Monday, January 31, 2005

pekto

Contributed by lagsh (Edited by mimi)
Tuesday, January 25, 2005 @ 12:01:16 AM
Print | Send

”...Ikaw ang ideal na lalaki ni June.”

One on one na session. Ako at si Benji. Usapang lalaki sa lalaki. Pero bakit parang ako lang ang lalaki?

Kaibigan ko si Benji, simula pa no’ng pumasok ako sa UP. Naging seatmate ko siya sa Humanidades 1, kung saan nagkasundo kami dahil sa hilig namin sa parehong uri ng musika—Pinoy rock.

May banda siya at naghahanap sila ng bagong bokalista. Nagpakamatay kasi ang nauna. Isang araw daw kasi, natagpuan niya ang nobya niyang nakikipag-threesome sa apartment nito. Hindi niya yata kinaya ang nakita niya, kaya naglaslas. Bali iyon, pinipilit ako ni Benji kasi astig daw ang boses ko pero tumanggi ako kasi medyo tinatamad ako. Hindi ko rin naman interes ang kumita ng pera sa gigs kasi mapera naman ako. Atsaka ang academics ko, siyempre, maaapektuhan. Sa huli, sumuko rin siya sa kakapilit.

Naglaon, nakahanap din si Benji ng bokalista para sa Alpha State (banda nila). Babae. Kamukha ni Anne Curtis, pero hindi pa-girl. Sa isang salita, astigin. May pagka-tomboy pero makakasiguro kang babae ang puso niya. Ang pangalan niya ay June, hindi dahil iniluwal siya sa buwan ng Hunyo, kundi dahil—ayon sa kanya—nagtalik ang mga magulang niya ng Hunyo, kaya isinilang siya ng Marso.

Teka, paano ko nga ba nalaman? Ganito kasi iyon.

Sa FEU talaga nag-aaral si June. Gusto niyang lumipat sa UP kasi marami raw rakista. Bukod pa do’n, gusto ng Daddy niya sa UP siya makatapos ng kolehiyo. Kahit anong kurso, huwag lang daw Fine Arts.

Dahil bokalista siya ng Alpha State at kaibigan na rin niya si Benji na Iskolar, si Benji ang hiningan niya ng tulong para maglakad ng papeles at makalipat. Kaagad namang umoo itong si Benji, pero hindi dahil kaibigan niya ito. Mas malalim pa do’n.

Oo, malakas ang tama ni June kay Benji. Patay na patay si Benji sa bokalista ng banda nila at balak niya itong ligawan balang araw, kaya kahit anong hingin nitong si June, oo lang ang sagot. Sa katunayan parang nililigawan na rin niya eh. Ang diperensiya, subtle lang kung makapagparamdam si Benji.

Sa akin madalas sinasabi ni Benji ang nararamdaman niya para kay June. Paulit-ulit na nga minsan, pero pinapalampas ko na lang. Ayokong sirain ang pagpapantasya niya. Huwag muna.

”Pare, ang ganda niya talaga. Atsaka ang lakas ng dating. Sweet din at walang kaarte-arte sa katawan. Kaya naman tuwing nagre-rehearsal kami, todo bigay ako sa drums kasi inspired ako.”

Gaano man ka-excited ang kaibigan ko, sa araw ng pagpunta ni June sa UP, kinailangang umuwi ni Benji sa Bulacan kasi may emergency daw sa bahay. Kapag minamalas nga naman...

Dahil doon, nakiusap si Benji sa akin sa text; samahan ko raw si June sa UP kasi hindi alam ni June kung saan ang OUR, ang Infirmary, ang CAL, at iba pang mga gusali. Kahit puyat ako’t makikipagpatayan para lang makatulog ng maayos sa araw na iyon, pumayag na rin ako. Kawawa naman si June.

Nasabi na ni Benji kay June na ako ang tutulong sa kanya sa UP, kaya ako na ang inaasahan ni June na darating.

Sa Main Libe ang meeting place namin; iyon lang kasi ang alam niyang gusali, kasi kinailangan niyang magsaliksik do’n dati para sa isang report niya sa FEU. Gamit ang kotse ko, pumunta ako doon at hayun siya sa Steps, nakikinig sa discman niya habang hinihintay ako. Pinuntahan ko siya sa kinauupuan niya.

”Ano, tara na?” bati ko sa kanya.

Yinaya ko siya sa kotse. Sa una, nahiya siya kasi gas ko raw ang gagamitin, pero ipinaliwanag ko na gas lang iyon; pabiro kong hinirit na marami akong kuwarta.

Medyo nahihiya pa siya sa akin. After all, iyon ang unang pagkakataong makakasama niya ako ng buong araw. Pinilit ko na lang mag-joke around para lumuwag ang loob niya sa akin. Ikinuwento ko ang katawa-tawa kong karanasan sa banyo sa ikatlong palapag ng AS at tagumpay naman akopuno ang kotse ng halakhak ni June. Ikinuwento rin niya sa akin kung paano siya nahalikan ng isang kaibigang babae sa labi sa isang pagtitiponhabang natutulog siya sa sofa ay hinalikan siya ng isang lasing na dilag sa labi. Nabanggit din niya ang istorya kung pano naging June ang pangalan niya.

Habang nilalakad ang kanyang mga papeles, para kaming mga bata kung magkulitan. Ang sakit manuntok ni June. Kahit pa suntok lang iyon na pangkaibigan, masakit pa rin. Pero oks lang—astig; ito marahil ang dahilan kung bakit kulang na lang ay ipagsigawan ni Benji sa buong UP ang pagtingin niya kay June.

Natapos ang mga kailangan naming gawin sa UP. Nag-alok akong ihatid na siya sa kanila, pero kain muna raw kami. Libre niya. Pinagbigyan ko, pero noong magbabayad na sana siya sa weyter, inabutan ko ng P500 ang weyter at sinabihan ng keep the change.

”Ano ka ba?! Ako ang magbabayad, hindi ba?” protesta niya, habang hawak-hawak pa rin ang perang ipambabayad sana..

”Ah, ikaw ba? Sori, nabayad ko na eh,” sagot ko sa kanya habang nakangiting parang batang nang-aasar.

Bigla niyang kinurot-kurot ang pisngi ko gamit ang kanan niyang kamay. Pagigil niyang sinabi,

“Ikaw talaga, ang kuliiiit-kulit mo. Para kang bata. Kulit!”

Cute na bata?”

”Haha. Sige na, cute na. Pero, uy, thank you talaga, ha. Tara na nga. Baka pagalitan nako sa amin.”

Alas onse na nang gabi nang mahatid ko siya sa kanila. Binigay ko na rin ang cell number ko sa kanya, para kung sakaling may pesteng emergency na naman kina Benji at kailangan niya ng tulong, puwede niya akong kontakin.

Kinabukasan, nagkita kami ni Benji. Magdiya-jogging kasi kami sa UP ng alas singko ng hapon. Wala lang. Ehersisyo. Nagsimula kami sa may Quezon Hall. Habang tumatakbo ay ikinukuwento sa akin ni Benji kung ano ang nangyari sa kanya sa Bulacan, habang ako, maigi lang na nakikinig.

Noong nasa bandang CBA na kami, hayun na naman si Benji sa mga pagpapantasya niya kay June. Pinakita pa niya sa akin ang cellphone niya kung saan ang inbox ay puno ng June, June, June. Kahit mga simpleng “sige” at “okie,” naka-store pa rin. Bawat mensahe raw kasi ay pinapahalagan niya ng todo at paulit-ulit niya itong binabasa kapag naiinip sa lektyur ng guro.

”Pare, nagpaplano na akong umamin kay June. Gusto ko alam na niya. Gusto ko na siyang ligawan, para deretsahan kong masabi ang mga nararamdaman ko sa kanya,” biglang sabi niya sa akin. “Suportahan mo naman ako. Gawin mong pogi ang imahe ko sa kanya. Ano?”

Nanahimik ako sandali. “Paano kung ayoko?”

”Pare naman, ngayon ka pa mang-aasar. Sige na.”

Nagpalipas muna ako ng ilang segundo bago ko kinlaro na hindi ako namumula. “Seryoso ako,” sabi ko, “Balak ko ring ligawan si June.” Ang boses ko, walang tinig ng pangamba sa anumang maaaring maging resulta ng mga binitiwan kong salita. Wala na akong pakialam eh—nahulog na rin ako kay June.

Sa mga sinambit ko, binilisan ni Benji ang pagtakbo niya at humarang sa daanan ko. Sinakmal niya ang mga braso ko ng mahigpit at tiningnan ako ng deretso sa mata. Natigil ang pagtakbo namin.

”Teka, teka, teka. Magkalinawan nga tayo, pare. Usapang lalaki lang, ha. Ano nga ulit ang sabi mo?”

”Sigurado kang gusto mo ulit marinig?” tugon ko. “Benji, ang sabi ko, liligawan ko si June. May gusto ako kay June at gusto ko siyang maging girlfriend. Kaya liligawan ko. Narinig mo? Simple, hindi ba?”

Palalim nang palalim ang paghinga ng pare ko. Parang bomba na anumang oras ay sasabog. Para siyang nagta-transform into a werewolf. Unti-unting lumukot ang kanyang mukha. Hindi pa rin naaalis ang pagtitig sa mga mata ng bawat isa, kaya laking gulat ko nang nakita kong nagsituluan ang luha ni Benji. Hindi ko alam kung sa sobrang galit o lungkot, pero umiyak siya.

Bigla niya akong tinulak ng malakas at napaupo ako sa kalsada. Kalmado naman ako. Cool lang. Alam ko ang nararamdaman niya.

”Putang-ina mo, pare! Bakit ka ganyan? Ha? Bakit? Ano’ng problema mo? Ha?” sigaw niya sa akin. Buti na lang at walang tao sa paligid kundi aakalain nila nagsiyu-shooting kami ng teleserye. Baka isipin pa nila bagong miyembro kami sa Joyride.

Kumuha ako ng yosi at sinindi ito habang nakatitig sa kawalan. Nakikinig lamang ako sa mga sermon niya sa’kin habang pinapanood ang usok na binubuga ko. Paulit-ulit ang mga sinasabi niya. Sisimulan niya ng isang malutong na “putang-ina” o kaya “tarantado ka pala eh,” tapos susundan ng mga basurang tanong: kung bakit daw ako ganito, kung bakit si June pa, kung anong nakain ko, etcetera. Cool pa rin ako. Kapag nanakit ito, kako, doon ako kikilos. Huwag na nating isama iyong pagtulak niya sa akin kanina. Bonus na iyon, sige.

Hindi ko mapigilang magsalita. “Tsong, ba’t ka umiiyak?” tanong ko.

Habang parang naghihingalo, “Ikaw kasi, eh. Ba’t si June pa? Ha? Ba’t si June?” sagot niya.

Sinabi ko naman ang totoo, pero sarkastiko ang huli kong tanong sa tugon ko. “Ganda eh. Lakas ng dating. Sweet. Tama ka sa mga paglalarawan mo. Teka, bawal ba siyang ligawan?”

”Pare, alam mo naman kasing matagal na akong may gusto sa kanya, hindi ba? Bakit—“

”Eksakto. Tsong, hindi ibig sabihing may gusto ka sa kanya, sayo na siya. Teka, ano ba talagang iniiyak-iyak mo diyan? Para kang hindi lalaki.” Medyo basa na ako sa pawis kaya hinubad ko ang pantaas ko. Nakita ko ang tattoo kong Pentagram sa kaliwang balikat. No’n ko lang napansin na ang ganda pala niyang tingnan kapag mamawis-mawis ang katawan ko.

Nanahimik muna si Benji. Ang tagal niyang hindi nagsalita. Parang iniipon muna niya ang mga salitang gusto niyang sabihin sa’kin. Nakakatatlong yosi na’ko.

Sa wakas, nagsalita rin. Hindi na siya sumigaw; malumanay na medyo basag. Palibhasa umiiyak. “Pare,” simula niya, “talong-talo ako sayo. Alam kong alam mo iyon.”

Alam ko nga ba? Basta ako, ang iniisip ko lang ay si June. Wala akong balak makipag-kompetensiya. Kung magiging magkaribal kami, edi go. May the handsomer man win.

Ipinagpatuloy niya ang satsat, “Guwapo ka. Suma-sideline bilang model. Mayaman. May wheels. Nag-aaral. Mahusay kumanta. Involved sa sports. Magaling sa soccer. Ayos ang personalidad mo. Kahit anong klaseng tao kaya mong pakibagayan. Ikaw ang ideal na lalaki ni June. Ikaw. Wala akong laban. Ibalato mo na siya sa akin, please.” Lumuhod pa siya sa harapan ko.

Para akong nagbasa ng Friendster Testimonial sa mga sinabi niya tungkol sa’kin. Tama pala ang laman ng dalumat ko. Umiiyak ang pare ko dahil takot sa akin. Takot na takot. Hay. Walang kalaban-laban. Alam niyang wala siyang kapag-a-pag-asa sa puso ni June kung sasali ako sa karera. Isa akong threat sa kanyang nais niyang mangyari sa buhay niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinuot muli ang shirt kong may Che Guevara. Lumapit ako kay Benji, itinayo siya mula sa pagkakaluhod, at yinakap siya. Tinapik ko ang likod niya, sabay sabing “Sige, tol, kaya mo iyan. Guwapo ka rin naman; mas maputi nga lang ako. Ganyan talaga ang buhay-pag-ibig. Hindi maiiwasang may twist. Tip lang, gusto ni June ang mga makukulit at mahilig siya sa shawarma. Maanghang dapat.”

Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad paalis. Naiwan siya doong walang imik at nakatitig sa kalsada na parang hindot. Sa hindi kalayuan, pinaalala ko, “Uy, pare, huwag magpapakamatay, ha? Masama iyon. Huwag mong tularan si Mallow (unang bokalista ng Alpha State).”

Ang sarap talaga ng kinakatakutan bilang karibal sa pag-ibig. Anong magagawa ko? Ideal akong boyfriend. Kaya siguro Pekto ang tawag sa akin noong hayskul kasi per-“pekto” ako, hahaha.

Huy, hindi iyon ang tawag sa'kin dito ah.



###############
"The author is dead." This is to be read without associating the character or his environment with the author. It's pure fiction.
Lagsh disappeared from circulation for a long time because he was undergoing the application process of his beloved org in UP, the UP-CMC Broadcasting Association.

Sunday, January 30, 2005

BEWARE

this will shock you!!!!eto na ang makakapagbago ng buhay mo.
after mo to puntahan tong site , panigurado ako gagawin mo ito. so BEWARE.
wahehehe.


just click the title of this post.

Saturday, January 29, 2005

naniniwala ka ba?

Youth jam kanina, at natutuwa naman ako dahil sumama uli si Debbie sa amin ni mj, nagkusa na syang sumama sa amin which is good.

Kilalanin muna natin sina mj at Debbie.

Si MJ, dalawang beses ko na siya naging classmeyt, sa integral at Filipino 1. babae nga pala si Mj. Isa siyang catholic, nung integral pa namin, nagpasama ako sa kanya sa YOF, sabi ko magpapa member ako dun. Sinamahan naman nya ako at pagdating namin sa tambayan, nagulat ako at nagpamember din sya. Ewan ko ba kung ano pumasok sa isip nun at nag pa member din sya, e nagpasama lang naman ako hehe. At ngayon sa totoo lang mas active pa siya sa YOF kasya sa akin….baliktad nga.

Si Debbie, di ko pa siya naging clasmeyt. Nakilala ko lang siya dahil kay MJ..close sila eh. Catholic din tong si Debbie. Si mj ang nag invite sa kanya sa youth jam pang 3rd time na nyang sumama sa amin.

ang preacher ngayon ay si Joseph, anak ng pastor and a fresh grad from Ateneo.

He talked about, VISION

there are 3 F’s (essential parts)

  1. Family – sabi nya we should support each others vision, ano ba yung vision nay un? Vision in other word pangarap natin sa ating buhay. By the help of our family and friends, wag daw tayong mag discourage ng tao, hindi namn kasi tayo ni d-discourage ni god, kung gusto mong maging isang Engineer, I believer na magiging engineer ka, suportado kita dyan. Hindi yung “ikaw magiging engineer? E diba bobo ka sa math? Mag shift ka nalng.” Obvious namn kung ano mas magandang pakinggan diba?

  1. Faith – syempre we also should have faith in god that he will help us sa gusto nating mangyari. Kailangan daw strong yung faith natin, kasi god bless people who have a strong faith in him, and nothing is impossible with god….

  1. Future – sabi niya, we have to dream BIG again kasi nga walang imposible sa diyos. God thinks about your future, hindi siya tumitingin sa past o kung ano mang background meron ka.

after nun, kumain na kami s MCdo.

Mark: Debbie, naniniwala ka ba sa pinagsasabi nung speaker kanina??

Debbie: Sa akin nalang yun….

Mapua nga pala ang featured campus ngayon sa youth jam, every week kasi iba ibang school ang pinag dadasal.

Hindi ako nagpapaka banal or something nagkakasala din ako hehe, I just want to share kung ano yung natutunan ko sa pag attend ngayon.

two months pa

Gusto ko na matapos tong term na ito, nahihirapan na ako…nagkakaproblema ako sa time., hindi ako nakakatulog ng maayos.

Tths, dadating ako dito ng around 11:30 hanggang 12 midnight.. tapos kinabukasan kailangan kong gumising ng 6. kaya pag mwf lagi akong nanlalata at laging inaantok. Ayoko ng ganun hindi ako nakakapag focus masyado parang ang laging nasa isip ko sana matapos na tong subject na to.

Kanina nga 3 hrs akong natulog sa clinic, buti nga may vacant na bed.

Ang mahirap pa sa umaga, dito kasi sa dasma unahan sa pagsakay sa bus o fx, tapos lagi pang tayuan.. from dasma to baclaran ka tatayo, kasi sa baclaran madami ng bumababa. Syertihan nalang kung makakupo ka.Nakakapagod tumayo ng more than 1 hr sa bus.

Hay, dalawang buwan pa akong ganito.

Wednesday, January 26, 2005

maluwag daw


"maluwag pa.....maluwag pa.....maluwag, araw araw yan ginagamit" pasigaw na pagsambit ni manong barker nung pauwi na ako mula sa skul. natawa yung mga tao, ako? napangiti lang.... mga pinoy talaga oh.


Monday, January 24, 2005

'Tol

Family Ties : 'Tol
Contributed by mulciber (Edited by mananalaysay)
Saturday, January 22, 2005 @ 01:32:14 AM
Print
| Send

Twerpy, Wyeth, Tourmaline, Formalin, Wormy, Twirdle-dee, Twerpeline, at Woyt… ilan lamang ito sa mahabang listahan ng mga pangalang itinatawag ko sa kanya. Simula pa lang sa pagkabata ay madalang ko na siyang tawagin sa tunay na pangalan niya. Hindi naman siya nagagalit, at wala naman akong naririnig na reklamo mula sa kanya kaya naman sa edad niyang labing-anim sa kasalukuyan ay hindi pa rin ako nagsasawa sa pag-imbento ng mga bagong bansag. Nag-umpisa iyan sa Wahan, sinundan ng Wyeth… ang latest ay Twerpy at hindi ko alam kung paano ito nabubuo sa utak ko. Basta ang alam ko, masaya ako dahil ako lang ang may karapatan at namumukud-tanging nilalang sa buhay niya na hindi siya tinatawag sa tunay niyang pangalan, liban na lang kapag magkaaway kami. Oo, kapag magkaaway kami, sa tunay na niyang pangalan kami nagsasagutan. Kaya naman naisip ko na maaaring ang mga bansag na ito ay ang aking “terms of endearment” para sa aking bunso at nag-iisang kapatid.

Limang taon ang agwat namin, kaya naman hirap akong makibagay sa kanya. Nagkataon pa na magkaiba ang aming mga hilig. Basketball, gitara at barkada ang tatlong mundong ginagalawan niya. Lawn tennis, piano at libro naman ang sa akin. Dadalawang bagay lang ang pinagkakasunduan namin, video games at anime. Ngunit kahit sa mga bagay na iyon ay magkaiba pa rin kami. War games at mecha ang hilig niya, ako kahit ano basta maganda ang graphics… sa Final Fantasy at Samurai X lang kami nagkapareho.

Kung gaano ang kinaliberal ko, gayun din naman ang kinakonserbatibo niya. Daig pa niya si Maria Clara sa pagiging malihim. Minsan nga naghuhulaan kami ng mga magulang ko kung ano ang iniisip ng kapatid ko nang minsang nakita namin siyang malungkot.

Ama: Baka break na sila ng girlfriend niya!
Ako: May girlfriend na ba siya?
Ina: Maraming tumatawag na babae dito, si Claire, si Jessica, si Crystal...
Ako: Jessica?
Ina: At mayroon pang itinutukso sa kanya eh, si Jessica, si Catherine...
Ako: Baka nga si Jessica. Lagi kong nakikita name niya sa Inbox ng cell niya.

At voila! Kinaumagahan, may password na ang Inbox. Noong una, 34218 tapos 58362, ngayon hindi ko na alam.

Sa edad niyang labing-anim, hindi nga malayong mangyari iyon. Idagdag pa natin ang sinasabi ng mga kamag-anak naming namana raw niya ang kagwapuhang-palikero ng aming lolo sa ina. Kung sabagay, noong bata pa siya ay cute na cute na sa kanya ang mga ninang niya. Palibhasa biniyayaan ng mestisong kutis. Pero huwag daw akong maiinggit sabi nila, sapagkat ako raw ay binigyan naman ng kagwapuhang-kagalang-galang. Natawa na lang ko.

Outspoken ako at siya ay hindi. Think twice before you speak, ito yata ang motto niya. Simula nang pumasok siya sa fourth year high school, hindi na siya nagkakamay kapag kumakain at ayaw niyang may dumudukot sa pagkain niya. Aba! Training ba ito? Pakiramdam ko nga mas asal-bunso pa ako kaysa sa kanya. At dahil sa kasalukuyang taon ay apat na pulgada ang tangkad niya sa akin, mas madalas niya akong pagsabihan. Naririnig ko na nga eh… Kuya, para kang bata! Hindi ako sumasagot, totoo naman kasi.

Pero kahit na ganoon siya, nabuko ko ang soft spot niya. Nang minsan kasing sabihin ko sa kanila na nakapagdesisyon na akong mag-Nursing at sumama sa tiyahin naming nasa Amerika dahil nawawalan na ako ng pag-asang makahanap ng matinong trabaho sa lumalalang problema ng bansa, nilapitan niya ang aming Ama at medyo galit na nagtanong kung bakit daw nila ako pinayagan. Ipinaliwanag sa akin ng aking Ama na ayaw daw ng aking kapatid na malayo ako. Noong nasa LB pa lang ako ay lingguhan daw niyang itinatanong sa aming Ama kung uuwi ako para sa weekend o hindi. Na-mi-miss daw ako ng kapatid ko sa tuwing umaalis ako. Ang sabi ko naman… Sus! Wala lang siyang makaaway… pero sa totoo, touched ako. Kaya naman ang ending ay kandarapa akong ma-employ dito sa Pilipinas, umaasang gagaan din ang buhay.

Alas-diyes ng gabi, ito ang oras niya ng pagtulog. Ako, ala-una ng madaling-araw. At habang hinihintay ko ang sinusubaybayang palabas sa Discovery Channel, nagmuni-muni ako… ilang taon na lang at maiisipan na rin ng kapatid ko na humiwalay at mag-asawa. Nabibilang na pala ang mga araw na makakabiruan ko siya, makakainisan at maaaway. Kaya naman sa gabing ito, hindi ko pinansin ang TV. Kumuha ako ng unan at dahan-dahang gumapang sa kanya.

Hoy panget, gising! (sabay hampas ng unan sa 6-footer na nilalang) Hindi ako papayag na mag-asawa ka hanggang hindi pa kita natatalo sa pillow fight!

Kinabukasan, alam kong puro pasa na naman ako. Ngunit wala akong pakialam, bilang na ang mga araw na gigising ako na bugbog ng mga matitigas na unan, sapok at tadyak.

bamboo

Ang galing ng bamboo, nag enjoy ako sa concert nila sa Mapua, kasama ko ang dalawa kong blockmates at apat pa nilang kaibigan na rockers.

Syempre naki go with the flow ako pansamantala, nasa harapan pa naman kami at ramdam ko talaga ang tension sa mga nanonood, di mawawala ang tulakan at talunan. Natatawa ako kay jen, fan siya ng bamboo, at may 2 seconds of eye contact silang dalawa ni bamboo kya tuwang tuwa ang bata.

Nabitin ako sa concert, parang ang bilis…


Sunday, January 23, 2005

YOF n MSM

Napanood ko yung pakita mo talento mo ata yun sa may quadrangle, naaliw ako dun sobra…. 18 contestants lahat, may mga kumanta, nagsayaw, nag act, nag gitara, nagpatawa, yung iba naman nag perform para sa plus points at exemption sa exams. Nagustuhan ko yung nag performance nung nag gitara, sobrang galing nya…gusto kong matutong mag gitara, nung xmas vacation sana pero nawalan ako ng time. Nakakatawa din yung intermission ng prof sa physics, na siyang nag champion nung 2003 ata.

Ang 3rd runner up, from Youth on Fire – kumanta ng bring me to life, 2nd runner up, yung lalake….nakalimutan ko yung kinanta nya. 1st runner up, fron youth on fire – kumanta ng to love you more, special prize namn yung nag gitara at yung dalawang makukulit na nag act.

Naisip ko, dami palang talented sa youth on fire…lima kasi sa kanila ang sumali yung dalawa nanalo, yung isa nag rap at sya ang nag compose ng ni rap nya, yung isa kumanta ng wag na wag mong sabihin by kitchie nadal, yung pang lima kumanta ng crazy for you, ang gagaling nila….hindi pa ako masyadong close sa YOF at konti palang ang kilala ko tapos di pa ako tumatambay, one of these days tatambay din ako dun.

Sa msm naman- nanalo sila sa amazing race, 2nd place…sayang nga daw seconds lang ang pagitan. Sayang uli hindi ko napanood yun, tinamad kasi ako gumising ng maaga.

Thursday, January 20, 2005

Ayos

ayos tong araw na ito para sa akin.

hindi ako na late sa 1st subject ko.

kahit na inantok pa rin ako sa modern physics(pati din mga classmeyts ko), pinilit ko pa ring makinig.

nag attendance lang kami sa economics, para ma enjoy naman daw namin ang foundation.

at hindi pumasok si ma'am Bergado, salamat naman.

at around noon, nagsimula na ang car show... medyo naaliw din ako sa mga sasakyan nila. yung iba nakaka bilib, at syempre parang gusto mo ng angkinin. isa lang masasabi ko....ang yayaman nila.

nakamura na kami sa ticket ng bamboo, from 150 naging 100 nlang... promo daw para sa mga students.Bukas na yun..

masaya at magulo tong araw na ito...

nxt time ko nalng i-explain.

Monday, January 17, 2005

Sana Absent yung mga prof ko

waahhhhh, di ako nakapasok ngayong araw na ito ang sama kasi ng pakiramdam ko;masama ang loob ko dahil sa pag absent ko, exam pa naman namin sa modphy... tas pasahan na ng 1st assignment. tapos foundation day pa, gusto ko sanang masaksihan yung parade,nag txt ang PRO na mag yellow shirt daw kami. di ko pa ko nakakaranas ng parade hehe, kasi last foundation ng LOA ako.
tsaka ayokong umabsent sa data struc, lintik na pseudocode na yan mag self study nlang ako.
Next year nalng uli kung nasa Mapua Institute of Technology pa ako....magdadagdag nanaman ng program ang mapua, business administration tsaka psychology...san kaya sila ilalagay?
ang sakit ng ulo koooooooooooooooo!!sana nung Saturday night nalng ako nagkasakit.

Sunday, January 16, 2005

ohh!!!! no!!!!

ang sama ng templa ng tyan ko ngayon, hay... masaya na sana kasi kumpleto tulog ko.... nakakainis, una kong kinain pag ka gising ko quake cake tsaka mango juice,nakaka sakit ba ng tyan yun???hindi naman maarte tyan ko eh...

kagagaling ko lang sa cr.. at feeling ko para akong lalagnatin. ayoko!!!!!di ako pede umabsent.may exam ako bukas.

Saturday, January 15, 2005

YOF at Intel

Wala kaming pasok kahapon sa sa advance math, bakit?wala lang gusto lang ng prof namin…tamad pumasok, ang ok dun, sinasabi nya kung aabsent sya. Kasi kung hindi magagalit ako kasi ba naman yung lang ang subject ko 730 to 9 ng gabi pa yun.

Sa wakas nakatulog nadin ako ng 10 hrs, actually kulang pa nga yun, 12 hours kasi ang kumpleto kong tulog. Di na kasi ako natutulog nung mga nakaraang araw, sa skul na ako natutulog, sa clinic. Buti naman at ma reregular na ang pag tulog ko.

Naiinis ako sa humanities class ko, isa pang sobrang boring, nakakaantok, lahat kami pabulong na umaangal sa aming kinauupuan dahil nakaka walang intes ang pinagsasasabi ni ma’am Bergado.

Sabi ng pinsan ko kagabi opening daw sa Intel, full time and part time, technician daw…parang gusto ko mag apply. Related din naman sa course ko tsaka, syempre dag dag sa allowance yung kikitain ko dun. Pipiliin ko kung matutuloy TTHS 730 naman ng gabo yung class ko mag wwork ako ng umaga hanggang hapon. Sana Matuloy.

Nung Friday, Umattend ako sa YOUTH JAM , ano ba ang YOUTH Jam???every Friday 7PM sa may St. Thomas Square. Malapit sa FEU and before mag UST, maliit na mall yun, nasa 3rd floor yung center. Pedeng pede ka pumunta syempre. Actually parang magsisimba ka lang pero puro kayo kabataan, gathering to ng lahat ng members ng Youth on Fire from different Colleges and Universities sa may U belt, kahit hindi located ang Mapua sa U- belt kasama parin basta nasa Manila. Non members are also very welcome.Ok yung mga tao, mababait kaso wala pa akong masyadong kilala…

Wala pa akong assignment sa modern physics, di ko alam kung pano sagutan,may exam din kami bukas para sa subject nay un….hay bahala na bukas kung kanino man ako mangopya, tamad talaga oh!!!


Wednesday, January 12, 2005

ang laptop at ang limang mark

di ako natulog ngayong araw na to, para magawa yung powerpoint presentation, pipili daw kasi ng representative kada section. kaya naisipan ko, kung gagawa na din man lang ako edi gagandahan ko na.

430 presentation na,wala pa rin akong nasisilayang laptop sa rum, aba nagpapakiramdaman ang buong klase, wala pa si ma'am. hindi pa naka set up yung unang group.

dumating na si ma'am at sinabing pag walang nag-present ngayon, singko kayong lahat sa project. ginawa namin??naghanap ng laptob sa west lobby, sa faculty at sa library.

pakapalan na ng mukha ito, may nakita kaming may laptop sa library, uhmm...nilapitan namin at sinabing."excuse me pedeng manghiram ng laptop kahit 15 minutes lang"

ang bait nung taong yun, niligtas nya ang araw namin...mark din ang pangalan.

ang nakakainis, hindi umipekto sa laptop na hiniram namin ang mga animation at kung ano ano pang kaartehan na pinaglalagay ko dun, na dis appoint ako dun, pinaghirapan ko yun eh.

..... .......... ........... ............ .......... ...............................................................................

at dahil wala akong tulog ngayon, hindi ako nakapag concentrate sa lahat ng lecture.

late ako sa 9 am class ko,945 na ako dumating, sabi nga ni ma'am pede kami maki sit-in sa 1030 class nya kaya yun nalng ang ginawa ko. pinilit kong makinig kasi sa pseudocode ako pinaka nahihirapan...ayun ang pinaka ayaw ko.

1200 ;eto ang pinaka nakakaantok sa lahat, halos pumipikit na mga mata ko, ang haba haba haba kasi mag explaination ni Sir Baon ba yun??tsaka wala siyang ka humor humor sa katawan...masyadong serious. kung ano anong streching na nga sa kamay at paa ang ginawa ko sa class nya para manatili akong gising.

after ng class, kain tas punta ako clinic para matulog, at sakto 2:58 ako nagising sa di malamang kadahilanan 2:58 din ako nagising nung monday ng natulog ako sa clinic. Weird.buti nalang hindi ako napasarap ng tulog.

3:00 feeling ko ang tatalino ng mga classmeyt ko sa economics, masyado silang active sa recitation. apat kaming mark ang pangalan sa class na yun , ako si Mark 2 at yung katabi ko Mark3 din at yung nasa likod ko mark din at yung nasa harap ng katabi ko na mark 3 din ang pangalan ay mark din. yun nasa unahan na mark pa special, si macky daw siya.

and so on....

ngayon na alng uli ako ng post dito, wala kasi akong time nung mga nakaraang araw.

Wednesday, January 05, 2005

sino kaya yun???

nakakapagod tong araw na to, tsaka kulang din ako sa tulog.

na meet ko na din yung prof ko sa data struc, ayos naman....maganda pero terror daw siya sabi niya...mahirap daw mag pa exam compare kay ma'am allanes. ang ok din, pede daw akong umattend sa 2nd class nya pag na late ako.

naiisip ko kanina, expected ko ang magiging prof ko uli e yung naging prof ko nung 1st take ko yung data struc. sabi daw nila .may namatay daw na prof.

ibig sabihin, yung naging unang prof ko sa data struc yung namatay???di ko na kasi siya nakikita...di ko na rin kasi matandaan yung name nung prof. sana hindi siya yung namatay...mabait kasi yun, kahit binagsak nya ko. tsaka ok din magturo.

ilang beses ako pabalik-balik sa clinic para matulog, sa kasamaang palad walang vacant. kaya sa tambayan nalng ako umiglip, kahit na mainit at ang iingay nila....nakatulog pa din naman ako. ayos na yun.


Monday, January 03, 2005

3rd term

1st subject ko ,data structure absent ako 9:45 na kasi ako nagising. 9 am yung class ko.

Ayoko umabsent sa unang subject ko sa unang araw ng class sa taong ito, nakaka dis appoint….hindi talaga effective ang alarm sa akin.ngayon nalang uli ako nagkaroon ng morning class.

12:00pm second class ko, modern physic;wala pa akong isang minutong nakaupo pinauwi na kami, nxt meeting nalng daw ang orientation. Dami pa kasing wala.

3:00pm, economics class sandali lang din kami at pinauwi na rin, nagpasa lang kami ng index card.

4:30pm, humanities 1 si Mrs. Bergado nanaman ang prof ko. Pangatlong beses ko na naging prof yun. Ngayon ko lang kinuha ang humanities, kaya kaming dalawa lang ni jen ang batch 2002.

Ilang oras ako naghintay sa mga class na ito, nakakinip

Bukas ang malupit, isa lang ang subject ko at 730 to 900 pa. PM yun. Advance Math

Sana maging ok tong term sa akin, ayoko din naming sabihin na wala akong ibabagsak ngayon, kasi kung meron mahirap yun. Gagawin ko nalng lahat ng magagawa ko.

Sunday, January 02, 2005

baby pics

pasukan na naman bukas, tinatamad pa ako...

parang di naman ako nakapag pahinga ngayong vacation.

kahapon at kanina kinunan namin ng pics yung baby ng pinsan ko, ilang bahay lang ang layo sa amin. ipapadala namin sa tito ko by email, di pa kasi nya nakikita tong apo nya.





teka, kilala ba kita????



ahhhh, nasisilaw ako...wheres my shades??