Sunday, August 13, 2006

rushhhhhhhhhh

heeelllllllllooooooooo blog kamusta ka na??? ako??? pagod na pagod hehe kasi kasali kami sa amazing race sa mapua. ako , si joneil(running for pres.),karl(sports comm.),antoni(running for membership comm). kwento ko sayo ah.

assembly time 7pm daw. alam ko namang hindi yun totoo kaya di ako nagmadali, dumating ako sa skul ng 8, at yung ka group ko naglalaro ng DOTA. ni txt ko sila na umalis na yung ibang group, pero joke lang yun. nabitin daw sila

yung competition, kaparehong format ng amazing race, ngayon sakop nung race ang manila kaya mas mahirap di tulad ng dati na sa mapua lang sila nag tatakbuhan.

ayun 1st stop, nagbigay sila ng clue.. nakakpagod layo ng tinakbo namin tas umuulan pa.asar. nagkamali pa nga kami ng daan kaya natagalan kami, 2nd stop sa may bonifacio shrine. isang member ng group ang tatakbo mula sa shrine hanggang post office, kailangan nyang makuha yung kaparehong barahe ng nabunot nya, e minalas kami naka tatlong balik kami dun, ako yung pangatlong bumalik.

3rd stop, sa may ongpin. kailangan naming hanapin yung chinese temple dun at mag dadasal para makuah yung nxt clue.4th stop sa may sm carriedo. ang sabi sa clue, pinakaluamang bilihan ng mga electronics, murang bilihin etc.. dun kami nag tagal kasi ang daming store dun. pagdating sa sm kailangan naming bumili ng pinaka murang item at i ccompare sa ibang group na nandin, yung nabili namin 4.95 fun shots ata yun, natalo kami dun may mas mura pang nabili yung iabgn group kaya naghanap pa kami , nakita namin yun ascorbic acid worth .75. kaya ayun nakaalis na kami dun.

5th stop pumunta kami sa DOJ , ang task dun na mag solve ng tatlong problem, yung dalawa nasagot agad ng kasama namin yung sa pangatlo kami nahirapan.

ang last stop ay sa museong pambata. 4th place lang nakuha namin, sayang kasi kung hindi kami nagtagal sa may intra at sa may ongpin, makakahabo sana kami.

oo nga pala 100 lang ang budget namin dun at 10 groups ang kasali galing sa ibat ibang organization.dati nakuha ng msm ang 1st at 2nd pero sa loob lang ng mapua yung race.

masaya naman yung experience,nakakapagod, kahit talo kami ok naman. nag enjoy naman kami kahit walang tigil ang pag iyak ng kalangitan. next year sali uli kami syempre.after ng race parang magbabarkada lahat ng grupo, masaya.

Thursday, August 03, 2006

kjhn

hi blog, tagal na pala kitang di nalalagyan, nag promise ako sayo dati di ko naman natupad. SORRY!

5 months din pala yun ngayon ko lang napagtanto, kamusta naman ako??? hindi ako ok ngayon, malungkot? medyo. bakit? kasi... basta. hindi ko alam mahirap para sa akin ang mag open up o magsabi ng mga hinaing ko sa buhay sa ibang tao.bakit? hindi ko alam o kaya hindi ako komportable sa ganung setting. kaya kinikimkim ko nalng sa sarili ko.

naalala ko dati lagi kitang sinusulatan, halos lahat nga ng nangyari sa akin sa buong araw sinasabi ko sayo. kahit mga walang kwenta, bat hindi na ganun ngayon?

kamusta studies ko? ayos naman, ganun padin problemado...
kamusta katawan ko? mabagal ang development, pag dating ng tatay ko bibili ako ng supplement, sana me work na ako para di na ako umasa sa magulang para sa mga personal kong pangangailangan, tulad ni benchpoint. kung sa call center naman kasi ako, sinubukan ko na dun di naman ako nagtagumpay, lahat tayo maruniong mag english pero hindi laahat magaling dito, tsaka bulol ako at tahimik kata mukang malabo hehe.

ay oo nga pala auditor ako sa MSM, madaming problema sa org saka ko nalang i kkwento. gusto ko mag apply sa ibang org. JPCS o IMACOE sa MICRO naman parang hindi sila approachable.baka next term ituloy ko na ito, pag di na ako officer.