Tuesday, February 08, 2005

OHP

Tagal kong di nag post, bakit?simple lang tinatamad ako.

Nakakapagod tong araw na ito.

Balak ko na sanang umabsent sa data struc kanina kasi, kailangan kong gumawa, este mangopya ng take home exam sa modphy. Pumasok pa rin ako kasi mag eexam next meeting, at pangako ko sa aking sarili na kailangan kong maipasa yung 2nd part ng 1st exam.

Medyo matagal kaming naghihintay ng sagot kanina malapit sa room namin kasama ang limang clasmeyt ko na hindi ko naman alam ang mga pangalan, habang kinukopya nila yung tatlong problems na meron ako. Buti nalang nag reply yung clasmeyt ko , nasa library daw sila, ang saya nakumpleto ko ang take home exam.

Habang nagkokopyahan kami, naglabasan na ang mga saloobin ng aking mga clasmeyt tungkol sa aming prof. lahat talaga kami inaantok sa kanyang pagtuturo. Sabi nga ng clasmeyt ko madami na daw siyang naubos na candy sa class ni sir. Buti pa siya may candy, may mapaglalaruan ang kanyang bibig, habang kunwaring nakikinig sa lecture ni sir. Kanya kanyang diskarte para hindi tuluyang makatulog sa class room.

Ako??sa tabi ng pinto ako umuupo para madaling mag exit,para mag cr at mag hilamos para mawala ang antok. Buti na nga lang kanina at ayaw gumana ng OHP, pangalawang beses ng nangyari yun. Kaya napilitang magsulat sa board si sir. Buti nga….sumuko na ang OHP.