Monday, October 23, 2006

limang joke

hi blog kamusta ka na??

lam mo nagstart na yung professional call center training namin sa informatics. nag start nung wed. 16 kami sa class. meron kaming classmate na 38 y.o. meron din akong classmate na grad ng nutrition and diedetics at ayun sa UST, meron ding tourism grad ng DLSUD, meorn ding nag aral sa ateneo pero lumipat siya sa perpetual. yung iba sa cavite state university. meorn ding 17 y.o. at iba pa.

iba iba ang dahilan nila kung bakit sila nandun. merong trip lang faw nya kasi sembreak. majority gusto makapasok sa call center.

ang nag tuturo namin ay si ms cherry. nag trabaho na siya sa ibat ibang call center at grad siya ng DLSU, communication major.

na eenjoy ko yung training madami akong natututunan tinuturuan kami ng american accent. di pa ako kumportable mag english pero im working on it nyak englis yun pwweeee. ok ang mga classmate ko masaya ang class. at magaling din ang nag tuturo. ang rule sa class ay bawal magtagalog syempre ang magtagalog magpeperform sa harap.

isang beses palang ako kumanta at group pa yun. ni suggest ko na kung pede group buti piumayag hehe. at kanina nag report ako about "how to gain weight" buti naman at interesado sila hehe. ang comment sa akin nung instructres ay intonation. kailangan ko pang mas artean ang english ko hehe. confident naman daw ako at maayos ang pagkakareport ko. hindi ko kasi binasa yung report ko ni xplain ko sa kanila.sinabi din nya na confident daw ako. sa isip ko. ako \??confident??a ewan hehe kabadong kabado nga ako dun kasi hinfi talaga ako sanay magsalita sa arap ng madaming tao lalo pat kailangan ay english

ayun nag tagalog daw ako duringng report ko nag sabi daw ako ng "ano" di ko napansin. kainis ingat na ingat nga ako e,. sabi ko nalang mag jjoke nalang ako . ayoko kumanta no hehe. limag jokes daw dapat ang ianda ko

bukas walang pasok kasi last day ng ramadan, sana nga may pasok nalang kainis.

Friday, October 13, 2006

biker

nakita ko kanina yung nanay ko na lalabas ng bahay kasama ang bike. ang weird na makita mo nanay mo na nag bbike hehe. inuutusan kasi nya ako na bumili ng pagkain ng love bird kala ko siya na ang bibili hehe. gusto lang daw nyang ma exercise yung paa nya.

after 5 minutes bumalik na siya sa bahay.

Thursday, October 12, 2006

.

yan blog mas ok itsura mo yoko na kasi nung orange nakakasawa tignan hehe

lalagyan na kita palagi pag me time.

kainis ang informatics pinalitan nanaman yung start ng class sa oct 18 daw sure na yun. ayoko na sa bahay nababagot na ako gggrrrr.

Tuesday, October 10, 2006

mentos freshness

alam mo blog nasiraan nanaman ako ng black shoes last term. defense namin nun, nung pag akyat ko sa may underpass biglang natanggal yung swelas ng sapatos. nanlamig katawan ko nun hindi ko alam gagawin ko dami pa namang tao hindi nalng ako tumingin sa likod at tuluyan ko nalng tinaggal yung swelas yung parang sa commecial ng mentos hahah tawa ako ng tawa nun buti nalng dun ako sa may park n ride dumaan at buti nalng may pedicab na nag aabang dun. god is good hehe. at yun nakadating din ako sa skul na parang pilay kung maglakad kasi naman may takong yung sapatos ng kapatid ko.

humiram nalng ako sa ka group ko ng tsinelas kasi varsity siya at dun lang sa may gym ang dorm nila

ayun nag defense ako ng naka tsinelas at nakapasok din ako sa library para mangopya ng takehone exam ng wlang nakakapansin hehehe.

wow scholar hehe

hi blog kamusta???tagal na din since last time.

balita sa akin???eto LOA nanaman huhu vacation kasi ni tatay kaya eto syempre walang income.

gusto ko uli mag work ayokong gumaya sa kuya na walang trabaho. madaming trabaho dyan hindi lang siya nag hahanap hindi man lang niya iniisip yung tatlo nyang anak.nakakinis halos sa gym na siya nakatira. di na siya umuuwi sa amin kasi war sila ni mama. nalasing nanamna kasi at nagsuka pangalawang beses na yun kaya napikon na si mama.yung mga gamit ko kinukiha niya ng walang paalam maguguliat nalang ako suot niya pala.nakakainis yun ganun.

ayun nakapasa ako sa scholarship "kuno" ng informatics hehe para sa professional call center training. after nito apply uli ako sa call center. wala talaga kasi akong kompiyansa sa english ko. marunong naman ako pero hindi lang talaga maganda foundation ng english ko. sa sat na mag start yung class. 5000 dapat babayaran dun e nakapasa nga ako sa exam at interview kaya 500 nalang binayaran ko.

nakita ko na din yung mga magiging classmate ko nung registration at meron pa akong kakilala dun kainis, anak nung church mate ni mama. yung isa cs grad at yung isa naman ang alam ko matalino yun. patay tayo dyan hehe. bahala na.

parang iniisip ko din na baka sayang yung time ko dito kasi 5 weeks ata tong training. e kung i apply ko nalang yung time na yun, ang problema naman kung makakapasa ba ako pag nag apply uli ako???natatakot na uli ako mag apply ng hindi handa.ano sa tingin mo??

good luck nalang sa atin.

balak ko din mag apply uli sa fast food habang nag ttraining madali lang namang mag resign.