Wednesday, August 17, 2005

orange cap

nung mga nakaraang araw....


dumating ang tatay ko mula europa, at kanina nag punta kami ng duty free.

kapansin pansin na konti nlang ang mga balikbayang bumibisita doon. at syempre wala akong nabiling pansarili dahil kung i coconvert mo sa peso ang mga presyo magdadalawang isip ka bilhin. sayang yung black shoes, kickers $61 sale na yun. eto naman kasing nanay ko nakakaasar. sabi sa sm nalang ako bumili. sira na yung black shoes ko na ginagamit ko sa trabaho kaya medyo na disappoint ako kanina ng hindi ako nakabili.

at kanina dumating yung kapatid ko kasama ang kanyang dalawang anak at asawa. ayun medyo nagkaroon ng matinding tension sa bahay kaya eto ako ngayon nag nenet sa malayong lugar mula sa bahay namin. bakit nagkaroon ng matinding tension?? basta mahabang istorya. hehe

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::


kagabi, nagpasama ako sa kaibigan ko sa starbucks kasi sabi niya yung kaibigan ng friend niya nag apply sa starbuks pero di nakapasa hehe. edi may biglang umilaw na bumbilya sa may bandang kanang bahagi ng ulo ko, kaya naisip ko... mag apply kaya din ako???try lang.

kaya ayun nilibre ko siya, uminom ng napaka impraktikal na kape(minsan lang naman), at sandwich.. usap usap muna at pinapatagal maubos ang kape para masulit naman ang binayaran. pagkauwi, sabay hingi ng application sa may counter. binigyan naman kami at nagtanong tanong na din. yung starbucks sa las pinas di daw sila tumatanggap ng part time, sa alabang and filinvest dun daw tumatnggap. nxt week babalik ako dun para magpasa ng application. yung nagbigay sa amin graduate na siya at 1 year na daw siyang nag wowork dun.

:::::::::::::::::::::::::::

at kanina tumawag na ang smart sa akin at kakabitan na kami ng wifi internet sa monday. 2x faster than dial up DAW. nakabili na din ako ng lan card. ready na at sana di na magka prob.

::::::::::::::::::::::::::::

bukas opening nanaman ako. sa ayoko na mag work dun. kasi yung isang manager favorite ako. tatlo kasi ang manager sa bk. si ms. jane, sir ramil. at si lito hehe. siya lang ang bukod tanging manager na lagi akong napapansin. siya yung nagpa sabon sa akin ng madaling trays. kwento ko nalang sa susunod.

yan medyo nakapaglabas na ako ng sama ng loob at nakapag kwento na uli ako sayo. nxt time uli.