laban ng mapuans
Maraming nangyari ngayong araw, hindi ko na inisip ang mga class ko ngayong araw kahit 2 sa mga ito ay may exams ako. Nakiisa nalang ako sa mga kapwa ko mapuans sa pagpapabalik ng Mapua Institute of Technology bilang pangalan ng aming paaralan. Ayoko maging Malayan kaya ako nandun at nakiiisa. Nakakatuwa nga nag-unite ang mga mpuans sa iisang layunin, ang mabalik ang MIT. Ngayon ko lang naramdaman ang tinatawag na school spirit.
Nung unang beses kinanta ang alma mater hym kaninang umaga, kinilabutan ako kasi lahat talaga kinanta ito. Na realize ko lang kung gaano pala kahalaga ang alma mater hym. Binabaliwala lang nga natin ito pag tinutugtog tuwing Monday at Friday. Pero iba ngayon, ito pala ang somehow makakapag unite sa mapuans.
Bandang hapon,naging emotional ang lahat ng binasa ng isang student leader ang letter na nagmula kay Dr. Vea, tahimik ang lahat habang nakikinig, nakasaad dito na hindi parin nila babaguhin ang Malayan Colleges o
dahil hindi namin masyadong marinig humanap kami ng pwesto, nakisingit , at napunta sa may stage, sa stage mismo, kaharap namin ang fellow mapuans. Nagdasal kaming lahat, habang nagdadasal. Mapababae o mapalalake may mga nakita akong naluluha, yung iba nga umiiyak na. makikita talaga sa mga mukha nila ang determination at pagasa na maibabalik parin ang MIT. Ayun na ang masasabi kong pinaka touching sa lhat ng mga nangyari ngayong araw.
Kaya ngayong February 15 and 16 hindi kami lahat papasok, ng matauhan ang Mapua admin. At sa Thursday, pupunta kami uli ng Mapua. Naka black shirt uli alas nueve ng umaga. Mag p-protesta sa aming pinaglalaban na Mapua.
<< Home