Friday, November 24, 2006

cookies

dito ako ngayon sa hsbc, libre internet dito hehe.

bagalit sa amin kanina si ianne yung trainer namin. nadatnan nya kaming kumakain ng cake, brownies at cookies na dala ng mga classmate kong nakapasa. ayun pinagsabihan kami na pede pa nyang bawiin lahat ng pinagpaguran namin. ngayon lang daw kasi siya nagalit ng ganito sa mga class nya.

kainis mga pasaway kasi tong mga classmate ko. lagi din may napapagalitan. kahit nung regular class pa. mamaya graduation namin at sabi nya mag practice daw kami ng presesntation kung papayagan nya kaming maka graduate

sa opinion ko, kung di nya kami papayagan maka graduate. kalokohan yun, pinaghirapan namin yung mga grade namin at ano sasabihin nya sa management na wala siyang pinasa??

kung makakalagpas daw kami dito. ibibigay nya daw kami sa mga worst na tl at magiging hell daw ang buhay namin. kalokohan uli. bahala siya kugn san nya kami dalhin basta ang importante sa akin na magka work ako.

Thursday, November 16, 2006

sino ang mas matimbang??

may problema ako ngayon blog. tumwag sa akin kahapon yung APAC na inaplayan ko din, pinapapunta ako sa monday para sa job offer. ang problema nag ttraining ako ngayon sa hsbc,pass or fail training to kaya pag pumasa ako dun palang ako bibigyan ng job offer so 50/50 pa. sa APAC kasi sure na yun

kungi ccompare ko naman yung dalawa, mas maganda daw dito facilities palang at yung environment mas maganda talaga dito. sa APAC naman kasi may pulitika daw sabi nung ka co trainee ko dito sa hsbc.

kaya nag iisip ako ano ba pipiliin ko??mas matimbang sa akin ngayon yung HSBC. kasi para talaga nahirapan ako dito sa pag apply. 4 interview at madaming exams pero madali lang naman yung exam, ang mahirap yung interview dun talaga nag dugo ilong ko. sa APAC naman kasi mejo nadalian ako sa process nila. dalawa lang yung interview.

ano kaya pipiliin ko?????

tignan natin sa monday kung ano ang mangyayari.

Friday, November 10, 2006

aplay sa alabang

hi blog hehe

lam mo nag apply kami sa alabang nung wed kasama ko yung mga classmates ko sa training

ayun 1st stop convergyg, ang result?? failed. bakit?? kasi sobrang kabado ako nauutal talaga ako. panel interview at apat kaming ininterview. nakakatakot yung nag interbyu sa amin grabe, ang ganda pa naman. madaya ang hirap ng tanong sa akin kainiis. si aqui lang ang nakapasa samin sa convergys may job offer agad siya

at habang hinihintay yung mga kaibigan namin sa loob ng examination room. niyaya ako ni joan.. try ko daw sa hsbc. siya hindi na mag aapply kasi bagsak na siya dun dati.

ayun. 1st impression ko nung pagpasok ko?? maganda, hi tech nakakatuwa. compare sa convergys mas ok yung ambiance. yung mga employee ang poporma at sosyal. yoko pa naman ng mga ganun hehe. ayun initial interview pasado. tas pinaakyat kami sa taas para 2nd interview after 3 hours..... dun palang ako na interview.

kas ba naman naiwan pala yung papel namin sa baba.kaya pala daw laging tinatawag yung pangalan ko. e asa taas na nga ako. ang may kasalanan yung babaeng naka yellow. asar talaga ang tagal naming naghintay. kaya pala tatlo nalang kami natitirang hindi pa naiinterview yng mga kasabayan namin tapos na mag exam.

ayun di nakatiis yung isa at tinanong bat ang tagal daw namin mainterview. maghintay nalang daw

ayun gutom na gutom na ako nung panahon na yun 10 am huli naming kain. 12 pumunta ko ng hsbc yung 2nd interview ko 6pm na ako na interview. kamusta naman yun diba???tuyong tuyo na yung lalamunan ko tas bawal pa ang cellphone. ang ganda nung nag interview sa akin ang tangkad 5'10" daw siya. ayun yung mga tanong tungkol naman sa call center, supervisor, work environment at kung ano ano pa. buti nakapasa pa ako dito kasi hindi n talaga ako makapag isip ng maayos , 1st time kong nahilo dahil sa sobrang gutom. after nito nag exam na ako yung exam...

5 parts ata yun mahba yung exam at hilo na ako ng mga time na to.pinipilit ko nalang talagang sagutin iniisip ko yung mga taong hindi nakapasa ng initial interview hehe.

ayun after ilang minutes nanaman tinawag na ako at sabi sundan ko daw siya sa baba. naisip ko patay tayo dyan bagsak na to. hindi na ako makatiis kaya nung pasakay ng elevator tinanong ko siya kung pasado ba ako. sabi nya OO. saya ko nun at pinabalik ako kinabukasan para sa pre final at final interview. nakalabas ako ng hsbc ng 930 pm imagine mo yung walang kain yun, buti nakayanan ko. pinilit ko lang talaga sarili ko.

kinabukasan....