Saturday, March 25, 2006

itlog+milo

pahabol.

eto nga pala sinabi sa akin nung isang player kung gusto ko daw pumutok yung katawan ko eh uminom daw ako take note "inom" daw ako ng itlog na may milo. at syempre ginawa ko ito hehe.

nilagyan ko ng dalawang itlog yung mataas na baso tas nilagyan ng tubig tas yung milo haluin ng mabuti. at kailangan malamig na malamig na tubig daw. oo nga naman kung hindi yun malamig ewan ko nalang kung ano mangyayari.

lasa pa din naman siyang milo pero malalasahan mo na yung itlog pag paubos na. lalo na pag hindi naihalo ng mabuti merong mga buo buo na matitira sa dulo ng iyong paginom.parang nakakasuka pero hindi naman ako nasuka.

ang alam ko meron posibilidad na yung ibang itlog ay mayroong salmonella bacteria pag kinain ng hilaw , kaya ewan hehe sana hindi naman ako ma infect.

buhat

tapos na ang term, enrollment na sa monday...

ilang buwan na din akong nag wo-workout at hindi ako nakakakita ng development, yung mga kasabayan ko ang laki na nila, wala naman akong balak magpalaki, ang goal ko lang talaga maging normal ang weight ko. ang problema hindi ko mapataas ang weight ko, i've been underweight since elementary. mahirap magpalaki nahihirapan ako. bakit ba kasi ganito?? sana ako nalang yung tipong tabain na tao. kasi madali ko namang ma cocontrol yung food intake ko. asar ...

lagi ko na din kasabay ang kuya ko magpunta sa gym. nung una kasi ako laging nauuna dun, hindi naman kasi kami close. naging way din yun para makapag bond kami kahit papano. madami din akong natuklasan sa kuya ko. sobrang kulit nya sa gym, sobrang daldal.. sobrang friendly sabi nga nung player dun na opposite kaming magkapatid at nagugulat sila pag sinasabi ng kuya ko na magkapatid kami. hindi din naman kasi magkamuka. magkaiba kaming nanay.

hindi ako dumadaldal pag dating dun, di tulad nung kuya ko babatiin nya muna lahat ng tao sa gym at makikipag kwentuhan muna bago mag start. para na nga nyang best friend yung instructor/may ari ng gym. at eto pa tapos na ako sa mga program ko wala pa sa kalahati nagagawa nya.

ok din pala na palagi ko ng kasabay kuya ko kasi may spotter na ako at may instructor na din hehe. bihira ako mag pa spot sa iba kasi nahihiya ako although alam ko naman na willing sila tumulong, mababait naman sila.

how can i gain weight?? sa tingin ko ang problema ko nutrition, i have to eat 1 gram of protein per 1 pound of my body weight . 120 lbs - kung sa itlog kailangan ko makakain ng 20 piraso. 6 grams of protein per egg.wag na uyyy dalawa nga lang nasusuka na ako. kung sa chicken naman hindi naman lagi chicken ulam namin. di din naman ako mahilig sa isda. iniisip ko din bumili ng supplement yung whey protein kaso ang mahal.

nag supplement na din ako dati kaso weight gainer, sa pag inom nito nadagdagan ako ng 20 pounds. nung nag supplement ako umabot ako sa 135 lbs. which is my ideal weight pero puro taba ang pangit at lumaki talaga tyan ko. pero ngayon medyo nawala ng ang taba ko sa tyan. current weight ko 120 lbs at na stuck na ako dito ng maraming buwan na.

Monday, March 13, 2006

wahoo

I'm back hehe

waaaahhh ngayon nalang ako uli nag post dito...

hayaan mo blog malalagyan na kita.

ano balita??

ayun finals na next week, tas enrollment nanaman sa march 20. sana may pang enroll ako.

hindi na din ako nakapag apply sa IMACOE o JPCS. nahihiya??walang kasama??asar.

sabi ni berns na president pala ng JPCS na classmeyt ko sa theory 1st term pa daw uli sila tatanggap ng applicants.. sa IMACOE di ko alam.

mag ccollege na pala yung kapatid ko. at gusto daw nya mag aral sa EAC. sa aking opinion, di ko gusto sa EAC nag inquire kami dun nung HS at di ko nagustuhan. ayaw daw nya sa DLSU-D. siguro kasi malapit lang yun sa bahay namin.

ngayong term nakakapag church na din ako sa Victory. masaya at masarap ang pakiramdam ko pag nakakapag church ako nakaka refresh kasi ng utak. Tsaka mas ok yung may time ako kay God. he's been blessing me this past months..