Mistaken Identity
pagpasok sa bus,syempre nag hanap na ako ng mauupuan..may tila tumitingin sa akin at ng napatingin din ako sa kanya. para bang kilala nya ako.
tinawag nya ako.
unknown: classmeyt(habang naka smile)
ako: ???????????(habang naghahanp ng mauupuan,hindi ko siya mamukhaan)
at pag ka upo ko. napaisip ako, sino kaya yun???hindi ko siya kilala.
nakahinto pa ang bus sa may metropolitan theater, naghihintay pa ng pasahero.
bigla nalang tumabi si unknown sa akin. at kinausap.
unknown: classmeyt!!!!(para bang kilala nya talaga ako)
ako: huh???classmate saan?
unknown: diba taga chiang kai shek ka?
ako: hindi (ki-kidnapin ata ako nito)
unknown: may kapatid ka ba dun?
ako: wala
unknown: chinese ka ba?
ako: HINDI
unknown: kamukha mo kasi yung classmeyt ko.
ako: .......... ............... .........?
unknown: ah pasensya na ah.....sorry...na wow mali ako...pasensya uli.
ako: tinanguan ko nalng.
unknown: bumalik na siya sa kanyang kinauupuan
after 3 mins, lumipat siya ng upuan, sa likuran ng bus, nag suot ng cap at ng shades, oo take note SHADES...sa loob ng bus at around 10PM.
sa totoo lang medyo kinabahan ako dun, bigla nalang kasing tumabi sa akin, unang una kasi, hindi siya mukhang chinese, pangalawa parang antanda na nya . medyo napahiya din siya kasi nag tinginan yung mga tao sa kanya nung tinawag nya akong classmeyt, para bang excited siyang nakita ako...para ngang gusto ko ng bumaba ng bus nun, iba kasi ang itsura nya parang hindi sya student sa ganung school hehe.
kung kikidnapin/hoholdapin nya naman ako, ako na ang maaawa sa kanya. kasi wala siyang makukuha sa akin, sakto na nga lang pamasahe ko nun eh.
dahil ba singkit ang aking mga mata???lagi nalang akong napagkakamalang mayaman hehe, eh hindi naman, utang nga lang yung tuition ko sa mapua. sana nga mayaman nalang ako eh. mas ok nga yung mayaman pero hindi mukhang mayaman. mas safe yung mga ganun.
"dont judge the book by its cover"