Saturday, July 23, 2005

u korean?

kapansin pansin ang pagdami ng koreano sa ating bansa. bat ba sila pumupunta dito???sa tv, puro koreano. sa billboard naman nandyan si sandara na nakapaskel ang mukha sa maraming siyudad. ang alam ko yung iba nandito para mag aral.

sa bk, madaming koreanong kumakain. kaya nung isang gabi naisipan kong mag search sa net ng korean greetings. at nakahanap ako ng isa.eto ayang ANNYEONG HASEYO which means: hello,good morning good evening

kya kinabukasan nun sinubukan ko itong sabihin sa isang korean guest. at natuwa naman siya sa akin at medyo nagulat sa sinabi ko .tinanong pa nga ako kung koreano ako.

ako: annyeong haseyo
sandara: annyeong haseyo (with a big smile) at nag bow pa siya
ako: kinuha ko na yung order nya, at habang inaassemble ang burger nya...
ako: ma'am how can u say thank you in korean?
sandara: ########
ako: hindi ko siya naintindihan ginaya ko lang yung sinabi nya tapos nun nakalimutan ko din.

yung isang guest na pinoy sa kabilang counter natatawa sa akin, paulit uli ko kasing ginaya yung sinabi nya. narinig din yun ng manager(hindi si papansin).

kaya kanina sinabi nung general manager na turuan ko yung mga co-counter ko, natawa naman ako parang ang dami kong alam na korean greeting ah; eh isa lang naman yun. ayun,edi sinulat ko sa papel yung greeting at natawa sila kasi sounds like "anong sa nyo?"

sinabi din nung genereal manager na standard na yun pag may korean guest ganun ang greeting. nung nag break ako kanina umupo ako sa tabi ng table ng kabataang koreano para kumain. at habang kumakain dahil hirap na akong lunukin yun walang kasawa sawang spag na free meal namin tinanong ko siya.

ako: excuse me, how can u say thank you in korean?
sandara: hansahamnida(eto yung pag pronounce)
ako: hansahamnida?hansahamnida?hansahamnida?habang ni-ttype yung greeting sa phone ko
sandara:hansahamnida
ako: how can you say "glad you're here in korean?"
sandara: para silang nagkaroon ng maikling diskusyon kung ano sa korean yun.
ako:pathamsamnida

itutuloy ko nalang.....