Thursday, May 26, 2005

over

Nagising ako ng 5 para sa interview at exam ko sa parlance, eto yung mahigit isang buwan kong hiintay na interview.

Ng paalis na ako ng bahay, syempre tinignan ko yung recommendation ko sa aking black folder. Wala dun yung recommendation ko. Kaya hinanap namin sa buong bahay. Pero wala kaming nakita. Confident naman ako na nasa black folder ko lang yun, kaya hindi ko na ni check before ako natulog. Kaya din a ako tumuloy, nawalan n ako ng gana, 3 hours lang din yung tulog nun.

Kaya natulog nalang ako, at gumising ng 1130 para naman sa sykes examination. Di ko naman ako nahirapan sa paghanp ng building dahil sa mrt palang kita ko na yung building. At pagdating ko sa 19th floor. Ako lang ata ang estudyante dun. Yung iba above 25 na siguro. Mga professional sila.

Pinapasok na kami sa examination room. Nakatabi ko si ms. Na grad ng plm, nakapag work na rin siya sa call center. Ang tipo ng exam ng sykes ay online examination. Yung una syempre grammar uli. madali lang yun. Yung 2nd part. Culture fair test. Limang sets ata ito. Puro illustration/symbol/ basta yung mga ganun ang laman ng exam. yung iba hinulaan ko nalng kasi may timer 14 items 3 minutes.

3rd part. Essay naman.

Lumabas ang result at hindi ako nakapasa hehe.

At dito nagtatapos ang job hunting ko. Ang pinaka nagustuhan kong exam ay yung sa convergys. Kasi call simulation with matching headset and the pre recorded calls. Ang ganda pa ng mga computers nila dun.


Wednesday, May 25, 2005

sa aking pag akyat...


Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com



Bukas na ang interview ko sa epldt- parlance system inc.

Sakto naman dahil kanina, ng nasa rob imus ako, may tumawag sa akin, sykes asia naman.

Nag pass ako ng resume sa sykes asia nung may interview ako sa mirof(last month), yung araw na nasira ang sapatos ko, na hiram ko pa sa asawa ng pinsan ko na kapitbahay namin dahil wala akong matinong black shoes.. Sabi nung ms sa syskes asia 2 weeks daw ako maghihintay before tawagan. E 1 month ng nakalipas di pa rin tumawag. Kaya nagulat nalang ako ng tumawag kanina habang akoy nasa escalator. Edi takbo ako sa pinakamalapit na tahimik na lugar sa mall dahil hindi ko siya marinig.

Natapos ang phone interview, at may exam ako tom. 230pm. Wala akong pen kaya ni describe nalng niya sa akin kung san ako pupunta. Sabi nya 2 kanto ang layo mula sa shangrila mall, katabi ng AMA, at katapat ng Lourdes School, basta daw yung pinaka mataas na building dun na medyo green ang color.

Eto nanaman, I don’t expect to pass this interview tsaka exam. Gusto ko lang makaalis ng cavite hehe. Experience ding tong pag a-apply.

Balitaan nalng kita bukas… god bless sa akin.

Thursday, May 19, 2005

kanta

bakit nga ba mahal kita kahit di pinapansin ang damdamin ko, di mo man ako mahal eto pa rin ako nagmamahal ng tapat sayo.

bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka pang iba bat' baliw na baliw ako sayo, hanggang kailan ako magtitiis o bakit nga baaaa. mahal kita???

hay naku mga nakakalungkot na mga kanta, korni..pero nangyayari sa totoong buhay. marahil nangyari na sa iyo ito.

musika, isang uri ng expression...kumakanta tayo pag tayo ay masaya, pag malungkot at pag walang magawa. kinakanta natin ito sa banyo. dahil dito lang ang lugar kung saan instant ganda ang boses natin. minsan kahit di natin alam ang lyrics kinakanta parin natin ito, pinapalitan nalng natin ito ng kasing tunog ng nasa totoong lyrics ng kanta.

lahat ng uri ng musika pinapakinggan ko except ang mga classical. yung iba sobra kasing bagal..nakakantok.

gusto ko din ng mga gospel na kanta. para kasing nakaka refresh at ang sarap pakinggan. yung mga tipong.


and if i have wings i would fly,
all that i need you are
and if the world caved in around me
to you i will hold on
cause your all that i believe
and the one who created me
jesus because of u im free...

eh yng mga tipong rock naman.

IRIS
And I don’t want the world to see me’cause
I don’t think that they’dUnderstand
When everything’s made to be broken
I just want you to know who I am

kung acoustics..

Why don't you tell me where it hurts now,
babyAnd I'll do my best to make it betterYes,
I'll do my best to make the tears all go away
Just tell me where it hurtsNow,
tell meAnd I love you with a love so tender
Oh and if you let me stay
I'll love all of the hurt away

ballad..

but will you say that you love me
and show me that you care say
when I need you you will always
be there but if you go and leave
me this i swear is true my
life will always be with you

and so on..

musta?

ano na ba ang mga nangyayari sa akin??

maaga na akong nakakatulog, b4 1 tulog na ako. at syempre maaga na din akong nagigising mga 10am, dati nga nagising ako ng 5:30am . pero minsan lang yun.

nagpapataba na din ako, nakita ko kasi sa clinic ng skul, yung chart dun na para sa height and weight, lumalabas na underweight ako. ang ideal weight para sa height kong 5'6 o 5'7 ay 137-145 pounds. weight ko nung january 110 pounds, ngayon 122 na ata. hmm imprubing. nalaman ko ding mabilis ang metabolism ko kaya matatawag akong "hard gainer" bagay ang ganitong metabolism sa mga babae at mga models. kung pede lang magpapalit ng metabolism gagawin ko.

last last week nag pass na din ako ng resume sa mga foodchain sa sm dasma.

tokyo tokyo
friomix
shakeys
burger king

apat lang ang dala kong resume, sana pala nag print pa ako ng maraming marami. nakakaasar kasi.. ayun na ang last na pag pass ko ng mga resume. hindi talaga siguro destined na mag work ako. aral nalang muna.

marami din akong natutunan sa mga inaplayan ko. lalo na sa call centers. may nakakatawa at may nakakasar. yung isang nakakatawa. nasira ang sapatos ko habang naghihintay akong tawagin ang pangalan ko. nag iistreching ako ng paa ko. sa sobrang strech bumuka yung swelas ng sapatos ko. sapatos na hiram ko pa sa asawa ng pinsan ko na kapitbahay namin dahil wala akong matinong black shoes.

Wednesday, May 18, 2005

aesdhdsfhd

6504.99 ang bill namin sa telephone, kinagulat ko ito dahil sabi ng globe ni cut na nila yung ndd namin, syempre nakalista lahat dun ang out going calls,unang call 225 minutes =php.2556, 21nd call 106 minutes = php.1226.88

kalokohan ito, kapatid ko ang gumamit ng phone bago i cut ng globe ang ndd namin. actually may kasalanan din ako dito dahil ako lang nag nakakaalm ng lock para sa ndd at nakalimutan ko itong i lock after kong tumawag sa manila.

iba talaga ugali nitong kapatid ko, kung ako angel siya ang devil hehe.. halos apat na oras nakipag daldalan at cellphone pa ang tinawagan. walang control..pasaway.. di man lang nahiya.

baka ngayong week wala na kaming phone...

Friday, May 06, 2005

click me baby

Kahapon, I had a phone interview.. Ms. Toni of Convergys. Napasa ko yung initial interview kaya pinapunta nya ako sa HR department nila sa St Thomas square sa may españa para sa exam..

Maaga ako umalis dito sa pagkakaalam ko hindi sila tumatanggap ng late comers. Maaga ako dumating dun, sarado pa ang maliit na mall. Bumili ako ng donuts sa may amin, di ko naman nakain dahil nakatayo ako sa bus.Kaya ni txt ko nalang si bespren para yayain mag breakfast tsaka ilang buwan ko na ding di nakikita yun hehe. After naming kumain sa jollibee, naghiwalay na kami.. siya tinuloy na yung ni t-type nya sa excel, ako pumunta na sa st Thomas. Sarado pa ang mall kaya tambay muna sa 7 11.

Sampu kaming kumuha ng exam, 6 na babae 4 na lalake at syempre hindi mawawala ang kapangalan kong si Mark. Before mag start ng introduce muna isa isa. At ni explain ni ms. toni (para siyang artista, ganada)yung gagawin namin. Lahat sila graduate na at dalawa lang kaming student dun. Yung isa taga Mapua din chem. Engg’, 5th year na at nag LOA din. Merong BS math grad, from Up diliman at may dalawang anak, merong engineer(ECE), meron ding grad ng UST, PNU di ko na matandaan yung iba. May tatlong part ang exam. Call simulation, E-skill, at IQ.

Medyo nawala na yung kaba ko at naeexcite dahil wala naman akong alam tungkol sa gagwin namin.

click me baby part II

Call simulation:

Meron kaming tatlong company na I hahandle, 1. gourmet todays 2. Wellcom 3. OmniCard. Ang ginawa namin dito, may matatanggap kaming calls(lahat pre recorded) at kailangan naming I rate yung mga lalabas na responses ng agent, from very ineffective to very effective. Naaliw ako dito kasi yung mga callers(mga kano) yung iba galit, demanding, impatient at kung ano ano pa. kailangan naming I type yung mga account numbers nila mga 12 digits ata yun kung wala namang account number, yung name ang dapat naming I type. Kaya kailangan makinig ka talaga ng mabuti. Ako? May isang caller na hindi ko naintindihan yung account number nya. Mali yung account number na na type ko kaya hindi nahanap ng computer. Kaya no choice, pinindot ko yung “repeat…” na kung saan uulitin ng customer yung mga sinabi nya, pero sabi ni ms toni befor mag start pag pinindot yun, it will lessen our chances of passing the exam. after ma complete yung call. Natapos na yung call simulation. Dun naman ako naasar, bakit tapos na(ako kasi yung unang natapos)??kasi nagkamali ako?? Kinuha na sa akin yung pirasong papel kasi tapos na ako. lumapit na si ms toni at sinabing ituloy ko na yung 2nd part, tinanong ko siya “did I passed the exam?” sabi nya “yes”. Natuwa naman ako dun kala ko kasi bagsak ako.

click me baby part III

E-Skill

Apat nalang kaming nagtake ng 2nd part, yung iba hindi nakapasa

Ako

Si ms. mapuan

Si mrs. UP

At si ms. English literature grad

Unang test dito, yung computer na ang mag eexplain sa iyo. Ang gagawin naman dito kailangan naming makuha yung order ng customer(dito na ako pumalpak). Pati yung mga info ng customer, account number, name, state, city and others. Hindi ko alam na, dire diretso yung pagsasalita ng customer. Hindi ko nakuha yung state, city, zip code at ang pinak importante sa lahat yung order nya. Ewan ko ba sa akin kung bakit hindi ko ni click yung repeat button.ASAR!!!

2nd part ng exam(email) para sa E-skill, sa email naman nag send yung customer. Kailangan naming mag compose ng reply para sa customer, kanya kanyang diskarte na ito sa grammar at kung pano mo ibibigay yung info na kailangan nya. Sa pagkakarinig ko 20 minutes each yung sa email. 2 email ang kailangan naming replyan, nung nasa 2nd email na ako, nagulat naman ako dun dahil 2 minutes lang yung allotted time. Dalawang sentence lang ata yung nagawa ko dun.

3rd part ng exam under E-skill is, typing skills; simple lang, kailangan naming I copy yung email as accurate and as fast as we can.

Binigay ko na yung pirasong papel dahil tapos na ako. matapos ang ilang saglit lumapit na sa akin si ms toni. At sinabing “sayang 3 points nalng kulang mo” , “sus, 3 points???sige na maam pasa nyo na ako” strict sila kaya failed talaga ako. alam ko naman kung saan ako nagkamali,dun sa pagkuha ng orders di ko nakuha yung ibang infos. Medyo nag panic na ako dun kaya hindi ko na naisipang I click yung repeat button. Careless!!!!tsk tsk tsk.

Disappointed ako pero ayos lang, nag enjoy naman ako sa ginawa namin.

Hindi siguro ako para sa callcenter. Ok din lang naman ako sa food chain kaso parang ayaw ng food chain sa akin.

Na realize ko, nakisabay pa ako sa libo libong bagong graduate na tulad ko naghahanp ng trabaho. Matindi ang competition.

God bless nalang sa lahat ng naghahanap ng work.

Tuesday, May 03, 2005

ang init!!!

kung ako magiging super hero, gusto ko maging si ICEMAN ang cool kasi ng powers nya. kahit na nung elementary ako, siya na ang pinaka gusto kong character sa X MEN, pati sa video game siya ang palagi kong pinipili.

asar nga eh, bakit kaya si wolverine nalang laging binibida sa XMEN??, ang pangit ng power nun, tatlong matatalas na kutsilyo sa magkabilang kamay na biglang lalabas kung kailan nya gusto. infairness may healing powers din si wolverine, mabilis na gumagaling ang anumang sugat sa kanyang katawan.

eh si iceman:

Image hosted by Photobucket.com


Iceman is able to lower his external and internal body temperature, thereby radiating intense cold. In addition, he can transform himself into ice at will and freeze any moisture in the air around him—thus generating slides, shields, and other objects. He is immune to sub-zero temperatures.

anak ka ng.... how cool is that??

sana magkaroon ng movie si ICEMAN, tulad ni daredevil,spiderman,elektra,hulk and others.

ang init!!!!