ng letter na kunwari hinatid namin sa airport si tatay. dinala ko na din ang sss id nya para proof na ang nanay ko nga talaga ang nagsulat.

at pagsakay ko ng jeep, lintik...nakalimutan ko yung letter. hindi ko na binalikan dahil sayang ang oras. nag exam muna ako sa data struc bago pumunta sa faculty ng DLHS. pagdating ko sa faculty, hinanap k na si ma'am bergado...at sinabi ko na:

ako: ma'am di ako nakapag exam, hinatid namin ang tatay ko sa airport
maam: i already warn all of you, dont be late on your exams.............
ako: sige na maam...
maam: wala na kong magagawa, kinukuha nila ang mga test papers at answer key after the exams. hindi namin hawak yun.

naghintay ako ng konti sa labas ng faculty, baka sakali maawa..

may lumabas na prof, si mrs. trajano na naging prof ko sa sociology. tinanong nya ako kung pumayag, at sinabi ko hindi.

at may lumabas nanamang prof, hindi ko siya kilala... sinabi nya sa akin na, gustuhin man nila akong bigyan ng exams di pede dahil wala na sa kanila ang test papers at answer key..lahat daw kasi yun automated. at sinabi nya na 10% lang naman daw ang departmental exam.

10% nga lang pero importante pa rin yun...hindi na muli lumabas si mam bergado, kaya nawalan na rin ako ng pagasa. tanggap ko na rin kung ano man ang mangyayari sa subject na yun.

walang ibang dapat sisihin dito kundi ang alarm clock...dahil hindi talaga ako na aalarm har har har!!!

Sunday, March 13, 2005

pinaka matatayog na gusali

fascinated ako sa mga buildings, sa mga designs nito, lalo na yung mga napanood ko sa national geographic- tungkol sa "Mega Structures" eto yung mga greatest structures ever created.

gusto ko sanang mag architecture, kaso lang hindi ako biniyayaan ng angking galing sa pag guhit.
kung Civil Engineering naman, wala akong interest dito.

sabi ko nga sa nakaraan kong post. pag nakahanap ako ng pics ng pinaka gusto (sa design)kong building sa makati ilalagay ko dito.

eto yun.

Image hosted by Photobucket.com

GT Tower (MetroBank Plaza)




eto naman ang building ni yuchengco.
Image hosted by Photobucket.com

Yuchengco Tower (include RCBC Plaza and Yuchengco Museum)


Image hosted by Photobucket.com



at eto ang tallest building in the Philippines,PBCom Tower(Philippine Bank of Communications), pang 72 ito sa world's tallest building.
Image hosted by Photobucket.com

Saturday, March 12, 2005

no one protects like malayan- malayan insurance

pics nung rally sa makati.>>>>>>>click here<<<<<
link from notomalayan.tk

gusto man naming pumunta, hindi pede dahil may mga exams kami.

nag exam ako sa data struc. ayos naman yung exam dahil iniwan kami ng bantay, dahil absent si ma'am.

final exam sa modern physics nung friday, kahit alam kong bagsak na ako sa subject nag exam pa rin ako. sabi ni sir kailangan kong ma perfect ang exam.

syempre kanya kanyang cheating arrangement ang ginawa ng mga classmeyts ko. halos walang umupo sa harap. nasa harap ko si sir habang abalang ginagawa ang mga grades namin. nilagay ko ang bag ko sa armchair para pantakip sa notes na hiniram ko sa katabi ng katabi ko. grabe 1st time kong ginawa ang ganung bagay, sobrang kinabahan ako. yung tipong na nginginig pa yung mga kamay ko dahil alam kong mali yun hehe. 8 out of 10 questions sa finals ay explanation. may mga nakuha naman akong sagot sa hiniram kong notes. at syempre ni share ko din yun sa mga katabi ko. 8 lang ang nasagutan ko, hindi ko na perfect kaya...bahala na.

Thursday, March 10, 2005

kanina

eto ang mga images kanina sa mapua, kapansin pansing kumonti ang mga students. nagpasukan na ang students para mahabol na ang mga dapat habulin sa mga subjects nila. hindi kasi natuloy kanina ang rally sa makati dahil walang permit.

hindi ako nakapasok sa data struc kanina. 10 am na ako nagising e 9am ang class ko.inis na inis ako sa sarili ko pag gising ko, masyado siguro akong napagod nung mga nakaraang araw .

photos by lee

Image hosted by Photobucket.com
ang ayos ng view dito, parang ang ganda ng intramuros.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

march 4 rally, RCBC

hindi natuloy ang rally kanina, wala kasing permit. hinarang daw ni yuchi, ang nagagawa nga naman ng pera. pero tuloy parin ang laban.



march 4 rally
location: RCBC plaza, Makati city



photos by lee

Image hosted by Photobucket.com
isa pa naman to sa paborito kong building sa makati, tanaw ito mula sa coastal road at mas malapitang view pagdating sa may buendia (flyover).

ang pinaka gusto kong design na building sa makati yung pa diagonal, patulis , nakalimutan ko na yung pangalan. nakita ko na yun sa magazine eh. pag may nahanp akong picture i ppost ko dito hehe.


Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Monday, March 07, 2005

2010

nag exam nanaman sa data struc, at syempre late nanaman ako ng 45 minutes, at syempre uli hindi ko nanaman natapos ang exam ko...babagsak na ako dito. bagsak din ako sa mga exams na naisoli kanina.

kailangan ko pa ng 64 points sa modern physics para makapasa, at sabi ni sir kailang kong mai perfect ang final exam, perfect ba kamo????sus imposible yun, kaya bagsak na rin ako dito.

sa economics naman, kanina sinabi sa amin ni sir before mag seat work na, Mapua Institute of Technology pa rin daw ang aming alma mater hanggang 2010. after ng 2010 papalitan na. hindi ako natuwa sa balitang yun. ang pinaglalaban naming mga students ay Mapua forever.

sa humanities, after ng discussion. sinabi din ni ma'am sa amin ang parehong balita. Mapua parin until 2010. mapua parin ang nasa diploma, at sa ilalim daw ng diploma, may maliit na isiningit. "Malayan Colleges, operating under Mapua Institute of Technology" ang titigas ng mga ulo oh, bakit ba nila pilit na isinisingit ang Malayan na yan??

may malawakang rally sa wednesday, ang problema ko ngayon. magtuturo parin daw si ma'am kahit na may rally. ayoko namang ma miss yung lecture dahil may exam after nun. kaya kailangan kong pumasok. syempre sasama ako sa rally. ibang lebel na yun, sa building na ni yuchengco daw kami pupunta.

Saturday, March 05, 2005

What's in a name change? Mapuans seek investigation



Posted 00:17am (Mla time) Mar 04, 2005
By Tina Santos
Inquirer News Service



Editor's Note: Published on page A1 of the March 4, 2005 issue of the Philippine Daily Inquirer

ALARMED over the impending change in name of Mapua Institute of Technology (MIT) to Malayan Colleges, the National Alliance of Mapua Alumni (Nama) is seeking a formal congressional probe on the real motive for dropping the name of an 80-year-old educational institution with a solid reputation for its architecture and engineering programs.

Montalban Mayor Pedro "Ping" S. Cuerpo, Nama spokesperson, also called on all concerned to unite and fight for the retention of the name of their alma mater.

Cuerpo said Nama strongly believed the Yuchengco Group of Companies, which bought the school from the Mapua family in 1999, may want to change the Mapua name to escape tax liabilities.

One of the country's premier conglomerates, the Yuchengco group also owns nonlife Malayan Insurance, Grepalife, Rizal Commercial Banking Corp. and business interests in automotives, travel, tourism, construction, engineering and technology.

"We believe that the Lower House as well as the Senate should initiate a probe against Malayan Colleges not only to help us in our cause to preserve the name of a reputable Philippine educational institution but to save the country from losing billions of tax revenues," Cuerpo said.

As of yesterday afternoon, black remained the campus color as the students calling themselves United Mapuans continued to come to school in black shirts.

The protesters said that changing their school's name would be tantamount to disregarding the legacy of the school's founder, Tomas Mapua.

4 students suspended

The fight, which began on Feb. 14, turned ugly yesterday after four students were suspended for allegedly violating school rules and regulations in their protest against the change of name.

The students were suspended despite earlier pronouncements by Mapua president Reynaldo Vea that nobody would be penalized for the mass action because the school respected freedom of expression and also wanted to know the students' sentiments.

In his two-page letter issued on Wednesday, Antonio L. Mateo Jr., vice president for student affairs and prefect for students, cited specific grounds for the suspension of the four students.

Mateo said the four students are barred from entering the institute's premises in accordance with Section 77 of the Manual of Regulations for Private Schools as issued through DepEd Order No. 92.

Citing the investigation conducted by the committee on decorum, Mateo stressed that the four directly participated in various activities which disrupted the normal operations of the school.

'Shallow'

However, one of those suspended claimed that the grounds cited by the school for the suspension "were shallow and baseless."

Mateo particularly pointed to the incidents that happened on Feb. 26 and 28 where the four students were allegedly at the forefront of the group that had gathered in front of the entrance gate of Mapua's campus in Intramuros, Manila, forming a human chain, thus preventing students from attending their classes.

The four also encouraged and participated in a noise barrage in front of the school along with vehicles that were honking their horns and sounding their alarms, Mateo said, adding that the offending students also gave out flyers, pamphlets and other written statements espousing their cause.

'Threatening'

Mateo added that the four were likewise apprehended on the campus with a copy of an official memo from his office, which they reportedly had removed from the posting area.

"Your acts directly contributed in creating a threatening and coercive atmosphere," Mateo said in his letter.

The suspended students were given 72 hours to submit their formal written explanations on why they should not be charged for the offenses.

They were also ordered to appear before the committee on decorum and investigation on Tuesday.

No consultation

Meynard Austria, a member of the core group fighting for the retention of the school's name, lamented that school officials did not consult them about the change of name.

"Our point is simple. The term Mapuans is important to us. Our parents enrolled us here to graduate as Mapuans, not as Malayans," Austria said.

He clarified that he and his fellow protesters were not against the administration and were in fact appreciative of the various technological advancements that the school had implemented.

"We do not even complain every time they increase our tuition fees. All we want is just for them to retain Mapua's name as is," Austria said.

The Inquirer tried to reach Vea for comment but a member of his staff said he was in a meeting.

University status

But in an earlier interview, Vea said the name change was a step toward the school's expansion to a university. He said the school had started offering courses other than engineering and architecture since 2000 after the takeover by the Yuchengco group. The offering of additional courses was one of the requirements for attaining university status.

Mapua's new courses are nursing, psychology, biotechnology and business administration.

Mapua at present offers 28 courses and six graduate programs.

"If the school continued to be called Mapua, we feel there might be a certain dilution also because the Mapua name is closely associated with technology, engineering," Vea told the Inquirer.

Vea also said the board had yet to set the date for the official change of the school's name.

He told students that the name Mapua could still be used for the College of Engineering and Architecture of the Malayan University since a university could name its colleges.

Vea added the name change was never meant to relegate Mapua to the background.

"Our intention is in fact to make it better known and that is why we are going for university status," he said.

Taipans buying up schools

Cuerpo explained that schools and universities paid very minimal tax to the government compared to other businesses and this could be the real reason top corporations like YGC and other Filipino "taipans" were re-focusing their business thrust to campuses.

Cuerpo said the pattern was in place. "Business tycoons had already invested in educational institutions. The Lucio Tan group bought the University of the East in the '90s, Henry Sy perhaps owns the majority stake at the Asia Pacific College, and so on. YGC now has Mapua at its mercy."

Legacy

Cuerpo also called on all Filipinos to fight for the preservation of educational institutions -- Mapua included.

He said, "Educational institutions must not be for sale. Legacies are not made overnight."

Leave of Absence form

nag exam kami sa data struc, at 45 minutes akong late.medyo alam ko yung topic pero kinapos ako sa oras sayang, kasi nung 1st exam ko dun bagsak ako.

nag rally ang United Mapuans sa Makati. hindi ko alam kung ano nangyari sa kanila dun. naguguluhan na kaming mga students kung ano ang next action namin, pag malayan na talaga. yung iba lilipat at yung iba tatapusin nalng nila sa Mapua ang nasimulang kurso.

kanina nakita ko na may LOA form yung president at EVP ng Org namin, kaya naisipan kong pumunta sa customer service. Kumuha na din ako ng LOA form para sigurado(hindi pa nagkakaubusan ng LOA form), pag majority ng students mag LOA, makikisa ako dito. sakto pa naman summer na, makakatikim na rin kami ng mahaba habang bakasyon kung sakali.

nakakalungkot talaga ang mga nangyayari.ginulo nila yuchengco at vea ang mga plano at pangarap ng mga students.masyado silang makasarili. sana matuluyan na silang mabingi dahil hindi naman nila pinakikinggan ang mga students.

sa limang subject ko ngayon, isa lang ang siguradong maipapasa ko, Advance math. yung humanities and economics ko, hindi ako sure. madalas hindi ko na kasi napapasukan dahil sa boycott. sa modern physics naman, siguradong bagsak na ako dun, dahil tatlong exams ang na miss ko. pero papasukan ko parin yun kahit alam ko ng bagsak na ako. sa data struc?? 50/50.

may pagasa pa ba ang mga mapuans sa laban nila??ang sagot ko, isang malaking OO, hanggang may lumalaban may pagasa.


++++++++++++++++++++++
masyado na atang nagiging serious ako sa mga post ko....pero ayos lang yan..minsan kailangan mag seryoso.

Thursday, March 03, 2005

update : march 2 rally

kanina rally uli, sabi ng mga kaibigan ko, ayun daw yung pinakamaayos na rally compare nung mga nakaraan, sang ayon naman ako dito.

- may sound system na.
- mainit pero hindi ganun kainit tulad dati.
- ginawa nilang stage ang walls kaya kita ng lahat ang speaker.
- maraming pumuntang alumni.
- may pumuntang parents.
- simula ng nagumpisa hanggang natapos ang rally, ganun pa rin ang bilang ng students.
- higit sa lahat may mga naki-cooperate na mga faculty.

halos kumpleto daw ang CE faculty, may mga prof from EE-ECE-COE , AR-ID at iba pa. syempre kung may mga pasaway na mga students meron ding mga pasaway na prof. walang pumuntang prof from ME and IE department, kasalukuyan silang nag bibigay ng mga exams habang may rally sa labas ng mapua.


around 12 pm, sa may walls





===========


parade around intramuros







Wednesday, March 02, 2005

ano kaya??

ano kaya ang mangyayari mamaya, sabi nila ilalabas na daw ang rally.

mag rarally from mapua to rotonda. sabi nila...

may mga sasama din daw na parents at alumni. kasama na din daw ang mga taga mapua makati. full force na ito...kung makiki cooperate lahat.

totoo kaya ito?? malalaman natin mamaya. update nlang ako pag uwi ko.

papasok ba ako sa mga class ko??absent na ko last meeting sa data struc, last meeting din nag exam daw sa modern physics at economics pati na rin sa humanities. sana lang pede pa akong mag special exam. basta bahala na mamaya.

di parin ako makatulog. takte, 3:30 na ng umaga. waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!

TV coverage

photos from the yahoo group of united mapuans

ABS-CBN news coverage feb 28


sayang at wala ako nung mga oras na naganap ito. kasi nga diba sabi boycott!!kaya hindi ako pumasok. hindi ko din napanood ito sa tv dahil sumama nalng ako sa mama and kapatid ko sa SM bacoor.


si gudo, isa sa core leader ng United mapuans. isa rin siyang scholar, binigyan na daw siya ng expulsion letter,meron na din siyang mga kaso...pero tuloy parin ang kanyang pag laban. idol namin yan.







ABC 5 coverage








eto si Rey, the "president"







IBC 13



SPY

photos from united mapuans yahoo group

eto daw ang spy, si manong guard daw.

eh naaalala ko tong guard na ito. kinunan kami ng pic nito nung nakaupo kami sa may entrance. naka post pa nga kami at nakangiti. kinunan din nya ng pic ang likod ng tshirt ng kasama namin.








nakiinom pa ng bottled water, para sa mga students and alumni lang yan. tsk tsk tsk.... si Rey talaga oh!!!