Wednesday, May 16, 2007

WOW

hi blog an na nangyari sa akin??

ayun adjusted na sa time ng work. mejo gamay na din ang process at alam mo ba. most improved player ako for april. kung alam o lang na may scorecard pala edi dati pa sana ak nag pursige.

next target ko MVP tas next dun pole position . sana makamit ko to.

at 2nd ako sa AHT(average handling time) sa buong process. target o din maging number 1 for may.AHT ayan yung time na na handle m yung customer ang time ko 201 seconds yung 1st 200 at yung 3rd 202 1 second difference aya ok lag sa ain na 2nd hehe

sige dito nalang muna. wish me luck

Sunday, January 28, 2007

sakit ng lalamunan koooooooooo

lam mo blog nagkaroon ako ng acute laryngitis at 2 days ako hindi nakapag calls masaya nga e hehe pumasok pa din ako at petix lang ako sa office syempre utusan nanaman nila ako.
sabi nga ni doc mag iba daw ako ng work kugn palagi daw sumasakit lalamunan ko.
kala ko madali lang mag work sa call center para sa akin nahihirapan ako lalo na yung 1st week ko nag calls, minsan nakakainis yung ibang customer mga bastos , yung iba naman ayaw nila makipag usap sa pinoy , yung iba na gugulat sila na taga pinas ang kausap nila. pero meron din naman g customer na nakakatuwa yung pasasalamatan ka niya sa nagawa mo sa kanya.
nakakapagod magsalita ng 8 hrs lalo na sa isang tahimik na kagaya ko kaya nga ako nag ka laryngitis na pwersa daw sabi ni doc, tsaka may feeling ako lagi pag mag sstart yung work, parang hndi ako excited hehe.
pero ayos na din to basta hindi lang tambay sa bahay at nabibili ko na din yung gusto ko , inuutangan na nga ako ng pinsan at nanay ko hehe
pero ang pangit dito para akong naghahangad ng mas mataas pang sweldo, parang kulang pa sa akn yung sinasahod ko.
at tapos na ang ISD start na talaga kami sa monday. kulang pa din ako sa product knowledge aminado ako dun.

Saturday, December 16, 2006

hilik

8:19 dito pa din ako hsbc may pupuntahan kasi ako dito sa las pinas mamaya. sinubukan kong makatulog naidlip lang ako. patay tayo eto na naman ang problema ko sa pagtulog. tanghalina ako nakakatulog mga 12 o 1 kaya kanina inaantok ako sa training.

ayun asar yung lalake kanina sa quiet room,nagising kasi ako dahil sa malakas nyang hilik. naalala ko tuloy yung tatay ko ganun yun humilik. e yung iba kasing quiet room walang vacant bed.

naginuman yung iba kong classmate dito lang sa tapat ng hsbc,libre ng ng classmate namin. yung team leader dati sa ibang call center. mas malaki naman kasi yung sahod nya compare sa aming lahat.

at eto pa pala. birthday kanina ni jas. libre nya ang lunch ng buong class sa mcdo. mayaman na yun kano ang asawa nya gusto lang daw nya mag work dahil parang nabobo na daw siya pag nasa bahay lang/

huwat???

wwwwwwwaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh nakuha ko na yung check ko kanina blog ang saya hehe. sabi sa amin next week pa daw pero nungni check ng classmate ko meron na. yung iba kong classmate may ATM na. kulang pa kasi ako ng primary id. kailangan kasi government id.

ayun its more than what i expected hehe, lahat naman na excite, kasi nga naman 3 weeks na kami dito kaya ganun. pero inaasahan namin na sa susunod ay mas mababa kasi dun kakaltasin yung mga SSS etc. kaso sa monday ko pa mapapapalit yun.

masaya kasi eto yung unang pinaka totoong sahod ko. tas kanina binigay na sa amin yung headset namin gagamitin namin next week, i bbuddy kami sa mga agents na nasa floor na..tas makikinig kami ng calls hehe. sa ganitong mga bagay natutuwa na ako hehe. mejo naboboring lang ako sa lectures kasi minsan hindi ko maintindihan inaantok pa ako. puro kasi tungkol sa bank at loans.. puro compliance.

nagising lang ako nung pinabukas na sa amin yung pc para ma experience namin yung gagamitin naming program. hay sana mag tuloy tuloy na to. salamat talaga kay God at na eexperience ko tong mga ganitong bahay kahit hindi ko talaga forte to hehe.

Thursday, December 14, 2006

ttooooooooot

asar ang dami ng nakakapansin na pumayat daw ako lalo na nung mga naging classmate ko nung SLT. bigdeal??oo ang bilis ko talaga pumayat kainis.

sa 1st pay ko bibili talaga ako ng weight gainer . nakakapag gym pa naman ako kahit papano pag mga 3pm ako nagising kaya pa mag gym nun. at eto pa pala yung kuya ko sosyal nag rent na ng bahay kahit wala pagn trabaho at sino magbabayad? syempre si mama. nauna pa akong magka work sa kanya kainis talaga lagpas 1 year na syang tambay. hindi pa din nga niya dinadalaw mga anak nya hanggang ngayon tas humihingi pa sa akin yun ng pera,hindi yung umaasa pa din siya sa magulang. hindi naman ako nagdadamot ang gusto ko lang sana man lang may initiative siya mag hanap ng work. e mag aapply lang yun pag may narinig sya na may opening na work sa mga kaibigan nya. dapat siya ang maghanap.

ok na din, kasi hinid na ako masyado umaasa sa mama ko . kahit yung mga simpleng bagay na pang internet o pag mag ggym di na ako humihingi. hindi tulad ng dati kailangan ko pang magmakaawa at kailangan ko pang makarinig ng sandamukal na ka dramahan bago ako bigyan hehe. memorize ko na nga yung sasabihin eh.

basta bibilhan ko ng gift yung nanay ko. at yun inaanak ko syempre bibigyan ko yun at syempre magbibigay din ako kay GOD. pati si ninang na binibigyan ako ng baon nung nag aapply ako. ayun nga pala di ko na tinanggap yung sa apac di ko nalang sinasagot yung tawag nila hehe. ok na ako dito HSBC.

?

iiim starting to love this company . kasi sabi ng mga trainer namin na pag ginalingan mo talaga dito pede kang ma promote, walang palakasan. performance ang tinitignan.

aaminin ko hindi parin talaga ako comfortable sa english at hindi parin talaga ako makapaniwala sa 86% na grade ko sa soft skill(eto yung call simulation/call handling). kasi yung scenario sa call sim ko ay, tinatanong nya sa akin kung ano daw ang pede nyang bilhin na regalo sa baby girl nya at ang dami nyang tanong na pinagsasabi na wala namang connection sa HSBC tsaka irrate siya nung 1st part, tinatanong nya kung ano ang edad ko at kung may asawa na daw ba ako, at dapapt daw may anak na ako.hehe

sabi naman ni jade na i handled myself well during the call kaya daw ganun grade ko. dami kasing bumagsak sa soft skill kaya di talaga ako makapaniwala sa grade ko lam mo yun. hay wala talaga akong bilib sa sarili kaya minsan nagtataka nalang ako.

ang tanong ko ngayon???mag eenroll paba ako??? kasi kung di ko ipagpapatuloy to sayang lahat ng paghihirap na dinaan ko. yung 4 na interview palang hirap na hirap na ako tas nag special language training pa ako for 2 weeks dami din namin pinagdaanan dun tas core training for 2 weeks ulit tas ngayon naman process traning for 2 weeks(sana makapasa ulit). gusto kong tapusin ang pagaaral ko...nalilito ako kung pagsasabayin ko naman makakaya ko kaya??enrollment na sa january. at hindi ko pa pala alam kung ok pa yung status ko sa mapua hehe.

yun muna sa ngayon tulog muna ako saglit dito.

miss na ngapala ng buong class si JADE and Von ang saya kasi nila mag train. di boring.

13

hi blog, its 6:08am

ayun nakapasa ako sa core training. 86% ako sa soft skill, di ako makapaniwala kasi ako yung pinaka hindi mapakali nung naghihintay kami ng kanya kanya naming turn sa final assestment. 88 yung highest ako pumangalawa. sabi ni JADE(trainer) na surprise daw sya sa performance ko kasi tahimik lang daw ako sa class, di talaga ako nag rerecite hanggang hindi ako tinatawag tulad ng iba kong mga classmate na laging nagpaparticipate. ilang beses nya din ako ni acknowlege sa class after ng assestment hehe. natuwa talaga ako nun. galing talaga ni GOD he gave me more than what I expected.

ayun nung monday nag start ang process training namin. ganun pa din ang sched 830pm to 530am. hidi na ako inaantok pag madaling araw nasanay na. nakaktawa lang minsan makikita mo yung iba mong mga classmate naka nganga na at natutulog habang lecture. mahirap talaga ang transition kasi ba naman babaliktarin mo ang araw mo.

ayun ang nakalagay sa contract ko Collections Associate. pero nung nag process training na kami ni explain ng bago naming trainer na si Dennis na nawala na daw yung demand para sa collections kaya nilipat nila kami sa US customer care - Auto Finance, na dapat US Collections - Auto Finance.

Information Overload talaga ang kapal ng libro na binigay nila sa amin, dami naming pag aaralan. kala ko madami lang mag work sa call center, nagbago lahat yun nung nakapasok ako dito. Pag nakapasa ako sa process training another training uli ISD naman 3 to 5 weeks yun dun na kami makakaexperience ng tawag.
ang masaya pa nito, nakasama pa pala kami sa 13th month pay wweeeee. kaya nga ako naghihintay dito kasi punta ako mamaya sa HSCB bank dito din sa alabang para ipapalit ko yun, 1200 yung check ko ayos an yun kaysa sa wala diba??

ang bad news ay may kulang pa pala ako sa requirements ko para sa pay roll, kulang ako ng primary ID. dapat sa 15 na yung 1st pay namin. unfortunately next week ko pa makukuha yun sa akin through check. buti nalang may 13th month pay may pang allowance pa ako

Monday, December 04, 2006

WOW

hi blog dito ko ngayon hsbc, kamusta ang 1st week ng core training?? hindi masyado ok. feeling ko i dont belong here huhu. ang gagaling ng mga classmate ko nakakaintimidate talaga. halos lahat may call center experience na. sana man lang pinagsama sama yung mga baguhan para pantay pantay.

tapos na din yung initial assesment . pinagawa kaming logo na nag rerepresent sa amin at ieexplain sa harap naka record yun. kinakabahan ako kaya di naging ganun kaganda ang resulta lammo yun sobrang conscious ako sa mga sinasabi ko kasi lam kong magagaling sila. nagsasalita lang talaga ako pag kailangan na kailangan hahaha.

bago na ang trainer namin half american ata pero muka siyang kano eh. kano nga siguro yun. may elimination pa pala sa core training kaya good luck nalang sa akin. gagawinko ang best ko tsaka nandyan naman si GOD para tulungan ako. no worries hehe. kung di pinalad ayos lang daming call center dyan

ngayon ko lang na realize na ang laki pala nitong company na pinasukan ko. parang naging proud na din ako sa mga videos na pinakita nila sa amin. at sinabi din nila na 2 out of 100 lang ang nakakpasok dito sabi din ni benchpoint yun. di naman sa pagmamayabang pero di ko alam kung hanggan ngayon nandito pa ako hehe. im not that good in english pero im trying my best, yun lang siguro kugnbakit ako nakapasok dito.

imagine 2nd ang HSBC as biggest financial institution in the WORLD. at ang aim ng company na ito aymaging number 1. ngayon ko lang narealize na tinitignan nga ang attitude dito kaya pala di nalapasa yung maangas na kasabay ko.

Friday, November 24, 2006

cookies

dito ako ngayon sa hsbc, libre internet dito hehe.

bagalit sa amin kanina si ianne yung trainer namin. nadatnan nya kaming kumakain ng cake, brownies at cookies na dala ng mga classmate kong nakapasa. ayun pinagsabihan kami na pede pa nyang bawiin lahat ng pinagpaguran namin. ngayon lang daw kasi siya nagalit ng ganito sa mga class nya.

kainis mga pasaway kasi tong mga classmate ko. lagi din may napapagalitan. kahit nung regular class pa. mamaya graduation namin at sabi nya mag practice daw kami ng presesntation kung papayagan nya kaming maka graduate

sa opinion ko, kung di nya kami papayagan maka graduate. kalokohan yun, pinaghirapan namin yung mga grade namin at ano sasabihin nya sa management na wala siyang pinasa??

kung makakalagpas daw kami dito. ibibigay nya daw kami sa mga worst na tl at magiging hell daw ang buhay namin. kalokohan uli. bahala siya kugn san nya kami dalhin basta ang importante sa akin na magka work ako.

Thursday, November 16, 2006

sino ang mas matimbang??

may problema ako ngayon blog. tumwag sa akin kahapon yung APAC na inaplayan ko din, pinapapunta ako sa monday para sa job offer. ang problema nag ttraining ako ngayon sa hsbc,pass or fail training to kaya pag pumasa ako dun palang ako bibigyan ng job offer so 50/50 pa. sa APAC kasi sure na yun

kungi ccompare ko naman yung dalawa, mas maganda daw dito facilities palang at yung environment mas maganda talaga dito. sa APAC naman kasi may pulitika daw sabi nung ka co trainee ko dito sa hsbc.

kaya nag iisip ako ano ba pipiliin ko??mas matimbang sa akin ngayon yung HSBC. kasi para talaga nahirapan ako dito sa pag apply. 4 interview at madaming exams pero madali lang naman yung exam, ang mahirap yung interview dun talaga nag dugo ilong ko. sa APAC naman kasi mejo nadalian ako sa process nila. dalawa lang yung interview.

ano kaya pipiliin ko?????

tignan natin sa monday kung ano ang mangyayari.