naniniwala ka ba?
Youth jam kanina, at natutuwa naman ako dahil sumama uli si Debbie sa amin ni mj, nagkusa na syang sumama sa amin which is good.
Kilalanin muna natin sina mj at Debbie.
Si MJ, dalawang beses ko na siya naging classmeyt, sa integral at Filipino 1. babae nga pala si Mj. Isa siyang catholic, nung integral pa namin, nagpasama ako sa kanya sa YOF, sabi ko magpapa member ako dun. Sinamahan naman nya ako at pagdating namin sa tambayan, nagulat ako at nagpamember din sya. Ewan ko ba kung ano pumasok sa isip nun at nag pa member din sya, e nagpasama lang naman ako hehe. At ngayon sa totoo lang mas active pa siya sa YOF kasya sa akin….baliktad nga.
Si Debbie, di ko pa siya naging clasmeyt. Nakilala ko lang siya dahil kay MJ..close sila eh. Catholic din tong si Debbie. Si mj ang nag invite sa kanya sa youth jam pang 3rd time na nyang sumama sa amin.
ang preacher ngayon ay si Joseph, anak ng pastor and a fresh grad from Ateneo.
He talked about, VISION
there are 3 F’s (essential parts)
- Family – sabi nya we should support each others vision, ano ba yung vision nay un? Vision in other word pangarap natin sa ating buhay. By the help of our family and friends, wag daw tayong mag discourage ng tao, hindi namn kasi tayo ni d-discourage ni god, kung gusto mong maging isang Engineer, I believer na magiging engineer ka, suportado kita dyan. Hindi yung “ikaw magiging engineer? E diba bobo ka sa math? Mag shift ka nalng.” Obvious namn kung ano mas magandang pakinggan diba?
- Faith – syempre we also should have faith in god that he will help us sa gusto nating mangyari. Kailangan daw strong yung faith natin, kasi god bless people who have a strong faith in him, and nothing is impossible with god….
- Future – sabi niya, we have to dream BIG again kasi nga walang imposible sa diyos. God thinks about your future, hindi siya tumitingin sa past o kung ano mang background meron ka.
after nun, kumain na kami s MCdo.
Mark: Debbie, naniniwala ka ba sa pinagsasabi nung speaker kanina??
Debbie: Sa akin nalang yun….
Mapua nga pala ang featured campus ngayon sa youth jam, every week kasi iba ibang school ang pinag dadasal.
Hindi ako nagpapaka banal or something nagkakasala din ako hehe, I just want to share kung ano yung natutunan ko sa pag attend ngayon.
<< Home