YOF at Intel
Wala kaming pasok kahapon sa sa advance math, bakit?wala lang gusto lang ng prof namin…tamad pumasok, ang ok dun, sinasabi nya kung aabsent sya. Kasi kung hindi magagalit ako kasi ba naman yung lang ang subject ko 730 to 9 ng gabi pa yun.
Sa wakas nakatulog nadin ako ng 10 hrs, actually kulang pa nga yun, 12 hours kasi ang kumpleto kong tulog. Di na kasi ako natutulog nung mga nakaraang araw, sa skul na ako natutulog, sa clinic. Buti naman at ma reregular na ang pag tulog ko.
Naiinis ako sa humanities class ko, isa pang sobrang boring, nakakaantok, lahat kami pabulong na umaangal sa aming kinauupuan dahil nakaka walang intes ang pinagsasasabi ni ma’am Bergado.
Sabi ng pinsan ko kagabi opening daw sa Intel, full time and part time, technician daw…parang gusto ko mag apply. Related din naman sa course ko tsaka, syempre dag dag sa allowance yung kikitain ko dun. Pipiliin ko kung matutuloy TTHS 730 naman ng gabo yung class ko mag wwork ako ng umaga hanggang hapon.
Wala pa akong assignment sa modern physics, di ko alam kung pano sagutan,may exam din kami bukas para sa subject nay un….hay bahala na bukas kung kanino man ako mangopya, tamad talaga oh!!!
<< Home