sa wakas nakapag rest day na ako. na konsensya rin yung gumagawa ng sked namin. nakakapagod talaga mag closing, lahat lilinisin mo. pati lahat ng tray huhugasan. ganun pala yun.
kahapon hinayaan na ako mag isa sa counter, nalilito pa rin ako. halata ng customer na baguhan ako. tinanong pa ako kung 1st day ko daw. minsan natatawa sa akin yung mga customer kasi pag di ko alam ang dpat pindutin dun sa station ko kinukulit ko yung katabi kong counter para mag paturo o kaya nama tinatawag ko yung manager. mas ok na yun alangan namang mag marunong ako. nakaya ko naman kahit papaano.
nakakapg greet na din akong malakas lakas. nung una parang nahihiya pa ako.
hi maam..sir glad your here.
may i take ur order?
guest: isang whopper
ako: with large coke ang fries po?
guest: no, iced tea yung drinks
ako: additional 8 pesos po yun
guest: ok
ako: how about sundae for desert?
guest: wag na
ako: bill po nila 123 pesos
guest: (binigay ang pera)
ako: i received 150 pesos
ako: change po nila 27 pesos.
after nun aayusin ko na yung order. una yung drinks tas sunod yung burger tas yung fries
ako: ketchup po???
guest: ooako: ilan po??
guest: madami
ako: ilan po??
guest lima.
ako: balik po sila
yan ang sinasabi ko pag may guest.
dapat daw pala babae ang ilalagay sa counter. eh nagkataon sa batch naming nag apply puro kami lalake at isa lang ang babae. kaya kaming dalawang lalake kasama ang nagiisang babae dun kami nilagay sa counter
at eto pa pala. yun taga dlsu-d na EE student mag reresign na , wala pa siyang isang buwan mag reresign na daw siya. ayaw na daw nya. kung naintindihan ko naman siya. kasi naman mas malaki pa yung baon niya kaysa sa sasahurin niya kasama pa dun ang sobrang pagod.
meron pa pala. nung isang araw hanggang 230am ako sa SM. kasi ba naman pinag pintura ako ng mga upuan. color silver pa yun, nlagyan nga yung pants and shoes ko. nakakapagod talaga yun. hindi ko nga natapos pinturaha lahat ng upuan kalahati lang yung natapos ko.