Malayan University
Pagpasok ko sa Mapua, may mga nakalatag na papel sa table sa may entrance. Hindi ko ito pinasin dahil malalate na ako sa exam ko.
Nakasaad pala sa mga papel nayun ay ang pagiging unibersidad ng Mapua. Ok naman sa akin na magiging university na ang Mapua. Ang hindi ko matanggap ay papalitan nila ang pangalang “Mapua” at itoy gagawing “Malayan” Magiging Malayan University na ang Mapua.
Sa aking opinion, hindi ako sang ayon sa gagawin nilang ito. Halos lahat narin siguro ng Mapuan ayaw sa pangalang Malayan University.
Mga dahilan:
1. ang Malayan ay isang insurance company na pagmamayari ni Yuchengo. Gawin bang business??? Ayaw namin maging kapangalan ng insurance company ang aming eskwelahan.
2. ang mga nag-aaral sa Malayan University ay tatawaging “Malayan” ano pipiliin mo? Mapuan o Malayan? Mapuan syempre.
3. ang mga organization na may kasamang Mapua sa pangalan nito, tulad ng sa amin, ang Mathematical Society of Mapua ay magiging Mathematical Society of Malayan?yoko nga.
4. babaguhin ang ID? Siguro?
5. mahal na namin ang Mapua, proud kami maging mapuan.
6. established na yung pangalang Mapua.
7. at marami pang iba.
Eto yung mga napagusapan kanina sa tambayan pagkatapos naming basahin yung papel. Mga posibleng mangyari…pero ayaw namin mangyari.
Mas ok pa sa akin kung magiging Mapua University.
Para sa administration ng Mapua o kaya kay yuchengo, Dr. Vea: wala naba kayong ibang maisip na pangalan, yung magugustuhan naman ng mga estudyante. Hindi yung pabor lamang sa inyo.
sana mabasa ito ni dr. vea, kung alam ko lang email nun, I s-send ko sa kanya ito hehe.
Kaya kung ayaw mong maging Malayan university ang Mapua. Magsuot ng black shirt sa February 14, 2005. nabasa ko lang sa friendster…magtulungan tayo kapwa mapuan at faculty. Kaya natin to.
<< Home