Friday, August 26, 2005

dsl

sinabi ko na next monday pupunta yung smart sa bahay para kabitan kami ng internet,ngunit nag punta sila ngayong week..natuwa naman ako . nilabas ang kanilang mga gadgets. at yung isa umakyat sa bubong at mag sisignal testing daw. sa kasamaang palad may signal naman daw sa amin. pero may prob daw yung portal ng smart kaya di muna kami kinabitan. tsaka mababa daw kasi yung bubong namin, hihingi pa sila ng permission sa smart kung pede sila mag kabit sa ganun kababa. kasi naman bungalow palang ang bahay naman.

mukhang mauudlot pa ang pagpapakabit namin ng internet. huhu

kung dsl naman kasi. hindi praktikal. masyadong mahal.

pero pero pero.. may nakita akong leaflet sa bag ng nanay ko na. pldt-dsl din pero 999 a month. para sa mga students lang ito. at makukuha lang ang application form sa mga selected campuses. meron kaya sa mapua?? papakuha ako kay jen sa feu kaya?? papakuha ako kay bespren..sa perpetual??papakuha ako jaz.

hmmm..

experience

ano na ba ang na experience ko sa bk?

counter - front liner ang tawag nila. mahirap sa umpisa, nakakalito at kailangan ding mabilis kumilos. buti naman at wala akong na experience na nagmurang customer. dahil yung iba kong kasama meron na.

dining - eto yung nag liligpit ng mga pinagkainan ng mga guest. nagpupunas ng table, nag mamap ng sahig at responsable sa basura na kinokolekta ng management ng sm. ang ayoko lang dito ay yung uutusan ka kumuha ng straw, tissue, plastic. perwisyo yun. busy ka sa paglilinis tapos biglang may tatawag sa sayo na guest. kaya ako iiwasan ko na mag utos pag ako kakain sa fast food. ang asar pa dito yung tipong 5 hakbang lang ang layo nya sa counter uutusan ka pang kumuha ng straw.

leaflets - namimigay ng mga leafletsssss. ilang beses ko din to na experience. although tatayo ka lang sa entrance ng sm ng tatlong oras, mahirap na din yun. minsan titignan ka mula ulo hanggang paa na parang ang baba ng tingin sayo lalo na yun mga estudyante. naasar ako sa ganun. yung pagkabigay mo ng leaflet i-ccrumple nya sa harapan mo pa. kaya ako pag inabutan ng leaflet kukunin ko nalng, scratch paper din yun.

delivery - eto ang pinaka ayaw ko actually dalawang araw palang ako nag ganito. eto ang pinaka mahirap. maglalakad sa loob ng sm ng apat na oras. pupunta ka store by store at tatanong kung gusto nila mag pa deliver. mahiyain pa man din ako (hindi lang minsan halata). na experience ko dito yung parang pag ttripan ka pa ng mga employees lalo na sa mga salon. itatanong kung ako daw ba pede??magkano daw ako??haha. tas hindi naman oorder. para akong naawa sa sarili ko nun dahil walang nagpapa deliver.

ang hindi ko alng na experience dito ay yung prep, eto yung taga hugas at yung sa board, yung taga assemble ng mga meals.

in the end nag resign na ako nung wednesday, nilibre ko nalng sila ng maraming sharks fin, yun nman yung request nila pati yung manager.

600-400

mga dahilan kung bakit ako nag resign

1. dahil kay lito
2. natauhan na ako, sabi nga nung pinsan ko ako pa ang malulugi dahil sa liit ng sweldo.
3. sabi din ng tatay ko na nagpapagod lang ako sa wala. nagulat din siya nung sinabi ko na unang sahod ko ay 600 at ang pangalawa ay 400.
4. yung ibang team leaders maangas.

nawala na sa isip ko yung iba.

basta ako, na appreciate ko ang mga tao sa loob ng fast food. mahirap din...masaya...nakakaasar. halo halo.

ang katotohanan yung iba sa mga co workers ko, gipit na gipit..yung isa nagpapadala pa ng pera sa nanay nya. yung isa naman may anak na pala. nagkakautangan pa nga eh at ako ang lagi nilang inuutangan. sinasabi ko nalng na wala akong mapapautang dahil may nakapag sabi sa akin na wag daw ako mag pa utang.

sana lang matuloy yung nabasa kong isusulong na bill ni Senator Villar para sa mga working student. nakasaad dun na magiging minimum wage yung sahod ng mga working student lao na sa fast food. hindi na per hour. madaming makikinabang dun.

mukhang IR

nag resign ako ng wala si bespren lito. yan ang tawag ng mga co workers ko sa kanya. lagi nya kasi akong pinagdididskitahan, parang ako nalang ang lagi nyang nakikita at parang tuwang tuwa siya pag pinagsasabihan nya ako ng aking mga kamalian.

si lito ay yung manager na sobrang asar na asar ako. alam lahat ng mga kasamahan ko na hindi ako natutuwa sa kanya. mahilig din kasi itong magparinig.

ako ang may pinaka maraming incident report sa kanya, incident report, eto yung i eexplain mo in essay form yung kamaliang nagawa mo na napuna ng mga managers este ni lito lang pala. for example. nakita ako ni lito na sabay kong inilagay yung fry basket na naglalam ng fries sa fryer. sasabihan naman ako ni bespren lito na "ano yan??sinasabon ang mga trays, IR ka ..ipasa mo sa akin mamaya yang IR mo pagkatapos mo mag out"

nahalata na din ng mga kasamahan ko na lagi ako ang napapansin nya. ako lagi ang may IR sa kanya. isa din yun sa dahilan kung bakit ako ng resign. Hindi ko na kinakaya yung ugali ng manager na yun.

Sunday, August 21, 2005

29

eto na nga ba ang sinasabi ko eh, tumawag muli ang smart sa akin habang kumakain kami sa rob ng aking pamilya.may prob daw kasi, kaya ang nxt schedule ng istallation nila ay sa august 29


tinanong pa ako kung ok lang sa akin yun. para namang may choice pa ako diba?

hay life, medyo excited kasi ako hehe tagal na kasing walang internet connection sa bahay.

dito nga pala ako sm. break ko isang oras. masama ang pakiramdam ko. nanghihina ako.

Wednesday, August 17, 2005

orange cap

nung mga nakaraang araw....


dumating ang tatay ko mula europa, at kanina nag punta kami ng duty free.

kapansin pansin na konti nlang ang mga balikbayang bumibisita doon. at syempre wala akong nabiling pansarili dahil kung i coconvert mo sa peso ang mga presyo magdadalawang isip ka bilhin. sayang yung black shoes, kickers $61 sale na yun. eto naman kasing nanay ko nakakaasar. sabi sa sm nalang ako bumili. sira na yung black shoes ko na ginagamit ko sa trabaho kaya medyo na disappoint ako kanina ng hindi ako nakabili.

at kanina dumating yung kapatid ko kasama ang kanyang dalawang anak at asawa. ayun medyo nagkaroon ng matinding tension sa bahay kaya eto ako ngayon nag nenet sa malayong lugar mula sa bahay namin. bakit nagkaroon ng matinding tension?? basta mahabang istorya. hehe

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::


kagabi, nagpasama ako sa kaibigan ko sa starbucks kasi sabi niya yung kaibigan ng friend niya nag apply sa starbuks pero di nakapasa hehe. edi may biglang umilaw na bumbilya sa may bandang kanang bahagi ng ulo ko, kaya naisip ko... mag apply kaya din ako???try lang.

kaya ayun nilibre ko siya, uminom ng napaka impraktikal na kape(minsan lang naman), at sandwich.. usap usap muna at pinapatagal maubos ang kape para masulit naman ang binayaran. pagkauwi, sabay hingi ng application sa may counter. binigyan naman kami at nagtanong tanong na din. yung starbucks sa las pinas di daw sila tumatanggap ng part time, sa alabang and filinvest dun daw tumatnggap. nxt week babalik ako dun para magpasa ng application. yung nagbigay sa amin graduate na siya at 1 year na daw siyang nag wowork dun.

:::::::::::::::::::::::::::

at kanina tumawag na ang smart sa akin at kakabitan na kami ng wifi internet sa monday. 2x faster than dial up DAW. nakabili na din ako ng lan card. ready na at sana di na magka prob.

::::::::::::::::::::::::::::

bukas opening nanaman ako. sa ayoko na mag work dun. kasi yung isang manager favorite ako. tatlo kasi ang manager sa bk. si ms. jane, sir ramil. at si lito hehe. siya lang ang bukod tanging manager na lagi akong napapansin. siya yung nagpa sabon sa akin ng madaling trays. kwento ko nalang sa susunod.

yan medyo nakapaglabas na ako ng sama ng loob at nakapag kwento na uli ako sayo. nxt time uli.

Monday, August 08, 2005

tabachingching

nakakalungkot, lumipat na sila ate. yung pinsan ko na kapitbahay lang namin dito na may baby na ang pangalan ay baby joshua.

lumipat sila sa imus, 1 month silang titira sa sa bahay ng nanay nya para makipag bonding bago sila umalis patungong cebu. dahil mag aaral sila ate at ang kanyang asawa sa YWAM(youth with a mission) dun daw nila gusto. mga missionary kasi sila. natigil lang dahil nanganak si ate.

ayun, wala na akong mapupuntahan dito sa may amin after ko mag dinner, kung walang magawa at kung gusto lang makipag laro kay baby joshua. 8 months palang siya. sarap kasi makipaglaro sa ganung age. sarap pakinggan yung makulit na tawa. sarap din magbuhat ng baby kaso pag tumagal na sumusuko din ako tabachingching kasi.

dadalawdalawin din namin siya sa bahay ng tita ko habang nadito pa sila sa.

pag tumagal na akong di nakita nun tyak di na ako makikilala nun.

Monday, August 01, 2005

empty mayonaise jar

When things in your life seem almost too much to handle, when 24 hours in a day are not enough, remember the mayonnaise jar...and the coffee... A professor stood before his philosophy class and had some items in front of him. When the class began, wordlessly, he picked up a very large and empty mayonnaise jar and proceeded to fill it with golf balls. He then asked the students if the jar was full. They agreed that it was. So the professor then picked up a box of pebbles and poured them into the jar. He shook the jar lightly. The pebbles rolled into the open areas between the golf balls. He then asked the students again if the jar was full They agreed it was. The professor next picked up a box of sand and poured it into the jar. Of course, the sand filled up everything else. He asked once more if the jar was full. The students responded with an unanimous "yes." The professor then produced two cups of coffee from under the table and poured the entire contents into the jar, effectively filling the empty space between the sand. The students laughed. "Now," said the professor, as the laughter subsided, " I want you to recognize that this jar represents your life. The golf balls are the importantthings-your God, family, your children, your health, your friends, and your favorite passions-things that if everything else was lost and only they remained, your life would still be full. The pebbles are the other things that matter like your job, your house, and your car. The sand is everything else-the small stuff. "If you put the sand into the jar first," he continued, "there is no room for the pebbles or the golf balls. The same goes for life. If you spend all your time and energy on the small stuff, you will never have room for the things that are important to you. Pay attention to the things that are critical to your happiness. Play with your children. Take time to get medical checkups. Take your partner out to dinner. Play another 18. There will always be time to clean the house and fix the disposal." Take care of the golf balls first, the things that really matter. Set your priorities. The rest is just sand." One of the students raised her hand and inquired what the coffeerepresented. The professor smiled. "I'm glad you asked. It just goes to show you that no matter how full your life may seem, there's always room for a couple of cups of coffee with a friend." =]