Thursday, May 26, 2005

over

Nagising ako ng 5 para sa interview at exam ko sa parlance, eto yung mahigit isang buwan kong hiintay na interview.

Ng paalis na ako ng bahay, syempre tinignan ko yung recommendation ko sa aking black folder. Wala dun yung recommendation ko. Kaya hinanap namin sa buong bahay. Pero wala kaming nakita. Confident naman ako na nasa black folder ko lang yun, kaya hindi ko na ni check before ako natulog. Kaya din a ako tumuloy, nawalan n ako ng gana, 3 hours lang din yung tulog nun.

Kaya natulog nalang ako, at gumising ng 1130 para naman sa sykes examination. Di ko naman ako nahirapan sa paghanp ng building dahil sa mrt palang kita ko na yung building. At pagdating ko sa 19th floor. Ako lang ata ang estudyante dun. Yung iba above 25 na siguro. Mga professional sila.

Pinapasok na kami sa examination room. Nakatabi ko si ms. Na grad ng plm, nakapag work na rin siya sa call center. Ang tipo ng exam ng sykes ay online examination. Yung una syempre grammar uli. madali lang yun. Yung 2nd part. Culture fair test. Limang sets ata ito. Puro illustration/symbol/ basta yung mga ganun ang laman ng exam. yung iba hinulaan ko nalng kasi may timer 14 items 3 minutes.

3rd part. Essay naman.

Lumabas ang result at hindi ako nakapasa hehe.

At dito nagtatapos ang job hunting ko. Ang pinaka nagustuhan kong exam ay yung sa convergys. Kasi call simulation with matching headset and the pre recorded calls. Ang ganda pa ng mga computers nila dun.