Thursday, February 10, 2005

napasarap

Sayang ang inaral kong pseudocode para sa searching, ni memorize ko pa naman yun. Di ko nagamit dahil sa hashing palang naubos na ang oras ko. Sayang talaga…nakakaasar.

Lintik na modern physics nayan, wala ng pinagbago. Naka anim na candy ako kanina. Kulang pa nga yung anim. Nakakantok talaga. Ang haba haba haba haba magexplain ni sir. Ayoko na nakakawalang interes. Puro OHP pa ang ginagamit sa lecture kaya mas nakakaantok. Hay gusto ko na mag evaluation para mailagay ko na ang mga dapat sabihin kay sir.

at dahil antok na antok ako. Diretso ako sa clinic para matulog, nagiging suki na ako dun, at buti nman may vacant na bed. Nakatulog ako ng 1:30, nagising ako ng 3:30. napasarap ako ng tulog, may class pa naman ako ng 3:00 kaya biglang bangon ako. Buti nalang film showing lang ngayon sa room. Ok naman yung movie, related sa economics.

Sa humanities naman, may biglaang exam, identification at matching type. Lintik puro hula lang yung sagot ko, hindi kami makapag kopyahan kasi binabantayan talaga kami. Ang hirap ng exam puro names ng mga taong hindi ko naman maintindihan kung bakit natin sila pinagaaralan, ano ba maitutulong ng mga pangalang yun sa pagiging engineer natin? Hay…sayang lang yung 3000+ na binabayad natin.