Tuesday, March 22, 2005

Alamat ng Gubat

Nakabili na ako ng libro ni bob ong na “Alamat ng Gubat” buti naman binigyan ako ng nanay ko ng 100 pesos ng sinabi kong may bibilhin akong libro. Na curious siguro ang nanay ko ng sinabi kong “libro” ang bibilhin ko., kaya binigyan na ako nito.

Eto ang nakalagay sa ikod ng libro:

Image hosted by Photobucket.com

WELCOME TO THE JUNGLE!

Samahan si tong at ang kanyang mga

Kaibigan sa napakasayang alamat ng

Kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa

Kuwentong garantisadong hindi kapupulutan

Ng aral. At salubungin ang napakagandang

Bukas na naghihintay sa ating lahat!

Alamat mo

Alamat ko

Alamat ng Gubat

ANG LIBRONG PAMBATA

PARA SA MATATANDA!

Maikli lang ang kwento matatapos mo ito ng dalawang oras, Si tong ang main character, isa siyang T _ _ _ NG_ A. (hulaan mo)………di ko na ikkwento bumili ka nalang di naman masasayang ang 100 pesos mo.

Sinabi ng author na “garantisadong hindi kapupulutan ng aral” pero hindi totoo yun hehe…may matututunan ka naman kahit papaano. Kailangan mo lang mag isip kung saan mo ito mairerelate sa ating lipunan, sa kapligiran at pati na rin sa personal na buhay.

Mairerelate ko yung kwento kay, Yuchengco at Vea. Si Yuchengco ang Leon si Vea naman ang Buwaya….