Monday, February 21, 2005

Makiisa

Boycott pala dapat ngayong araw, pero hindi natuloy dahil madami ang pumasok.

Around 6 pm ng gabi nagkaroon ng assembly sa pavilion. Nagbigay si gudo ng announcement na walang papasok bukas hanggang sa wednesday. babalik tayo sa Mapua ng 4:30 para malaman kung maibabalik pa ang pangalan ng ating school.

Opisyal na din nyang sinabi na hiwalay na ang CSC at ang United Mapuans, paniwalaan daw natin ang UM, dahil hindi sila under ng iba pang organization or admin.

Nagawa ng Mapua makati na mag boycott kanina, totally walang pumasok. Bakit daw sa Mapua intra, hindi natin nagawa? Kailangan nating maging solid, ayon kay gudo.

Uulitin po natin, boycott ang class bukas hanggang Wednesday. Babalik tayo sa Mapua ng Wednesday, February 23, 2005 4:30 PM

Ang official site ng UM ay www.notomalayan.tk for further announcements o kung nagugulahan kayo. Ayan lang ang site ng United Mapuans at wala ng Iba.

Makiisa tayong lahat.

Responsibilidad na nating ikalat ang impormasyong ito sa kapwa natin mapuan.