Thursday, July 07, 2005

petix

kung minamalas ka nga naman, lagi akong nailalagay sa closing. at nalilto pa rin ako sa pag punch ng orders dahil sa mga promo, large fries, large drinks, iced teat at kung ano ano pa...

nakausap ko na din ang iba sa mga kasamahan kong bago, yung experiences nila nung 1st day hanggang training. lahat kami pare pareho ang pinagdaanan, ginawa kaming utusan, nandyan yung mapag sasabihan ka ng ka crew mo. na maasar ka kasi iba yung approach nila. yung para bang ginagawa ka nilang under. mahina at walang alam. putsa eh ako unang job ko to kaya wala talaga akong alam. no wonder kaya ang dami agad nag reresign, nabibigatan sa work, yung isa nga daw 1 week lang umalis na. di na namin naabutan yun taong yun.

nandito din ang mga natutunan ko termino sa fast food

petix - yung kala mo may ginagawa pero wala naman
luga - eto naman yung madami pang gagawin , samantala yung mga kasamahan nya patapos na
cys - check your smile
tlc- tender loving care - dapat ingatan ang mga kagamitan sa store

ya palang alam ko..