Tuesday, June 28, 2005

karinderia

gutom na ako at pagod, ang sakit na din ng paa ko.
at eto pa madadatnan ko????wala wala akong nadatnan sa aming bahay.

wala pa namang tao sa bahay ng pinsan ko na kapit bahay namin.

di man lang nag sabi na aalis sila kaya eto ako net na muna dito sa labas ng subdivision sa may amin.

kaya sa karinderia na rin ako kumain. napagastos pa ako.

yun lang.

choose

ngayon namang 2nd day ko, 1 to 5:30 ako, yun parin pinagawa sa akin, gusto ko na nga magpipindot dun kasi mukhang dun ako mahihirapan dahil nakakalito. kaya taga assist muna ako.bukas nalang daw ako ittrain ng manager. ayun sabi ng manager sa akin mag smil smile at smile uli.

na realize ko mas masarap mag aral kaysa mag work. sa school kahit maraming pressure at stress, nakaupo ka lang sa classroom nakikinig sa prof, pa tambay tambay sa tambayan. bonding with friends. at may baon pa, na katumbas lagn ng sinasahod sa fast food chain.

sa trabaho. nakatayo ka ng maraming oras, uutusan, may ipapagawa. pero may bayad na katumbas ng baon mo. ano mas ok?

bukas, closing uli ako...hirap mag closing ayoko...pero wala naman akogn magagawa.

smile naman dyan.

kahapon ang 1st day ng training ko sa bk, at natuon pa ako sa closing ng store, medyo ilang pa ako sa kanila. kasi parang inaaway nila ako hehe. yun utos utosan muna, tagal lagay ng soda at iba pa. nalilito din ako dun sa cashier dahil ang daming pindutan.

lahat pala nililinis pag closing, inutusan akong punasan yun tiles sa ding ding, mag hugas ng mga traysssssssssss, mag punas sa counter, mag salok ng yelo, maglagay ng soda, maglagay ng fries dun sa lutuan, mag great ng mga customerssss(hi maam sir good evening , glad your here). ilang beses na din ako napag sabihan ng manager na mag smile..smile at smile. mag practice daw akosa bahay.

1st day ko ng training sobrang napagod ako. 6 hours akong nakatayo, 20 minutes lang ang break na kung saan dun ka lang pede umupo, kumain at uminom. ang hirap pala ang sakit ng paa ko tas naka leather shoes pa kami.

nagpapataba pa naman ako, mukang papayat uli ako dito, wag naman sana.

i gained 19 pounds in 5 months, 11 pounds pa para maabot ko yung ideal weight ko.

Sunday, June 26, 2005

patingin

tuluyan na kaming naputulan ng linya sa telepono.

kaya ito ako nag rerent na muna dito sa may amin, ang nakakaasar lang dito, yung katabi ko parang gusto ng magpalit kami ng terminal dahil kanina pa siya tingin ng tingin sa monitor ko. curious kung ano ang tinatype ko. asar

at ikaw na nasa likod ko umalis ka dyan dahil hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko . hahaha

hay...

eh probinsya

bukas general meeting sa bk, 7 am yun, magising kaya ako??oo magigising ako..di pedeng hindi.

ayun binigyan na din ako ng uniform, ang masasabi ko???di ko gusto ang shirt nila hahaha. pero ayos lang

31.44 per hour ang sahod sa bk. PROVINCIAL RATE bakit ba kasi may ganyan pa silang nalalaman??dahil ba medyo malayo ang nilalakbay ng truck nila bago makadating sa sm dasma? eh pare pareho lang din naman ang prices nila dito tsaka sa manila. isa itong malaking kalokohan. pero ayos na din yun, ang purpose ko lang naman ayokong maging tambay lang sa bahay, habang hindi ako nag aaral.

good luck sa akin. kaya ko to.

at eto pa pala, sa counter ako nilagay nung manager, dalawa lang naman ang gusto kong posisyon dun, kung hindi sa counter..gusto ko din yung taga assemble ng burger. hmmm sarap. paborito ko talaga yung whopper nila.

bukas na din siguro ako mag sisimula...



Friday, June 17, 2005

next week na.

Image hosted by Photobucket.com

after 2 weeks natapos na rinang pag aasikaso ko ng mga requirements, ang dami ding gastos

nbi - php115
sss- wala
id pictures-100
cedula - 11
medical - 150 sa xray 50 sa stool examination = 200
mayors permit -130

at pamasahe, pagkain...

nandito nga ako sa sm dasma, tinanong ko sa manager kung pede na ako mag start kasi sa monday pa ang release ng mayor's permit. di daw pede kailangan daw may maipakita ako. kaya next week na ako mag sstart.

hindi ko alam yung nasa unahan ng pila ng kumain ako sa bk ay presidente pala ng burgerking sa buong piliinas. bigboss, bigboss talaga kasi ang laki nya para siyang basket ball player.

Sunday, June 12, 2005

trabaho

sinabi ko ng hindi na ako maghanap ng trabaho.


after nun tumawag ang burger king at yun pinapunta ako dun para kunin ang gate pass ko para sa interview daw, pumunta ako dun ng nakapambahay, at sa di inaasahang panahon ininterview ako, haha natawa ako kasi sabi ko sa manager nakapambahay lang po ako, pero ayos lang daw yun. natapos ang interview at sinabing hintayin ko ang tawag nila after 3 days.

after 3 days tumawag uli ang burger king at sinabing pasado ako sa interview at pinapapunta ako para sa orientation.

7 am yung orientation at yun, nalate ako 730 na ako dumating, pag sating ko dun di pa naman nagsimula hinihintay pa yung manager na mag oorient sa amin.

nagsimula ang orientaion, about sa company..regulations..etc. ang burger king pala ay pagmamay ari ng ayala. then intoduce muna bawat isa. 11 kaming nasa orientaion. nag salita yung isa, im __________ studying in DLSU-D (kumpleto) ............... after nya sabihin yun nakita ko yung mga reaction ng mga katabi ko na parang mga gulat dahil na di makapaniwala na ng aaral siya dun. kaya ng ako na ang mag iintroduce. Im mark, engineering student at nag aaral sa manila....... di ko na sinabi pangalan ng skul ko haha apra walang mag react.

ayun, lahat kami stop sa pag aaral. mga 3 kaming nandun na susubukang pagsabayin ang pagaaral at pag ttrabaho. makaya ko kaya? yung isa hs grad, yung isa naman parang kinariri ang pag ttrabho sa food chain, ang dami na nyang experience.

after nun, sinabi ng manager ang mga requirements. at ang dami. hanggang ngayon hindiko pa kumpleto

Wednesday, June 01, 2005

malikot na kamay

na block ang sim ko dahil sa malikot na kamay ng pinsan ko na nag babaksyon dito sa amin, kaya eto pina upgrade ko ang sim ko sa globe, 100 pesos at naging 128 k na ang sim ko at same number parin. sabi ng rep dun 24 hours ang dapat kong hintayin bago magka signal pero hanggang ngyon wala parin akogn signal dalawang araw na.

kaya tumawag ako uli, para umangal. at sinabing maghinday day ako uli ng 24 - 48 hours.

maryosep.