Call simulation:
Meron kaming tatlong company na I hahandle, 1. gourmet todays 2. Wellcom 3. OmniCard. Ang ginawa namin dito, may matatanggap kaming calls(lahat pre recorded) at kailangan naming I rate yung mga lalabas na responses ng agent, from very ineffective to very effective. Naaliw ako dito kasi yung mga callers(mga kano) yung iba galit, demanding, impatient at kung ano ano pa. kailangan naming I type yung mga account numbers nila mga 12 digits ata yun kung wala namang account number, yung name ang dapat naming I type. Kaya kailangan makinig ka talaga ng mabuti. Ako? May isang caller na hindi ko naintindihan yung account number nya. Mali yung account number na na type ko kaya hindi nahanap ng computer. Kaya no choice, pinindot ko yung “repeat…” na kung saan uulitin ng customer yung mga sinabi nya, pero sabi ni ms toni befor mag start pag pinindot yun, it will lessen our chances of passing the exam. after ma complete yung call. Natapos na yung call simulation. Dun naman ako naasar, bakit tapos na(ako kasi yung unang natapos)??kasi nagkamali ako?? Kinuha na sa akin yung pirasong papel kasi tapos na ako. lumapit na si ms toni at sinabing ituloy ko na yung 2nd part, tinanong ko siya “did I passed the exam?” sabi nya “yes”. Natuwa naman ako dun kala ko kasi bagsak ako.
<< Home