Wednesday, March 16, 2005

palusot

hinatid namin ang aking ama sa airport kaya hindi ako nakapag finals sa humanities, ayan ang dapat na palusot ko pag dating ko sa school...

ni alarm ko ang phone ko ng 6AM para hindi ako ma late sa 10AM na exam ko para sa humanities. nagising ako, hindi dahil sa alarm ng phone ko kundi sa sobrang init, nakapatay ang electric fan..nakiramdam ako sa aking pagkakahiga..at biglang bangon sabay tingin sa orasan. waaaaahhhhhhhhhhh 12:00 naaaaaaaaa.??????? parang hindi ako makapaniwala sa nakitang kong oras. gustuhin ko mang mag teleport, hindi parin ako makakaabot dahil 10-11 lang yung exam. natulala ako ng ilang minuto para pag planuhan ang aking gagawin.

at dumating si nanay pagkatapos kong maligo. at syempre naasar ako dahil walang gumising sa akin. hindi man lang ako ginising bago umalis. nagpasulat nalang ako ng letter na kunwari hinatid namin sa airport si tatay. dinala ko na din ang sss id nya para proof na ang nanay ko nga talaga ang nagsulat.

at pagsakay ko ng jeep, lintik...nakalimutan ko yung letter. hindi ko na binalikan dahil sayang ang oras. nag exam muna ako sa data struc bago pumunta sa faculty ng DLHS. pagdating ko sa faculty, hinanap k na si ma'am bergado...at sinabi ko na:

ako: ma'am di ako nakapag exam, hinatid namin ang tatay ko sa airport
maam: i already warn all of you, dont be late on your exams.............
ako: sige na maam...
maam: wala na kong magagawa, kinukuha nila ang mga test papers at answer key after the exams. hindi namin hawak yun.

naghintay ako ng konti sa labas ng faculty, baka sakali maawa..

may lumabas na prof, si mrs. trajano na naging prof ko sa sociology. tinanong nya ako kung pumayag, at sinabi ko hindi.

at may lumabas nanamang prof, hindi ko siya kilala... sinabi nya sa akin na, gustuhin man nila akong bigyan ng exams di pede dahil wala na sa kanila ang test papers at answer key..lahat daw kasi yun automated. at sinabi nya na 10% lang naman daw ang departmental exam.

10% nga lang pero importante pa rin yun...hindi na muli lumabas si mam bergado, kaya nawalan na rin ako ng pagasa. tanggap ko na rin kung ano man ang mangyayari sa subject na yun.

walang ibang dapat sisihin dito kundi ang alarm clock...dahil hindi talaga ako na aalarm har har har!!!