Friday, July 29, 2005

elow`

blog, sumahod na ako. pangalawang beses na ito. nung una ang sahod ko ay 600, pero dapat ito ay1100 kung hindi dahil sa 500 na deduction gawa daw ng uniform sss atkung ano pa. yung 600 na yun di ko man lang namalayan na bigla itong naubos. ni hindi ko man lang nailibre yung bespren ko at kung sinopang gustong magpalibre.

kanina nag check ako kung magkano yung sinahod ko dahil lahat sila nagtatanungan na kung magkano ang sinahod nila. guess what???440 ang laman ng account ko. para naman akong nanghina nung nakita ko ito. naisip ko hindi worth it yung pagod na dinadanas ko.

pero nung una palang sinabi ko na, na oklang kahit maliit ang sweldo basta wag langako matambay sa bahay. sinabi ko nga sa katrabaho ko na ganun lang ang sinahod ko. sabi nya "parang nakaktamad ,mag trabaho pag ganyan diba?tapos pagod ka pa." sinabi ko nalang na oo. tama naman siya.

ayun hindi ko i wiwithdraw yung 440. ayoko galawin hehe.

kanina binigay ko yung resibo ng atm ko sa nanay ko. at tinanong nya ako "papasok ka pa ba bukas??" sabi ko OPO.

bakit 440? dahil uli ito sa uniform at sa salary deduction ng kamalian ko sa pag punch ng product. naalala mo yung tatlong chicken sandwich??yun yun. worth 351 pesos. next month i expect na aabot ang sahod ko sa 1000+ kung hindi man. hindi na ako papasok??ano sa tingin mo?

mas malaki pa ang sahod ng house helper diba??hehe