Saturday, July 16, 2005

huwat???

liitan ko muna kasi baka nababasa ng katabi ko dito sa computer shop,friday kahapon at 1st time kong mag counter ng madaming madaming tao, walang tigil ang kanilang pag dating, at ako??na nalilito sa mga punching. ang hirap. tumatagaktak na ang pawis ko, butinalng gumawa ako ng kodigo na nakalagy sa tabi ng monitor, mas ok na yung may ganun kaysa naman magkanda mali mali ko.

ang hirap magpataba at magastos pa, lalo nat nag wowork ako, malilipasan ka talaga ng gutom.

ngayon paunti unti ko ng nalalaman ang mga lakokohang nagaganap sa fast food chain. merong nangungupit ng pera sa counter, nagtatago sa stock room para kumain at panandaliang mapawi ang gutom, merong naguuwi ng products...more to come. yun palang alam ko.

nung isang araw tinawagan ko si abi, na clasmeyt ko nung 2nd year hs(by the way naka sun na pala ako). kasalukuyan siyang nag wowork sa jollibee halos sabay din kami nagsimula. at nalaman kong 40 per hour pala ang sahod nila at sa counter din siya nilagay, at free meal nila ay iba iba, pedeng chicken with spag. at kung ano ano pa. sa BK???31.44(provincial rate) ang free meal??walang katapusang spag, ham and cheese, blazing burger. pagpipili ka lang dun sa tatlo kung ano ang gusto mong break. naatwa ako nung nalaman ko yun, parang kawawang kawawa naman kami hehe, pag break ko sa ibang fast food ako kumakain, kasi naman ni hindi ko na nga malunok yung free meal dun. sawang sawa na ako.

nang yari din pala sa kanya yung parang inaaway away siya ng katrabaho nya, minamaliit at parang hindi welcome.

yun lang sig nxt time uli. ingat