Friday, May 06, 2005

click me baby part III

E-Skill

Apat nalang kaming nagtake ng 2nd part, yung iba hindi nakapasa

Ako

Si ms. mapuan

Si mrs. UP

At si ms. English literature grad

Unang test dito, yung computer na ang mag eexplain sa iyo. Ang gagawin naman dito kailangan naming makuha yung order ng customer(dito na ako pumalpak). Pati yung mga info ng customer, account number, name, state, city and others. Hindi ko alam na, dire diretso yung pagsasalita ng customer. Hindi ko nakuha yung state, city, zip code at ang pinak importante sa lahat yung order nya. Ewan ko ba sa akin kung bakit hindi ko ni click yung repeat button.ASAR!!!

2nd part ng exam(email) para sa E-skill, sa email naman nag send yung customer. Kailangan naming mag compose ng reply para sa customer, kanya kanyang diskarte na ito sa grammar at kung pano mo ibibigay yung info na kailangan nya. Sa pagkakarinig ko 20 minutes each yung sa email. 2 email ang kailangan naming replyan, nung nasa 2nd email na ako, nagulat naman ako dun dahil 2 minutes lang yung allotted time. Dalawang sentence lang ata yung nagawa ko dun.

3rd part ng exam under E-skill is, typing skills; simple lang, kailangan naming I copy yung email as accurate and as fast as we can.

Binigay ko na yung pirasong papel dahil tapos na ako. matapos ang ilang saglit lumapit na sa akin si ms toni. At sinabing “sayang 3 points nalng kulang mo” , “sus, 3 points???sige na maam pasa nyo na ako” strict sila kaya failed talaga ako. alam ko naman kung saan ako nagkamali,dun sa pagkuha ng orders di ko nakuha yung ibang infos. Medyo nag panic na ako dun kaya hindi ko na naisipang I click yung repeat button. Careless!!!!tsk tsk tsk.

Disappointed ako pero ayos lang, nag enjoy naman ako sa ginawa namin.

Hindi siguro ako para sa callcenter. Ok din lang naman ako sa food chain kaso parang ayaw ng food chain sa akin.

Na realize ko, nakisabay pa ako sa libo libong bagong graduate na tulad ko naghahanp ng trabaho. Matindi ang competition.

God bless nalang sa lahat ng naghahanap ng work.